Chapter 48: "Drunkcard David"

7.1K 232 16
                                    


NP: I'll Stand By You by: Glee Cast

Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


I knocked at his door twice but decided to open it myself. Noon iniisip kong tanga ang mga taong kakatok tapos kusa din bubuksan ang pinto. Why bother knocking, right? Pero ngayon naisip ko na hindi lang sila siguro makapaghintay na pagbuksan sila tulad ko ngayon. Excited na kinakabahan ako sa bubulaga sa akin sa loob. Pumasok ako.



"David?" Tawag ko sa kanya sa mahinang tinig. Nakita ko syang nakahiga sa kama nya, nakatingala sa kisame, yakap si Moonstar at kumakanta na nang bulol. Lasing kasi kaya nawala ang pinagmamalaki nyang sexiest voice on the planet.




Pakiramdam ko sinagasaan ng pison ang puso ko nang mapakinggang mabuti ang kinakanta nya. It was the same song that he sung that night when I asked him to sing for me.




"G-God gggave meee youuu t-tto showwww mmme wwwhat's rreaalllll!" He cried out one last time bago naupo. Nang makita nya akong nakatayo ay tinignan nya akong mabuti as if analyzing if I am real or not. Then he look mesmerized and ran towards me and give me a bear hug.




"Babe!" Sigaw nya. Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses nya.



"I missed you so much." Sabi nya sabay kalas ng yakap sa akin then cupped my face with his hands and started showering my face with kisses. Napangiwi na naman ako. Amoy alak ang ungas! Patuloy sya sa paghalik sa mukha ko ng hindi ko mapigilang umiyak. Im sure kung hindi dahil sa alcohol hindi nya masasabing namiss nya ako.



Ipinilig ko ang ulo ko at bahagya syang tinulak. Ngumuso naman sya na parang bata. "Bakit? Hindi mo ba ako namiss, Babe?"



I smiled sadly and nodded. "Syempre namiss kita." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya at iginaya sya pabalik ng kama nya. Totoo naman iyon. Namiss ko talaga sya.



"Anong oras na kaya dapat matulog ka na." Sabi ko na pilit syang inihihiga. Iyon ang best na solusyon sa mga lasing hindi ba? Ang itulog ang kalasingan.



Nahiga naman sya at muling yinakap si Moonstar. "Pero hindi pa ako inaantok." Sabi nyang ngumuso na naman. I smiled with his childishness. Ito ang David na kilala at minahal ko.




"Inaantok ka man o hindi itulog mo na iyan."




"Tabihan mo muna ako." Request nya. Tumango ako pero narealize ko na pinatutulog ko sya pero iyong damit nya amoy alcohol pa din. I sighed then went to his closet and picked a shirt and shorts.



Bumalik ako sa kanya at inabot ang dalang damit. "Magpalit ka muna ng damit para maginhawahan ka." Utos ko sa kanya na mabuti naman at sinunod nya. Pumasok sya sa banyo at mukhang nagshower na din dahil nakarinig ako mg lagaslas ng tubig. After a few minutes lumabas na sya ng banyo. May dala pang towel at nagpapatuyo ng buhok.




"Mabango na ako at hindi na amoy alak." Sabi nya ng naupo sa kama at nilapit pa ang sarili sa akin para patunayang mabango na sya. Tumango ako sa kanya at pinalo ang kama para ipaalam na mahiga na sya.




"Tabihan mo na ako." Sabi nya ng makahiga. Sinunod ko sya at nahiga na din sa tabi nya. Tahimik lang kami noong una kaso naramdaman ko na yinakap nya ako.



Gusto ko na naman umiyak. Ganito din ang posisyon namin noong gabing naging kami. We slept exactly like this. "Janna." He said breaking in to my thoughts.


"Hmm..."



"Bakit mo ako inindyan noong gabi na iyon? Why did you choose him instead of me?" Halata ang lungkot sa tinig nya. Alam ko na lasing sya pero mukhang nahimasmasan na sya nung magshower. He seems sober already.



Naiyak na ako ng tuluyan dahil I felt guilty because of the sadness in his voice. "I'm so sorry." Iyon lang ang namutawi sa bibig ko. Hindi kayang sagutin ang tanong nya sa mga oras na ito gustuhin ko man. I'd rather explain everything to him during normal situation.



"Di bale na. Nandito ka naman na kaya ayos lang. Hindi mo ako iiwan, di ba?" He said in almost a whisper. I didn't speak and just nodded my head.



"Sing to me." Utos nya. Natawa ako ng lihim. Wow. Lasing nga si David! Imagine he is asking me to sing. Alam na alam ko kung gaano nya sinusumpa ang singing skill ko sa kanyang normal na katauhan.



"Are you sure?" Paniniguro ko pa sa kanya.



"Yeah. Sing for me to make me sleep."



I thought for an appropriate song for a while before started singing the song, 'I'll Stand By You'.

♪ Oh, why you look so sad?

Tears are in your eyes

Come on and come to me now ♪

♪ Don't be ashamed to cry

Let me see you through

Cause I've seen the dark side too ♪

Naramdaman kong humigpit ang yakap nya sa akin kaya huminto ako. "Continue." He whispered.

♪ When the night falls on you

You don't know what to do

Nothing you confess

Could make me love you less ♪

♪ I'll stand by you

I'll stand by you

Won't let nobody hurt you

I'll stand by you ♪


Naramdaman ko na nakatulog na sya dahil nakarinig na ako ng hilik. Ipinaling ko ang ulo ko para makita kung tulog na nga ba sya. His eyes are already closed calmly. He looked like an angel peacefully sleeping. I kissed his cheek.



I smiled widely. Naging personal radio ako ni David ngayon gabi ah. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng mapatingin ako sa deskclock niya at nakitang 5:00 AM na. Patay! Kailangan kong umuwi na at baka mabuko ako ni Mommy na umeskapo. Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap sa akin ni David at nagmamadaling lumabas ng kwarto nya.



Bumalik ako ng bahay namin at dahan dahang pumasok at ingat na ingat na makagawa ng ingay. Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga. Buti na lang at walang nakapansin ng pagpuslit ko. Nag-alarm ako ng 7:00 para kahit dalawang oras naman ay makatulog ako. Masyadong maraming nangyari ngayong araw at kailangan ko din naman magpahinga. I deserve it after all, right?




To be continued...



VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now