Chapter 31: "Happy Family"

9.8K 276 21
                                    

Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Sa nakalipas na linggo nakailang date ako kasama si Greg at David. Date with Greg then date with David ang naging routine ko, and I don't feel good doing it. Now I feel so slutty and I am starting to hate myself for that. So kill me now for not wanting to hurt one of them.



After thinking a lot, I decided to avoid going out with Greg dahil ayoko na syang paasahin sa wala. Syempre, I decided to avoid going out with David too dahil alam ko na masasaktan si Greg kung makikita nya akong patuloy pa din lumalabas kasama nito.



Geez! I feel guilty sa pag-iwas sa kanila at sa pag-aalala nila sa akin sa tuwing tatanungin nila ako kung may problema ba ako dahil palagi akong tahimik. Ang hirap pala maipit sa nag-uumpugang bato!



Kasalukuyan akong nakaupo sa bleachers sa loob ng covered court ng village namin dahil nagpasama ang kapatid kong si Janno. He was playing basketball with some boys his age.



Nakatingin lang ako sa kawalan at nagmumuni muni. Tumingala ako sa bubong ng court, when did my life get so complicated. I Iet out a deep sighed, why does the world have to be so cruel to me? Hinilamos ko ang sariling kamay ko sa mukha ko, how will I get out of this misery? Great! I look like some Emo chick right now. Mahina kong pinupukpok ang ulo ko ng biglang may naramdaman akong presensya sa paligid.



"Hoy, Janna! You know you look like some nutcase sitting here all alone while hitting your head." he said while giving me an amuse smile.



Pinanliitan ko sya ng mga mata, "You know you look like a second nutcase if you're talking to someone who looks like a nutcase." bulyaw ko sa kanya. Istorbo! Nakita nang nag-eemo ang tao, eh.



He laughed then shrugged his shoulders after, "Bakit kasi dito mo naisipan mag-emote sa covered court? Tsaka ano ba ineemote mo dyan?"



"Wala kang pakialam kung dito ko naisipan mag-emote. Bakit kailangan ba ng tamang lugar para gawin iyon? Wala naman di ba kaya manahimik ka dyan!"



"Ang taray mo ata ngayon, ah. Is this the time of the month when, you know--" sinadya nyang bitinin ang sinasabi.



Hinampas ko sya sa balikat, "Hindi, noh!" pagalit na sagot ko sa tinutukoy nya. "Teka, bakit ka ba nandito?"



Iniangat nya ang bolang hawak nya na hindi ko napansin, "I wanted to play basketball kaso nakita kita kaya naisipan kong lapitan ka muna. Eh, ikaw bakit nandito ka din?"



Nginuso ko ang court kung saan naglalaro si, Janno. "Sinamahan ko kapatid ko."



"Sige, maiwan na kita dyan at sasali ako sa kanila. Ipagpatuloy mo na ang pag-eemote mo dyan." tumatawang sabi nya habang lumalakad papunta sa grupo ng naglalaro ng basketball.



After an hour of pag-eemo nakita ko nang papalapit na sa akin ang pawis na pawis na kapatid ko.



"Ate Janna, pasensya ka na at naghintay ka dito mag-isa ha. Napasarap ang laro kasi ang galing ni kuya David." humihingal pa na sabi nito.


Tumango lang ako at iniabot sa kanya ang bimpo at bottled water na dala ko. Nang biglang sumulpot sa tabi namin si David.



"What about me? Babe, don't you have an extra bottled water and face towel there?" pacute na sabi nya.



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now