Chapter 13: "Double Date"

12.2K 308 33
                                    

Dedicated to: @yettesantos

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖



Binuksan ko ang pinto ng kotse bago pa man maka-ikot si Greg sa side ko which seemed to make him upset.



"Hindi mo ako kailangan ipagbukas ng pinto."



"Pero gusto ko. Is it too much to ask?" he said softly.



"Hey, it's me. Si Janna, ang kabunguang siko ninyong mga varsity kaya hindi bagay na ipagbukas mo pa ako ng pinto. You know I am one of the boys." I said cheerfully to brighten the atmosphere. "Tara pasok na tayo sa loob at gutom na ang mga babies ko." dagdag ko habang hinimas pa ang aking tyan at nauna nang pumasok sa loob ng Pizza Hut.



We ordered a family size meat lovers pizza, a spaghetti meatballs, chicken wings and sundaes for dessert. When it was served syempre nilantakan ko na agad ang pizza kasi it has to be eaten that way. Hot and fresh.



Nagkwentuhan kami at napansin ko na hindi naman pala nakakailang kumain sa labas kasama si Greg. Parang ganito lang din kasi ang feeling pagkasama namin ang pinsan kong si Luke.



Pagkatapos namin kumain which I think mas madami akong nakain keysa kay Greg pumunta na kami sa movie house na nasa loob din ng mall. May suspense, sci-fi, action, chick flick at guess what? A horror movie. At hindi ba sinabi ni Greg na I get to choose any movie that I want? So horror it is.



"What a coincidence! Hey, Guys!" sabi ng pamilyar na tinig sa likod namin. Lumingon ako at nakita si David na nakaabriste sa isang magandang babae na sa tingin ko ay kasing edad lang namin. David was wearing a Batman shirt and a jeans while ang magandang babae ay nakasuot ng black shirt saying 'KEEP CALM & LOVE BATMAN' at white shorts reaveling her perfectly shape legs. Couple shirts? Tinignan nya ako at nginitian kaya nginitian ko din sya kahit na I am feeling something unpleasant right now which I just ignore.



"This is Dana. Dana sila sina Greg at Janna. They're from SAU." pakilala sa amin ng David habang isa isa pa kaming itinuro ni Greg.



Ako lang ba o talagang kumislap ang mga mata ni Dana ng marinig ang pangalan ko. "Ikaw pala si Janna. I have heard so much about you. Right, Dave?" sabi nya sabay baling kay David.



Tumaas ang kilay ko. Dave? "Talaga? Tungkol saan naman ang mga narinig mo?"



"A lot actually. That you--" umpisa nya kaso biglang sumabat si Greg kaya nahinto sya sa pagsasalita.



"Baka mag-start na iyong movie so mauuna na kami."



"Yeah, yeah! I almost forgot. We're actually about to watch the same horror movie. Let's go, Dave." sabi nito at hinatak na si David papasok sa entrance.



Sinundan ko sila ng tingin. At ito na naman ang hindi magandang pakiramdam na ngayon ko lang nararamdaman.



Naupo kami sa iisang hilera. Dana, David, Me and then Greg. At hinintay magsimula ang pelikula.



"Who's Dana?" bulong ko kay David. Nilingon naman nya ako at nakita ko syang ngumiti ng nakakaloko.



"Selos ka?"



I scoffed, "Asa ka!"



Lumingon si Greg sa akin at iniangat ang braso sa balikat ko at pilit akong inilalapit sa kanya.



More Than A Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon