Chapter 39: "Sweet Escape"

8.5K 263 25
                                    


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


Nang matapos ang klase hindi ko mapagtanto ang nararamdaman ko. Masyadong labo-labo at hindi ko alam ang uunahin ko. Gusto ko bang masuka? Gag myself? Isalpak ang medyas ko sa bibig nya? Kalbuhin sya? Ipatapon sya sa Basilan?



It was seriously hell na maupo sa tabi nya kasama ng kanyang haliparot na pwet. Gustong gusto ko nang putulin ang malilikot nyang kamay which already been able to explore half of David's anatomy.



Grr... Pero ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ba ako masyadong affected eh di ba nga hindi ko pa naman boyfriend si David so technically speaking wala akong 'K'. Hindi ko alam kong bakit nagsisintir ang kalooban ko. Naiinis ba ako sa kanya o sa sarili ko for acting this way. Pero syempre mas inis ako sa kanya keysa sa sarili ko. Why would I hate myself more when I am very adorable?!



Siguro dahil concern lang ako kay David dahil may pinagsamahan naman kami. Isa pa he might get some STDs or something kay Natalie. Yeah. That's it! Pero sino nga ba ang niloloko ko? Ang sarili ko lang din.



"Can you give me a ride home?" pouting Natalie asked David.



Nasabi ko na ba na kasalukuyan na kaming naglalakad sa hallway na parang mga normal na nilalang pero si Natalie ay parang ahas na nakalingkis sa braso ni David.



"Bakit hindi ka sumabay kay Luke? You know, kinakapatid mo sya?" iritableng sabi ni David habang nakasimangot na pilit iniaalis ang braso ni Natalie na nakalingkis sa kanya.



"She can't, David. Your sister and I are going somewhere." Luke said with a teasing grin directed at David kaya naman binatukan sya ni Dana. "Tigilan mo ang panunukso sa kapatid ko. He's gonna skin you alive!"



Binigyan ng mabalasik na tingin ni David sina Dana at Luke. "Don't tell me kayo na?" he said disappointed.



Pinandilatan naman sya ni Dana. "You're not Dad. Even Dad would let me have a boyfriend."



"Nandun na tayo pero I was supposed to watch over you!" he said with anger in his voice. At ayokong makakita ng pag-aaway nilang magkapatid kaya umepal na ako sa eksena.



"Hep!" sigaw ko na nakakuha ng atensyon nila kaya tumingin sa akin at tila hinihintay ang sasabihin ko.



"Uhh..." napipi naman akong bigla sa nakitang galit na mukha ng kambal.



"Enough! Kung wala ka naman palang sasabihin, please excuse me and David. May mas importante pa kaming gagawin keysa hintayin ang sasabihin mo." Natalie said as she grabbed David's arm again.



"David and I." I corrected with a smirk.



Hinarap ako ni Luke at halatang ang amusement sa mata. "Kailan ka pa naging grammar nazi?"



"Simula ng gusto ko syang pamukhaan sa katangahan nya." sabi ko sabay turo kay Natalie.



"Whatever." sabi ni Natalie na namumula ang mukha sa pagkapahiya at walang babalang hinatak si David na nagpupumiglas. Seriously, mukhang may sa 'The Hulk' si Nat at nagawa nyang kaladkarin ang isang malaking taong tulad ni David ng dalawang beses na.



Nang medyo makalayo na ang dalawa biglang kumaripas naman ng takbo sina Dana at Luke para takasan si David kaya ako na lang ang naiwan. Pathetic me! I started to walk too but stop on my tracks when I heard David's voice.



More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now