61: Anong Gusto Mong Malaman?

2.2K 39 2
                                    

Nicole's Point of View (Cassandraline Whitefox)

"Reena Will?" Pagbigkas ulit ni Lian ng pangalan nung nasa kabilang grupo ng mga anghel ay napalingon kami. Dahan-dahang dumiretso ulit ang paningin ko diretso sa sahig.

This can't be. Paanong nangyaring ganito? Hindi ba dapat kami ang mababait? Bakit kami ang naging masama? How the hell did that happen? I'm just literally shookt. Parang dati ay masaya at maayos sa Up In Above pero ano ng nangyari? Parang... parang masyadong mabilis ang mga pangyayari. Panaginip lang ba ito? Naliligaw lang ba ang kaluluwa ko? Kung hindi, gusto ko ng magising, gusto ko ng umuwi. Totoo ba itong mga sinasabi ni Sir Warren?

Sino ba si Reena Will? Pamilyar sa akin ang pangalang iyon dahil parang narinig ko na iyon sa kung saan pero hindi ko maintindihan. Sino siya? Bakit niya magiging kaaway ang Mommy ko? Kahit na hindi ko pa nakikita at nakikilala ang nanay ko, pakiramdam ko ay mabuti siya. Siya talaga 'yung mabuti. Malakas ang kutob ko na kakilala ko si Reena Will. Pero hindi ko matandaan kung saan ko ba siya nakilala.

"Oo." Sagot ni Sir Warren. "Bakit?" Dagdag nitong tanong. Tumingin ulit ako kay Lian. Nakatitig ako sa mga mata nito at hinihintay ko ang kaniyang sagot. Kilala niya kaya ito?

"Kakilala ko siya. Siya abg CEO ng Autumn clothing line." Sagot ni Lian.

Party ngayon ng iba't ibang fashion designers sa Paris. Alam niyo naman na Paris ang global center ng art at fashion. Taray, 'no? Merong sariling party ang mga fashion designers. At lahat kami ay suot ang kaniya-kaniya naming designs. Syempre, lahat kami ay suot ang pinakamaganda at agaw-atensyon na formal attire. Wala namang gustong magpatalo di'ba?

Ang suot ko ngayon ay ang pinakalatest kong nilabas. Ito ang uso ngayon na gown. 'Yung parang gumagalaw ang glitters sa baba. Kulay gold ang suot ko ngayon. Meron din itong nakaattach na black na ribbon sa bewang. Meron ding black na glitters kaya bumagay. Ang top area naman ay pahalter tapos may nakaattach sa leeg na cape na kulay gold at itim sa dulo.

Tinawag na ako sa stage para iramp 'yung gown ko. Confident naman akong naglakad sa stage para ipakita ang gown na suot ko. Nagraramp lang ako habang iniintroduce ako at 'yung damit ko.

Nung bumaba ako ng stage at may nakasalubong akong may hawak na wine kaya natapon ito sa kaniya. My, God, Cassandraline! Lutang ka na naman! Hindi naman halata kasi nakablack siya eh at konti lang naman 'yung natapon.

"Désolé, je n'ai pas vu! (Sorry, I didn't see!)" Sabi ko sa kaniya.

"Votre désolé ne peut rien faire! (Your sorry cannot do anything!)" Sabi niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad at binangga ako. Umakyat na siya ng stage at niramp ang damit niya.

Naglakad ako pabalik sa upuan ko habang hindi mapakali. Ano ba 'yan, Cassandraline! Ang tanga mo kasi!

"Reena Will, CEO d'Autumn ligne de vêtements. (Reena Will, CEO of Autumn clothing line.)"

"I know her!" Bigla kong sabat. Lahat naman sila ay napatingin kaagad sa akin dahil sa lakas ng boses ko.

"I met her before in Paris! Underrated ang clothing line niya kaya it took me a long time para maalala siya. I know her!" Sabi ko.

"That's good, then." Sabi ni Sir Warren. Pero hindi ko man lang naramdaman 'yung presence ng isang anghel sa kaniya that time. How strange. Baka ability niya ang shield.

Pero hindi ko pa rin lubos na maisip na isa rin siya sa amin. Worst, kaaway niya si Mommy. Ano naman kaya ang nangyari sa kanilang dalawa at naging magkaaway sila? Nagtataka talaga ako. Nadadagdagan lang lalo ang mga tanong kong hindi ko mismo mabigyan ng sagot sa tuwing may bago akong nalalaman.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now