Chapter 49: "Curiousity Killed The Cat"

7.8K 241 19
                                    


Dedicated to: @

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖



"Anong nangyari sa iyo?" Tanong ni Greg pagkaupo ko sa silya katabi nya. Humarap sya sa akin at pinagmasdan ako. Namumula kasi ang mata ko at kitang kita ang eyebags ko. Kapangit ko ngayong umaga!



"Nothing." Pabalang na sagot ko. Hurt cross his face kaya naman napabuntong hininga ako. "Pasensya na, Greg. I don't mean to snapped at you, it's just that I lack some sleep."




"Bakit ka kinulang ng tulog?"




Natigilan ako. Ano ba sasabihin ko sa kanya? Sasabihin ko ba ang tototo? Syempre hindi at alam kong hindi tama na ipaalam ko sa kanya ang sitwasyon ni David. It's something private. "Nagpuyat kasi ako sa TV." Palusot ko na mukhang hindi naman nya pinaniwalaan.




"Okay, sabi mo eh pero kung gusto mong ishare ang saloobin mo I am just around the corner." He said giving me an assuring smile. Gumanti ako ng ngiti sa kanya at yinakap sya while he patted my back lightly.




Nang kumalas ako sa pagyakap sa kanya napasinghap ako kasi nakita ko si David na masama ang tingin sa aming dalawa ni Greg. Ngingitian ko sana sya pero nauwi sa ngiwi ang porma ng labi ko dahil biglang sumulpot si Natalie at lumingkis bigla sa braso ni David at nginisihan ako ng nakakaloko.




Naramdaman siguro ni Greg ang tensyon kaya naman hinawakan nya ang kamay ko at pinisil ng bahagya habang ako ay bindi iniaalis ang paningin sa dalawang taong kasalukuyang naglalakad palapit sa upuan katabi ko. Anak ng kamote! Kung bakit naman iyon na lang ang bakanteng upuan.



Ang mga mata ni David naman ay nakapako sa mga kamay namin ni Greg na magkasugpong. Nang marating nila ni Natalie ang pwesto namin ay agad syang naupo sa tabi ko leaving David to sit next to hers.




Mabaho ba ako? Inamoy ko ang sarili ko. Mabango naman ako ah, dahil naligo ako bago umalis ng bahay pero bakit inusog ni Natalie ang silya nya ng pagkalapit lapit kay David? Bruhildang Talandi ito gusto lang yata maka-iwas sa balak kong pagsabunot sa kanya o baka naman gusto lang nyang singhutin ang intoxicating scent ni David na abot hanggang dito sa pwesto ko.




I did my best to focus on the Professor discussion but I guess my best wasn't good enough. Dahil wala akong naintindihan isa man sa mga sinabi nya about sa phylum phylum chever dahil ang tumanim sa isip ko ay ang mga kalandiang namutawi sa bibig ng katabi kong ahas este babae pala. Mabuti naman at mukhang hindi interesado sa mga pinagsasasabi nya si David ko o hindi nga ba?




Salamat naman at hindi ko kasama sa kasunod na klase ko sina Natalie at David. Hindi na keri ng katawang lupa ko ang torture na binibigay nilang dalawa sa akin. Nadudurog ang puso ko.




"Pinsan." Bati ko kay Luke ng makapasok sa classroom at lumakad papunta sa kinauupuan nya. Tatabihan ko sya tutal okay na naman kami.



"Anong nangyari sa iyo?" Usisa nya. Wow. Parehas pa sila ng tanong sa akin ni Greg. Nagtelephaty ba sila?




Binatukan ko sya. "Alam mo Lucas parehas lang kayo ni Greg eh! Halata namang ang pagpangit ko ngayong araw ang gusto nyo ipoint out. May magagawa ba ako kung ito resulta nang walang habas na emotional at physical stress not to mention lack of sleep?" Mataray na sabi ko.




He raised his arms as if giving up. "Huwag masyadong HB, cuz. Huwag sa akin ibunton ang angst sa buhay." Sabi nyang tumatawa.




More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now