Chapter 39: "Sweet Escape"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ba?!" galit na sigaw nya na nagpahinto kay Natalie. "Will you please stop dragging me? Hindi mo ako laruan. I'm just trying to be a gentleman here and not rip your head off."



All eyes in the hallway widened and jaws dropped open. Pero hindi ako. Dahil abala ako sa pagtawa ng tumataginting.



Nagawang makaalis ni David sa lingkis ni Natalie nang matigilan ito sa outburst nya and stalked over me. "Now, if you'll excused me, kailangan na naming umalis ng soon-to-be-girlfriend ko." sabi pa nya at inakbayan ako.



Namula ng todo ang mukha ni Natalie sa galit. "How dare you! Gagapang ka din pabalik sa akin." sabi pa nya na puno ng determinasyon.



Medyo na lampasan na namin ang kinatatayuan nya ng sumigaw si David ng, "In your dreams, sweetheart."



Tumili sya at pinagdyak pa ang takong ng sapatos nya sa sobrang galaiti. I laughed heartily as David and I made our way to his car.



"That was cool!" sabi ko nang makapasok kami sa loob ng kotse na tinawanan naman nya.



"Pasalamat ka at masyado akong nasiyahan sa nakitang hitsura ni Natalie Talandi kanina kundi I would have kicked your butt for declaring me your soon-to-be-girlfriend."



"Bakit? Hindi ba?" he said with a sexy smirk.



I just rolled my eyes to his cockiness. He's right about it anyway. Sooner or later, I'm going to succumb to his arms. Wait, what arms? Ugh.



Nagmaneobra sya para makalabas na kami sa parking lot ng bigla syang napapreno.



"Aray!" hiyaw ko ng tumama ang noo ko sa dashboard.



"Sorry." sabi nya at masama ang tingin na tinignan ang Barbie doll na bigla na lang humarang sa harap ng kotse.

Napaungol kami parehas ng ngumiti sya at kinatok ang bintana sa driver's seat.



"Anong kailangan mo?" tanong ni David ng naibaba nya ang bintana.



Lumabi sya at nagpapungay pa ng pilik mata kaya naman hindi ko maiwasang paikutin ang mga mata ko. Sadyang ang kapal ni Natalie! Kulit ng lahi.



"Di ba sinabi ko na kailangan ko ng ride. Luke left already." paawa effect pa na sabi nya.

Nilingon ako ni David na parang nagtatanong kung isasakay ba nya si Nat o hindi.

"Nat, sige sakay ka na at ihahatid ka na namin pauwi." pagbibigay ko. Di ba nga sabi nila 'Be kind to animal'.



Ngumiti sya ng pagkalawak lawak at mukhang totoo namang grateful sya sa ideyang may maghahatid sa kanya pauwi. "Thanks, Janna." sabi nya bago pumasok sa sasakyan.



David sighed and started the car.



"Pwede bang lubusin ko na ang kabutihang loob nyo? David hottie, can we stop by the mall saglit?" sabi nya na balik na naman sa kaartehan.



"No." David snapped. Pinigilan kong matawa sa maaskad na ugaling pinapakita ni David sa kanya. Poor girl.



I have to admire her toughness cause she wasn't deterred. "Please. Please. Importante lang talaga. I needed to buy Ninang Lynette a birthday gift." sabi nya at ang tinutukoy nito ay ang Tita ko, kapatid ni mom kasi ang mama ni Luke.



More Than A Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon