Chapter 8: "Her Choco Cookies"

12.3K 322 27
                                    

Dedicated to: @Random_DiamondMuffin

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Wala akong pasok ngayong araw at dahil nakakabagot namang mag-stay sa bahay naisipan kong puntahan sina Luke at Greg na alam kong may practice game sa gym ng SAU.



I took a bath and dressed in a baby blue tank top, a white cardigan, skinny jeans and wedge. Sinong mukhang shabby guy ngayon? I definitely have my days.



"Mommy. Pwede po bang humingi ng pabor?" sigaw ko habang tinutungo ang kusina.


Dinatnan ko syang inaayos sa cabinet ang mga groceries. Just my luck! Nakapamili na si mommy so maybe may magagamit kami sa irerequest ko.



"Anong pabor ba, anak?"



"Gusto ko po sanang dalhan ng merienda ang team nila Luke at Greg."



"How thoughtful of my daughter. Okay, since sila naman ang madalas na nadadamay sa kalokohan mo kaya sige."


"Thanks, Mommy. The best ka talaga pero gusto ko lang linawin na ako po ang nadadamay sa kalokohan nila and not the other way around." sabi ko.



"Let's bake some choco cookies since I bought an easy bake mix." she said dismissing me. Parang hindi sya naniwala sa mga sinabi ko. Some mother we have here.



Matapos ang isang oras, everything was set. Lumakad na ako papuntang SAU at nang makarating ako ay agad kong tinungo ang gym bitbit ang apat na boxes ng choco cookies na binake ng mommy ko.



Binuksan ko ang pinto ng gym. Puro pawisang varsities ang bumungad sa mata ko. But what do I expect eh practice nga nila today so natural lang na ganitong scenario, at hindi lang pala ang players ng SAU ang nandun pati na din ang visiting team from SJU. Cool! Feel na feel na nilang maglaro against each other.



Naupo ako sa bleachers at nanood. Hindi ko talaga maappreciate ang most loved sports nila Greg at Luke. Imagine kailangan pa idribble ng bola at magtakbuhan bago ishoot sa loob ng basket. Hindi ba pwedeng bitbitin na lang nila ito ng hindi sila mapagod sabay bato sa basket upang pumasok.



"Janna, pinsan." sigaw ni Luke na syang unang nakapansin ng presensya ko at tumakbo palapit sa akin.



"Anong sadya mo dito? Trip mo mamboso sa mga hot at sweaty bodies ng team?" sabi nya ng makalapit sa akin.


Binatukan ko sya. Nawawala ang pagiging seryoso ni Luke pagkaming dalawa ni Greg ang kaharap.



"Asa pa sila! Nabored ako sa bahay kaya naisipan kong panoorin ang pagiging lampa nyo ni Greg at isa pa magpakabait ka sa akin dahil dinalhan ko kayo ng choco cookies."


"Gawa ni Tita Con?"


Tumango ako at itinuro ang tatlong boxes na nasa tabi ko.



"Guys, Janna brought us some cookies." tumalikod sya para tawagin ang mga players.



Habang nakatalikod sya mabilis kong itinago sa likod ko ang ikinubli ko na isang box kanina bago pa makalapit ang mga varsities at naglakad ng dahan dahan patagilid nang biglang may mabunggo akong poste este tao pala.



"How sweet. Bringing a snack over."



Tinignan ko ang nagsalita. "Hi, David ikaw pala."


He eyed me and looked shocked bago ngumiti sa akin. "Did you just said, hi to me? Hindi ka na galit sa akin?"


"Hindi na. Mabigat sa bangs magtanim ng grudge sa isang tao."



"Good then. So since bati na tayo baka pwedeng makishare sa hawak mong box ng choco cookies."



"Hindi pwede! Akin ito eh. Punta ka doon at sa kanila ka manghingi."



"Kulang pa sa kanila iyon kaya dyan na lang ako sa itinago mong box makikishare kundi isisigaw ko na may isa pang box dito sa iyo."


Nanlaki ang mga mata ko. "Ssh. Ikaw naman hindi ka mabiro. Sure bibigyan kita ng choco cookies pero tatlong piraso lang and the rest are mine, okay?"


"Hmmm, three pieces. Does it mean 'I LOVE YOU'?" he teased and winked.



"In your dreams!" sikmat ko at sinamaan sya ng tingin, tapos walang babalang hinatak sya papunta sa stock room ng mops at bola kung saan kami magtatago para kumain ng choco cookies.



On the side is David -------->



To be continued...


VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now