Chapter 28: "Spooky Night"

10.4K 269 34
                                    

Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖



Nang sumapit ang gabi abala ang lahat sa paggawa ng chores para ihanda ang dinner. Greg was preparing the table, David is cooking and Luke is washing some fruits sa may lababo.



Habang si Dana ay nakasimangot lang sa tapat ng lamesa. Kinalabit ko sya. "Problema mo?" tanong ko sabay upo sa tabi nya.



Tinignan lang nya ako sabay kibit balikat, "Wala."




"Sabihin mo na bago ko sabihin sa kapatid mo na you like-you-know-who." pananakot ko sa kanyat sadyang hindi binanggit ang pangalan dahil nasesense kong nakikinig si Luke sa amin.




"Don't you dare!" sabi nyang natitilihan. "It's not a big deal actually. Ayaw lang kasi ni Dave magdrive papunta sa Mini Stop along the area para bilhan ako ng Cornetto."




"Dana, who is this that you like? Haven't I made myself clear before? Ilang ulit ko nang sinabi sa iyo na 'NO BOYFRIEND' until 30." biglang sabi ni David na hindi namin namalayang nadinig pala kami.



Dana frowned further with what her brother said habang tumawa ako ng mataginting. "Ang lupet mo namang kapatid, David. No wonder poor little Dana never had a boyfirend."




Sumenyas ako kay Luke na umupo sa tabi ko. "Aayain ko sa kwarto sa itaas si Dana para makaalis ka. Hiramin mo kay Greg ang kotse nya at hanapin ang Mini Stop na sinasabi nya para makabili ka ng Cornetto na gusto ni Dana." bulong ko sa kanya.




"Sige, akong bahala. I'm sure she will be delighted kung makakain nya mamaya iyong Cornetto na gusto nya." sang-ayon nya.




"Dana, pwede ka bang sumama saglit sa akin sa kwarto?" sabi ko sabay hatak sa kanya.




"Bakit ba tayo nagpunta dito sa kwarto?" naguguluhang tanong ni Dana sa akin nang nasa kwarto na kami.




"Teka nakalimutan ko iyong kailangan ko sa iyo." nawalan ako ng back up plan. Think, Janna! Think!




"It's about David." bahala na nga iyon ang unang pumasok sa isip ko, eh.




Now I got her full attention. She smiled at me knowingly, "Anong tungkol sa kanya?"




Ano nga ba pag-uusapan namin tunkgol kay David? Wala akong maisip. "Anong paboritong kulay nya?" I blurted out dahil iyon ang unang lumabas sa bibig ko.




"It's blue, bakit bibilhan mo ba sya ng belated birthday gift? A shirt or something related to his fave color?" nanunuksong tanong nya. "You didn't give him anything yet."




Alam ko namang wala akong regalo sa kapatid nya but I already gave my gift to her. It's a friendship bracelet na katulad ng suot ko ngayon. "Naku, hindi noh! Tight ang budget ko." sabi ko sabay hatak sa kanya palabas ng kwarto dahil nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan. I think, Luke already arrived. Sana lang nakita nya yung Mini Stop at nakabili sya ng props nyang Cornetto.




Pagbalik namin sa dining area nakita ko si Luke na may bitbit ng pagkain sa tray at palabas na ng pinto. Binulungan ko si Dana, "I think you should accompany Luke outside."



"Paano si Dave?" sabi nya habang medyo namumula ang mukha.



"Ako na ang bahala sa kanya. Di ba sabi ko sa iyo kanina, I got your back." Tumango sya at pasimpleng lumabas para sundan ang pinsan ko.



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now