Chapter 26: "Beach Babes"

En başından başla
                                    

Nagising ako sa sunod-sunod na hampas ng unan. "Hoy, gising! Hindi tayo nagpunta dito para matulog maghapon." sabi ni Dana.




"Inaantok pa ako kaya mauna ka nang bumaba tapos susunod na lang ako." sabi ko sabay yakap pa lalo sa unan.




Naramdaman kong sumampa sya sa kama at walang sabi sabi na naglulundag. Paano pa ako makakatulog kong may isang malaking istorbo sa paligid! Napilitang naupo na ako.




"Ito na nga babangon na." sabi ko tapos dinampot ang bag ko at dinala sa banyo para makapagpalit ng damit and to freshen up a little.




Nang makapagpalit lumabas na ako ng banyo dahil nadinig kong nagbabanta na si Dana na paghindi pa ako lumabas sa lalong madaling panahon ay kakalbuhin nya daw ang kilay ko.




Rumampa ako sa harap nya na may kasama pang paikot-ikot. Tumigil ako sa ginagawa ko nang bigla syang tumili. I smiled secretly dahil ito mismo ang reaksyong inaasahan ko sa kanya.




"God, Janna. You're wearing that?" aniya sabay turo pa sa suot ko na para bang basahan ito.




Binigyan ko sya ng ngiting inosente, "Maayos naman ang damit ko ah." patay malisyang sabi ko habang yinuko ang sarili.




"Maayos nga kaso nasa beach tayo at wala tayo sa park para magjogging o magpapawis." sabi nya na tila mauubusan na ng pasensya.




"Nakalimutan ko kasing beach pala ang pupuntahan natin." seryosong sabi ko. Ang saya lang talagang asarin ng birthday girl nawawala ang sangkaterbang poise.




Bigla syang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa akin at pilit hinuhubad ang suot kong over all style na sports wear. "Teka! Teka! Ikaw naman Dana hindi ka na mabiro." tumatawang sabi ko habang inaawat syang hubarin ang suot ko.




"May extra swimwear ako sa closet ko kung wala ka talagang dala I can lend one to you."




Lumayo ako sa kanya at nagkusang hubarin ang over all ko kaya nareveal na ang suot kong swimsuit na ang mommy ko ang may pakana. Kaya natagalan ako sa loob ng banyo kasi it's too revealing! It's a black tube style na one piece na labas ang magkabilang tagiliran at expose masyado ang likod.




Dana's eyes beamed with admiration. "Wow! How can you manage to look so cute but sexy at the same time? The swimsuit suited you so much. You look like a sweet little tease."




"I feel weird wearing it." amin ko sa kanya. Dana looks fabulous with her yellow and black stripped bikini with golden metal hoops between the breasts and the two sides of the really tinny bottom piece.




"It's all in the mind, dear. No worries cause you look okay." she said and gave me an assuring smile. "So let's go?"




"Can I at least wear my sarong? Hindi pa naman ako maliligo agad eh." hirit ko sa kanya.




Tumango sya, "I'll wear my cover-ups too." Natawa ako ng makita ang tinawag nyang cover-ups. Wala naman halos itinakpan iyon kaya bakit pa kailangang tawaging cover-ups. Seriously, it baffles me.




We made our way towards the spot ng tatlo na kasalukuyang nakahiga sa reclining beach chair. Malapit na kami sa kanila ng bigla akong hatakin ni Dana at binulungan, "Janna, let's do a little fashion show for them."




Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. "Bakit kailangan nating rumampa para sa kanila?"




"Kasi... Gusto ko sanang... Uhmm, huwag na nga lang.." she said.




The full of confidence is actually fidgetting in front of me. That's a first! Maybe the birthday girl wanted to show-off sa isa dalawang lalaking kasama ng kapatid. Ang tanong, sino sa dalawa?




"If that's what you want then, why not coconut? I got your back." sabi ko at hinatak sya. I saw her blushed a little.




"Tadan!" bungad ko sa tatlo. Bigla silang umayos ng upo at nagtaas ng kilay. Natawa ako sa nakitang pagkakasabay sabay nila. Kailangan ba talaga sabay?




Binigyan nila ako ng warning look kaya tumigil ako sa pagtawa. "Masyado naman kayong HB. I just wanted to say that we'll have a little fashion show for you, guys."





Good thing I was able to brought with me my speaker dock and my iPod nang sumunod kami ni Dana dito. I placed it down and turned on my iPod sa playlist ko ng upbeat songs. "Presenting! The most beautiful beach babes."





"Dana, huwag mo munang huhubarin ang cover-ups mo, okay? Ako mauuna then pagbalik ko ikaw naman." bulong ko sa kanya.




Nagsimula akong rumampa sa imaginary runway. Lumakad ako ng pabara-bara lang syempre ayokong sapawan ang birthday girl. Ika nga it's her time to shine!




Umani ng "BOO!" sa tatlong audience ang pagrampa ko. Batuhin ko kaya sila ng flip flops ko.




Tapos si Dana naman ang lumakad. She walks gracefully like some pro. Move over Miranda Kerr cause Dana Xandra Antonio will make you broke.




Nang makabalik sya sa akin, "Time to get rid of these for the finale." turo ko sa suot kong sarong at sa kanyang cover-ups.




Nagpatiuna ulit akong rumampa pero this time ginamit ko ang munti kong kaalaman about fashion modelling. I walked trying all my best to look sexy while I made some poses and winked and blow a kiss over them before I strutted back to Dana. "You're turn." sabay tulak sa kanya.




While she catwalks pinagmamasdan ko sya. Her eyes are sparkling like a diamond habang nakatingin sa isang lalaki. I stroked my imaginary moustache. Sya pala ang tinutukoy ni Dana na crush nya ng naglaro kami ng Truth or Dare sa Pizza Diner.



To be continued...



VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

More Than A Game (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin