Chapter 42: "Heart To Heart"

8.4K 273 28
                                    


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Tumango ako. "About what?" I said with a smile. He smiled back nervously. Bakit kaya sya tila kinakabahan?



"Us, but before that meron nga pala akong ibibigay sa iyo." Sabi nya at bumalik sa loob ng kwarto. Hinintay ko syang makabalik habang nag-iisip ng kung ano ang ibibigay nya sa akin.



Nang makabalik sya may bitbit syang isang maliit na kahon. "Here." Sabi nya sabay abot nito sa akin.



Excited na kinuha ko sa kanya ito at dali-daling binuksan. My eyes glistened when I say that it was a very beautiful charm bracelet. I could bet that it was expensive because the brand is Pandora. "Oh, wow!" I exclaimed like a little girl that received a gift on Christmas eve. I took it from the box, handed it to him and lifted my wrist. I guess, I am already beginning to be a drama queen.



He smiled, took the bracelet from my hand and put it around my wrist. It glinted in the moonlight and looked so dashing against the whiteness of my skin.



"Ang ganda, David." Sabi ko habang iniikot ang mga braso ko.



"Mabuti naman at nagustuhan mo." Sabi nya at hinila ako paupo sa sahig ng balkon. Now we are facing each other smiling like an idiot with one another.



"Hindi lang gusto kundi gustong-gusto ko. Thank you so much for this." Sabi ko at iniangat ang braso ko kung saan nakasuot na ang bracelet na galing sa kanya.



Tumango lang sya. Lumipas ang ilang sandali na naka-stay lang kami sa ganun pwesto. Nang bigla nyang iangat ang kamay at haplusin ang pisngi ko. He smiled genuinely at me.



"Ano ba ang ginawa mo sa akin?" He asked more to himself than to me.



Wait. I think that I should be the one asking that kasi hindi ko alam kung may ginawa ba sya sa akin at bigla na lang nagulo ang buong sistema ko gayong dati wala sa hinagap ko na magulo ang buhay ko at magmahal.



"Paano mo nagawa iyon?" Bulong nya na may kasama pang marahang iling.



Mas naguguluhan na ako. Bakit pa patuloy syang tanong ng tanong sa akin ng mga tanong na gusto ko din ibato sa kanya?



Sumimangot ako at tinapik ang pisngi nya. "Kung patuloy mo akong tatanungin ng mga tanong na kahit ako ay hindi alam ang sagot, maloloka na ako."



Tumawa sya ngunit bigla din sumeryoso. Parang ako naman ang gustong matawa dahil sa mabilisang pagbabago ng eksresyon ng mukha nya kaso malakas ang pakiramdam ko na hindi ito ang tamang oras para dun. Feeling ko this is it! Mag-uusap na kami ng about 'Us'.



"Gusto mo bang malaman ang gumugulo sa isip ko at nagawa kong itanong sa iyo ang mga iyon?" Tumango ako at hinintay ang sasabihin nya.



"Nangako ako sa sarili ko na I would never fall in love again and ask a girl to be mine because I hated girls." I creased my forehead dahil naguluhan lang ako lalo. Why does he hate girls?



"I know it's unbelievable dahil mukhang mahilig ako sa babae pero I hated them. I played with them and never care about their feelings."



"Why?" I asked curiously.



He sighed deeply before continuing, "There was this girl that I loved so dearly before. Candice. She was like you but not literally. Ang ibig ko lang sabihin na parehas kayo ay dahil may bestfriend din syang lalaki. Candice and that guy had been bestfriends since they were kids while me and Candice became a couple during high school."



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now