Chapter 18: "Teasing Moments"

10.9K 284 19
                                    

Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Bumalinghalit kami ng tawa ni Dana sa sinabi ni David. Naisipan kong sakyan ang kaberdehan nya.



"Punishment? Kailan ka pa naging OSA. Alam mo David you don't have to stress the obvious dahil kitang kita ng dalawang mata ko na gustong kumawala kanina nyang 'little friend' mo." sabi ko habang tumatawa.



"May palunok lunok ka pa ngang nalalaman. Perv!" dagdag asar ko pa.


Akala ko mapapahiya sya na alam na alam ko ang body reactions nya while I was dancing in front of him, but no, ngumisi lang sya then look at me from the mirror.



"My friend down there got offended, Janna. Paano mo daw nasabing 'little' sya gayong you haven't seen him face to face."



Nag-init ang pisngi ko. Saksakan talaga ng perv itong David na ito. Sasagot sana ako kaso nagsalita si Dana, "Guys, stop flirting. I'm still here."



Ito naman ang hinarap ni David. "As for you sister, the next time you dance like that in front of some guy, I swear kakalbuhin kita."


"Whatever, KJ." said Dana while rolling her eyes.


Binaling ko na lang ang atensyon ko sa bintana habang umaandar ang sasakyan ng biglang magsalita ulit si David.


"Janna, you still owe me a date, right? Well, I was thinking if you wanted to watch Bruno Mars concert this Saturday night. Kung sasama ka we could eat dinner first bago tumuloy sa concert."


Teka, nabingi na ba ako? Did I heard it right? BRUNO MARS CONCERT! "No.Freaking.Way." tili ko.


"You don't have to scream kung ayaw mo. Basta you still have to go on a date with me, siguro iisip na lang ako ng iba." bakas ang disappointment sa tinig nya.


"NO! NO! SASAMA AKO! I just couldn't believe what I heard kaya nasabi ko iyon. Bruno Mars, wait for me!" ethusiastic na sabi ko habang patalbog talbog pa sa backseat ng kotse. Yehey!


"What's the big deal?" naguguluhang tanong ni Dana na nilingon ako sa likod.



"Hello? We're talking about Bruno Mars here. His songs are awesome and his voice is the next sexiest voice on the planet next to the voice of Adam Freakin Levine of Maroon5!"


"Bakit hindi ko ata alam ang bagay na iyan?" nakataas ang kilay na sabi nya.


"Cause you're weird." sabi ko na nag-peace sign.


Tumikhim si David kaya nakuha nya atensyon namin.



"You said Bruno Mars' voice is just next to the voice of Adam Levine. But you better believe me that I got the sexiest voice on the planet so that makes Levine second and Mars third." he winked.


Tumawa ako ng ubod ng lakas. Ano ito? Ego trip? Number one daw ang boses nya? Baliwag lang? Para namang hindi ko nadinig dati ang boses nya. Remember, he sings like a carrot!


"Yeah, yeah. Dream on, Dave. Sexiest voice huh!" I said to him full of sarcasm. "OMG! I'm going to see Bruno Mars in person!" tili ko ulit.


-----------


Sabado na and it's the night of Bruno Mars concert. I'm wearing a black skinny jeans, a black loose fitting top and a black Chuck's. I am the girl in black tonight. Kinuha ko ang body bag ko kung saan nasa loob ang CD ko ni Bruno Mars just in case I get lucky to get his autograph.


Nagmadali akong bumaba ng madinig ang doorbell at sigurado ako na si David na iyon. Naabutan ko silang nag-uusap ng mommy ko. Kay lapad ng ngiti ng mommy ko. Tssk! Ano na naman kaya tumatakbo sa utak nya.


"David, tara alis na tayo." excited na sabi ko.


Nilingon ako ng mommy ko at pinagmasdan. "Ang cute naman ng anak ko. Dalaga na talaga sya at hindi na bata. Imagine, another date at sa isang guwapong binata din. You're on the roll, daughter!" pumapalakpak na sabi nya.


"Hi, Janna. Ready?" tanong ni David.


Tumango ako. "Enough, mommy. Bye." hinawakan ko sa braso si David at hinila na palabas ng bahay namin.



"You have such an honest mother, Janna. Guwapo daw ako. I think she likes me for you." sabi ni David ng nasa loob na kami ng kotse nya.



"Huwag masyado feelingero."



"But you heard it too. 'Guwapong binata' and besides sinong ina ang hindi boboto na magkaboyfriend ng guwapo ang anak nila." matter of fact na sabi pa nito.


Hinampas ko sa kanya ang body bag ko. "Cut the crap, man. Tom Jones na ako kaya let's go and grab that dinner you offered."



"Ibang klase ka talaga. Ang takaw mo, para kang pahinante o kaya isang taong hindi pinakain ng isang taon kung kumain." sabi nya while smiling evilly.



Sinimangutan ko sya. "The compliments are heard but not process! Sana dineretso mo na lang na patay gutom ako."


Tumawa lang sya at binuhay ang radio. Then, Ke$ha's 'Run Devil Run' started playing. Gustong gusto ko din ang kanta na iyon kaya naman hindi ako nakatiis at sinabayan ito.

♪ I always knew you were a bad boy

I used to think that it was cool

You took me down just like a Rob Roy

But now I'm coming...next to you ♪

At nang feel na feel ko na ang pagkanta ko bigla na lang akong pinukol ng masamang tingin ni David. Parang sinasabi na makuha ka sa tingin kundi pabababain kita ng kotse.


Ah, okay I get it! Zinniper ko ang bibig ko at tumingin na lang sa bintana. I heard him sigh in relief. Sama ng ugali nya! Ganun ba kasama ang boses ko at ayaw nya akong pagbigyan kumanta? Tolerable naman ito sa palagay ko ah.


Huminto kami sa KFC. "Okay lang bang dito na lang tayo mag-dinner? If not, you can tell me where you wanted to eat, Janna."



"It's cool. I was actually craving for their spicy zinger."



"You're craving?" David said faking an exagerated gasp. "Are you pregnant, Babe? Did we already did it without my knowledge."



Binigwasan ko sya at nauna nang pumasok sa KFC. "Masakit iyon, ah! Hindi pa man battered boyfriend na ako." dinig kong sabi nya na nagpangiti sa akin.




Naupo ako at agad syang inutusan na umorder ng makapasok na din sya sa loob. Sabi ko sya na mag-decide ng order ko pero huwag nya kalilimutan ang spicy zinger. Pagabalik nya halos mapuno ang lamesa namin sa inorder nya.



Ngumisi ako. "Sinong patay gutom ngayon?"



"I'm a guy and as a guy I am entitled to eat a lot."



"Reasons." pang-aasar ko pa.



Ngumisi din sya at unti unting inaalis sa harap ko ang pagkaing inorder nya para sa akin at dahan dahang inilalapit sa kanya.


Pinalo ko ang kamay nya. "Subukan mo lang, David at papatayin kita." banta ko sa kanya. "Pagdating sa pagkain hindi ako nakikipagbiruan."



He just laugh like some lunatic. And softly pinch my nose.


On the side is Luke -------->



To be continued...



VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon