Chapter 36: "Confessions"

8.6K 269 18
                                    


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Matapos ang madrama naming tagpo ni Greg hindi ako dalawin ng antok. Kasalukuyan akong nakahilata sa kama ko ng may maalala akong gawin. I pulled out my phone and sent a text message to David. 'Are you mad at me for jilting you? Sinabi ko na ang totoo kay Greg.'



Nagtalukbong ako ng comforter. Pakiramdam ko masyado akong nadrain sa mga nangyari at kailangan kong matulog para makabawi ng lakas. Papatulog na sana ako ng tumunog ang phone ko. It's a message from David saying, 'I am not mad. Give me the details tomorrow at school. Sweet dreams.' Hindi ko napilgilang ngumiti. Well at least one less person mad at me.



Masama ang pakiramdam ko ng magising kinaumagahan. Dala marahil ng pag-iyak at sobrang pag-iisip ay na stressed out ako. Sabi ni mommy huwag na lang daw akong pumasok sa school at magpahinga na lang at baka matuloy pa sa sakit ang nararamdaman ko. Syempre pabor sa akin iyong hindi pagpasok kaya naman hindi na sya nagdalawang salita at maghapon akong nagtutulog sa kama ko.



Nang bandang ala sais na ng gabi naisipan kong maligo at mukhang nakabuti naman iyon dahil I feel better after wards. I was brushing my hair infront of my dresser ng makarinig ako ng kaluskos. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto at nang magawi ang tingin ko sa bintana, voila, may kumakatok sa bintana ko. I walked over to the window and slowly opened it.



"What do you think are you doing knocking on my window?" nakataas ang kilay na tanong ko kay David.



He chuckled as he pushed himself through the window at tuluyang pumasok ng kwarto ko. Sinilip ko ang ibaba at nakakita ako ng steel ladder. So iyon pala ang ginamit nya para makaabot sa bintana ko. "Anong trip mo?"



"As you know, Batman, cannot fly but he has a lot of wonderful gadgets." sabi nyang tumatawa at hinatak ako paupo ng kama.



"Why are you here?" nagtatakang tanong ko.



"I wanted to see you, duh."

I laughed so hard upon hearing him say 'duh'. Did he really just 'duh' me? So much of his manliness.



"What's funny? Nakakatawa bang malaman na gusto kitang makita?" sabi nya sabay hilata sa kama ko.



"Bakit mo ako gusto makita?"



"Hindi ka pumasok sa school so I called your house and spoke to Janno. He said that you didn't go to school cause you're not feeling well at hindi ako makakapaghintay ng bukas kaya naisipan kong dumiretso dito after school to see you." naupo sya at may kinuha sa bulsa nya. "By the way I brought this for you. Pasensya na at nadurog." he said coyly as he handed me a KitKat.




Tinanggap ko ang KitKat na iniabot nya at mahinang pinisil ang ilong nya, "Aww, ang sweet naman ni big boy." sabi ko sabay bukas ng KitKat at kagat dito.



"So anong katotohanan ang sinabi mo kay Greg?" usisa nya.



"Well, just the truth regarding my feelings towards him."



"What about it, Janna?" he urged me and took my hand at tinitigan ako. I look sideways kasi hindi ko magawang tignan ang mga mata nya. Dapat talaga ikulong na itong si David for illegal possession of beautiful eyes. Nakakasira ng concentration!



"About me loving him only as a friend." I answered almost like a whisper.



"Really?" Sabi nyang mukhang nanalo sa lottery.



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now