Chapter 28: "Spooky Night"

Start from the beginning
                                    

Naupo ako sa hapag at nagsimulang kumain nang hanapin sa akin ni David ang kapatid. "Where's my sister?"



"Mamaya na lang daw sya kakain." Nagkibit balikat lang sya at hinarap ulit ang pagkain nya.


----------


Nangako ako sa pinsan ko na I will keep this two inside the house para walang istorbo sa kanila ni Dana kaya manonood kami ng DVD. Buti at napapayag ko silang dalawa.



I told them na mauna na sa living room dahil kukuha ako ng snacks para may makain habang nanonood. Pagbalik ko nadatnan ko silang nakaupo opposite each other on single couches. Greg on the right while David on the left kaya solo ko ang long couch na nasa gitna at nakapwesto sa tapat ng malaking LCD TV.



"Anong panonoorin natin?" tanong ko when I saw David pressed the play button sa remote.



"The Ring."



"Wow! I love scarry movies! Buti iyan ang sinalang mo sa player." excited na sabi ko. Tapos tumayo ulit upang patayin ang ilaw. Watching a scarry movie with lights off is a must according to my book.



While the movie runs, I'm secretly observing the two guys. Sigurado bukas may stiff neck na sila parehas dahil todo tagilid ang leeg nila para lang makanood. Ang aarte kasi eh, hindi na lang naupo sa magkabilang dulo ng long couch kanina. Parehas mapride, kaya bahala silang mangawit ang leeg.



At dahil scarry movie ang pinanonood namin syempre may parte kung saan pakiramdam mo na may biglang lilitaw sa likod ng bida na kung ano, tapos sinasabayan pa ng creepy background music kaya mas nakakatakot na ang dating. At kasalukuyang nandun nna kami sa part na iyon ng movie.



May naramdaman akong gumapang sa binti ko na parang ipis. At dahil malaki ang takot ko sa ipis hindi ko naiwasang tumili ng malakas, "AHHHHHHHHHHHH!!!!"



"AHHHHHH!!!" sigaw din ni Greg at mabilis na nakalapit sa aking tabi sabay kapit ng mahigpit sa braso ko.



"AHHHHHH!!!" sigaw din ni David at mabilis na kumandong sa akin.



I can't believe this! Natakot ng bongga ang dalawang lalaking ito. Akalain mong biglang sabay na magsisilapit sa akin. Inalis ko ang braso ni Greg na nakakapit sa akin ng mahigpit tapos itinulak naman si David na nakakandong sa lap ko. Mukhang napahiya sila parehas at tahimik na nagsibalik sa pwesto nila.



Nang matapos ang pelikula binuksan ko na ang ilaw. Nagpaalam si David sa amin na magbabanyo sandali kaya naiwan kami ni Greg sa living room.



Tinignan ko si Greg na nakaupo pa din sa single couch at tinanong, "Natakot ka ba kanina?" sabay ngisi ng nakakaloko.



Sinimangutan nya ako. "Correction! Nagulat lang ako pero hindi natakot."



Sasagot sana ako kaso nakadinig na ako ng flushed sa loob ng banyo so meaning pabalik na si David. Umatake na naman ang kapilyahan ko at bigla akong tumayo at pinatay ang ilaw. Then, there's complete darkness.



"Greg, magtago ka bilis!" utos ko sa kanya. Mukhang nakuha naman nya ang gusto ko mangyari dahil nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, nagtago siguro sya sa kwarto malapit sa living room.



Nakarinig ako ng yabag na alam na alam ko na mula kay David. Pinakiramdaman ko kung malapit na ba sya sa pinagkukublian kong plotted plant na malapit sa aircon. Itinaas ko ang mga kamay ko para maging malamig bilang props.



"What the heck? Guys?" called out David habang sa palagay ko ay patuloy sa paglakad.



At nang malapit na sya sa akin dahan dahan akong lumabas sa pinagkukublian ko at hinawakan sya. Remember, malamig ang kamay ko dahil itinapat ko ito sa aircon kanina.



"Tulungan mo ako." I said in a disguise voice which sounded in pain.



Nanigas sya kaya lihim akong napangiti. "A-a-anong t-tulong b-ba k-ailangan m-mo?" sabi nya na kandautal sa takot. Grabe ang nilabas kong will power huwag lang makaalpas sa bibig ang tawa ko sa reaksyon nya.



"Kailangan kong mahanap ang gumahasa sa akin para matahimik na ang kaluluwa ko." sabi ko while still disguising my voice.



"P-p-aano n-naman n-natin m-mahahanap i-iyon?" halatang mas natakot sya dahil naramdaman ko na umaatras sya paunti unti at inaalis ang kamay ko na nakahawak sa braso nya.



Hindi ko na napigilan at may impit na tawa akong napakawalan. Oops! Game over, mukhang nadinig ako ni David.



"Janna?" nananantyang sabi nya.



"Hindi ako si Janna." sabi ko gamit pa din ang tinig na kanina ko pa ginagamit.



Tapos nagulat ako nang may biglang liwanag na tumama sa mukha ko. I looked at it closely and found out that it was a light from a mobile phone. Patay! Buko na nga ako! Inilabas pala ni David ang phone nya kaya nakatitig kami ngayon sa isa't isa.



"Ang sama mo talaga! You almost gave me a heart attack! Paano ka pa magiging Mrs. David Antonio kung ngayon pa lang namatay na ako." sabi nya sabay yakap sa akin ng mahigpit.



I was about to hug him too ng biglang nagliwanag ang buong paligid. It turned out that Greg already switch on the lights of the living room.



"What do you think you're doing hugging, Janna?" he said angrily then took me away from David's embrace.



"I don't need to explain myself inside my own house." mayabang na sabi naman ni David.



Mukhang napikon si Greg sa nadinig kaya susugurin sana nito si David ng hawakan ko sya sa braso para awatin. "Greg, calm down! We were just playing." sabi ko, tapos hinarap ko si David para bigyan din ng nananaway na tingin.



He raised his hand na parang sumusuko na, "It's already late. I'll go catch sleep."


To be continued...



VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now