Chapter 40: "Chemical Romance"

8.2K 259 25
                                    


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Our Chemistry professor decided that we should use the laboratory. I really suck at this subject kaya naman madalas akong mangopya ng homework sa mga geeks na hindi magawang tangihan ang aking demands, but hey, hindi ko sila dinadaan sa dahas o pisikal. Sadyang hindi lang nila magawang iresist ang aking charm.



As soon as we got inside the laboratory, Mr. Liwanag, the professor told us to pair up. I survey the lab para maghanap ng geek na kinaibigan ko para sa mga panahon ng kagipitan na gaya nito. Bingo! Nakita ko si.. Peter? Bruce? Whatever. I swear I knew his name was connected with a superhero name. Nginitian ko sya at kinawayan and the poor geek smiled at me nervously.



Lumalakad ako papunta sa kinauupuan nya ng biglang may humila sa akin at inupo ako sa isang bakanteng silya.



"What the--" I started to curse but stopped when I saw that it was David, who is now smirking down at me.



Pinaikot ko ang mga mata ko. "Kung di mo mamasamain pero I really needed to pair up with Peter over there. Hindi mo ako gugustuhing makapartner."



Nilingon nya ang direksyong itinuro ko. Si Peter o Bruce o kung ano man ang pangalan nya ay mukhang nakahinga ng maluwag nang makitang inupo na ako ni David sa table nya.



"You'd rather pair up with him? Bakit?" David asked annoyed. Ugh. Chauvinistic pig alert!



"Relax! Gusto ko lang ng magandang grade. I suck at this subject at kung tayo magpapartner madadamay ka lang. Go pair up with Natalie." sabi ko sa kanya sabay nguso sa papalapit na babaeng kinulang na naman sa tela.



"David and Janna, how could you make iwan me at the mall kahapon?" tanong nya sa amin.



"Sorry, emergency." sabi ni David.



"May nadisgrasya ba sa inyo?" eksaheradong sabi nya na akala mo ay concern talaga tapos naupo sa binakante kong pwesto.



"Yeah, my dog got hit by a car so I have to rushed home to bring him over to hospital." David said.



"Aww. How is your dog? Buhay pa ba?" tanong nya sabay hila kay David paupo sa tapat nya. Sinamantala ko naman ang pagkakataon at lumakad na paupunta sa target pair ko.



"Hi, Peter." magiliw na bati ko sa kanya na sinamahan ng aking sweet smile. Namula sya bago nagawang magsalita, "It's Clark."



At napansin ko na bigla syang namutla habang nakatingin lampas sa balikat ko. Lumingon ako at nakita si David na binibigyan sya ng intimidating look. Siniko ko sya sa sikmura ng malakas na umani ng isang satisfying na 'oooff' sound from him.



"Right, sorry nakalimutan ko na Clark nga pala name mo." sabi ko at hinila ang upuan at naupo sa tabi nya. Hinawakan ako sa balikat ni David at pilit itinatayo. "Sorry for disturbing you, Clark, pero sa akin papartner itong si Janna."



"What? Ayoko." sabi ko at nangunyapit sa braso ni Clark.



"I-I d-don't think s-she wants to b-be partners with y-you." sabi ni Clark sa kagustuhan siguro akong ipagtanggol. Aww! What a sweet guy! Kahit na kandautal sya sa pagsita kay David at least he have some nerves to protect me.



Hindi ko napigilang kurutin ang pisngi nya kaya naman binigyan nya ako ng maliit na ngiti. Kinurot ko na naman sya sa pisngi sabay sabi ng, "You're-so-cute!" na nagpamula ng mukha nya.



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now