Chapter 33: "Like A Chick Flick"

9.2K 255 20
                                    

Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Another week in school that I kept avoiding Greg and David. I went to class early, nauupo ng malayo sa pwesto nila at umuuwi agad ng bahay pagkatapos ng klase. I even ate lunch inside the gym's stock room. Yeah, it was the same place that David and I ate my choco cookies before.



Alam kong nagtataka na sa akin ang janitor dahil tuwing tanghali pumapasok ako sa gym tapos dumidiretso sa loob ng stock room. It's so dusty in there but it is the safest place to eat while I'm avoiding them over lunch. Pathetic me!



Tulad nga ng sinasabi ko. Iniiwasan ko ang dalawang lalaking nanggulo sa aking mundo kaya naman pati sina Dana at Luke ay hindi mapigilang iwasan ko din. I usually turned off my phone at iniiwasang mag-on line para hindi nila ako mareach. I feel bad about avoiding them cause they are my friends after all. Alam ko malapit na akong patayin ni Dana oras na magkaroon sya ng pagkakataon. Pati si Luke alam ko na inis na din sa akin dahil natengga sya sa pinangako kong "playing cupid" para sa kanyang love conquest. Speaking of which, may progress na kaya sila ni Dana?



To prove my point of hiding, kasalukuyan akong nasa bahay, particularly inside my room, staring at the ceiling while an iPod was plugged in my ears. Para akong bata sa ginagawa kong pagtatago pero wala naman akong alam na ibang paraan. Ayoko namang mag-confide kay mommy dahil alam ko na "going with the flow" at "not hurting my own feelings" na naman ang iaadvice nya so what's the point of telling her about my stupid turmoil. I hate having to deal with these stuff. I am utterly clueless about these.



Natigil ako sa pagmumuni muni nang makarinig ako ng katok sa pinto. Nagtalukbong ako ng unan sa mukha. Naman! Sinabi ko nang ayoko magpaistorbo kahit kanino.



"Anak, may bisita ka." sabi ni mommy sa likod ng pinto.



"Sabihin nyo po na gusto ko mapag-isa."



"I told her that but she's persistent. Hindi daw sya uuwi sa kanila kung hindi mo sya pakiharapan."



Her? Must be Dana. Sa nakalipas na araw ng pagtatago ko sa kanila tanging sina David, Luke at Greg ang makailang ulit sumubok na kausapin ako sa bahay pero nanindigan akong hindi sila pakiharapan. I know. I'm such a drama queen, so sue me!



"Sabihin nyo po may sakit ako." sigaw ko.



"You're sick?" sabi ng dalawang concern na tinig ng dalawang tao na pumasok na pala sa kwarto ko. Mabilis na lumapit sa akin ang mommy ko at sinalat ang aking noo at leeg para icheck kung mainit ako.



"Wala akong sakit." amin ko sabay alis sa kamay ni mommy.



Mom sighed, "Janna, pakiharapan mo ang kaibigan mo. Tama na yang 'Do not disturb' na drama mo." sabi nya at iniwan kami sa kwarto.



Tinignan ko si Dana at inayang maupo sa kama. Naupo naman sya pero binigyan ako ng nakamamatay na tingin.



"Ano ba ang problema, Janna?"



"Wala." sagot ko sa kanya sabay yoko ng tingin.



"Anong 'wala'?! Isang linggo ka nang umiiwas sa amin. Hindi mo kami pinapansin, hindi ka nauupo sa dating pwesto mo sa classroom at hindi ka din sumasabay sa aming mag-lunch." inis na sabi nya.



"What do you want me to say?" parang timang na tanong ko sa kanya.



"Janna, I thought we are friends. Why don't you try and tell me about the things that bothers you. Maybe I could help after all that's what friends are suppose to do, right?"



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now