Chapter 6: "Movie Friday"

13.3K 326 31
                                    

Dedicated to: @prettyapples

➖➖ ➖➖ ➖➖ ➖➖


"Kung hindi ka gumawa ng eksena kanina sa klase ni Miss Dimaculangan eh di sana wala sana ako ngayon dito. Janitor lang ang labas ko. Masisira ang aking 'Golden Boy' image nito at baka mabawasan pa ang mga fan girls ko." reklamo ni Greg sa akin.



Here we are inside the OSA cleaning as a punishment sa ginawa daw naming "Class Interruption" kay Miss Dimaculangan kaninang umaga. Sabi ni Mr. Rodriguez linisin daw maige ang office nya bago namin iwanan. Kaya ito kaming tatlo punas dito punas doon at ayos ng mga books at papers ang drama.




"Janna, may gagawin ka ba this Friday night?" biglang tanong ni Greg habang abala kami sa pagpupunas ng mga figurines sa table.



"Siguro. Ewan. Bakit?"




"Gusto sana kitang yayain na manood ng sine."



"Bakit ako? Si Luke na lang ayain mo kung action movie lang din naman." tinatamad na sagot ko.



"No. Actually, wala pa akong nasa isip na panonoorin kaya you can choose whatever movie you wanted to watch. No problem with me."



"Akala ko action movie panonoorin eh. Pero hindi nga? Pwede akong mamili ng gusto kong palabas?"



"God! Ang hirap mo namang kausap."



Natigilan ako at si Greg ng may biglang tumawa ng mahina sa likod namin na walang iba kundi si David.



"So, why are we watching a movie all of a sudden?" tanong ko kay Greg.



"Wala lang. Bestfriend bonding?"



"Ayoko manood ng sine sa dahilang 'wala lang' pero iyong bestfriend bonding na dahilan, maybe I can consider."



This time medyo malakas na ang tawa ni David. Kaya hinarap ko na sya sa side ng bookshelves dahil sya ang nag-aarange ng mga books at yearbooks na nakataas ang kilay with matching questioning look. But he just gave me a smirk. Inisnob ko sya at binalik ang atensyon kay Greg na nagkakamot ng batok nya.



"Ijustwantedtoaskyououtonadate." he mumbled.



"Ano?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Kailan pa nagka-speech defect si Greg? Wala akong naintidihan sa sinabi nya.



"I said, 'I.JUST.WANT.TO.ASK.YOU.OUT.ON.A.DATE."




Ansaveh? DATE? Di ba bestfriends kami? Doesn't that mean na dapat manatili kami sa friend-zone level? Bakit kailangan nya akong yayain lumabas?



"Ginagawa bang mag-date ng bestfriends?"



"Why not? Walang masama. So, payag ka?" he added while giving me a puppy look.



Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala na ang isang Gregory Zaragoza is actually pleading to me using a puppy face. Gross! Kadiri! Nakakarimarim!



"Fine! But please remove that puppy face, Greg. Ang sagwa lang pagmasdan. Mukha kang abnoy! But let's make this clear before anything else. Bestfriend bonding lang ito okay. No more, no less."



"Yes!" he pumped his fist in the air and did Happy Feet dance exactly like what the Penguins did in the movie.



Bumalinghalit ako ng tawa sa nasaksihan. Gosh! My bestfriend turned a WACKO.



"Walang bawian iyan ha, Janna Elisse." nakangiting sabi nya.



"Oo na sabi eh. Kulit ng lahi mo." sabi ko na napangiti na din nakakahawa kasi ang enthusiasm nya.



"Promise it will be fun para naman sa susunod na yayain kita sumama ka ulit."



Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko alam kung papayag nga ba ako na lumabas kasama nya ulit.



On the side is Gregory Zaragoza -------->


To be continued...


VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat