18: Forget

3.5K 81 1
                                    

Nicole's Point of View

"Huy, ano ka ba, Martin?! Inubos mo na 'yung luto ni Nicole!" Natawa ako kay Martin at Derek na nag-aaway habang nagbabasa ako ng magazine.

"Magluto ka ng sa'yo!" Sigaw ni Martin na nilalayo ang plato ng pancakes kay Derek.

It's been two weeks since lumipat na ako ng dorm. Labag man sa loob ko pero kailangan daw sabi ni Auntie. Tumingin ako kay Nica na nakikibasa din sa magazine na nakahalumbaba pa sa balikat ko.

"Oh, tama na 'yang away na 'yan!" Awat ni Sparkle.

"Baka magalit si Bruise, alam niyo namang ayaw niya ng maingay." Dagdag ni Heart.

Kung dati ay si Bruise ang pinakamalakas dito, ngayon ako na. Rank 1 ako sa LOG because I'm the mistress of light and creation. In short, I have all the abilities and powers. But if you ask me about what I feel about being rank 1? I'd say I still feel weak.

"Miss ko nang magklase!" Angal ni Derek. Ako rin naman eh. Hindi na kasi required ang LOG umattend ng classes. I wonder how Dawn and Elanie is doing.

Natahimik kaming lahat ng marinig ang footsteps ni Bruise pababa na may hawak nanamang libro at nakasalamin. Tahimik siyang umupo sa couch at nakatingin lang kami sa kaniya. Even though I'm rank 1, takot pa rin sila sa kaniya.

"Nicole," Tawag sa akin ni Bruise. "Sit here." Tumayo ako at nagstay lang doon sa isa pang couch si Nica. Binitawan ko ang magazine at inilabas ang phone ko pagkaupo ko sa couch na kung saan siya umupo. Inakbayan niya ako.

"Ay wow. Nicole, Bruise, hindi ito SOGO ha? Dorm ito." Pang-aasar ni Martin. Umiling-iling lang ako.

"Shut up." Matipid na sabi ni Bruise. Nililigawan niya pa rin ako hanggang ngayon.

"Alis muna ako. Tambay lang ako sa labas." Paalam ko. Sabay-sabay silang tumango.

Lumabas na ako at pumunta sa East Wing. Simula ng maging member ako ng LOG ay dito na ako lagi tumatambay. Umakyat ako sa pinakamataas na puno na palagi kong tinatambayan. Nakahiligan ko na rin ang photography these past few days. Ito ang ginagawa ko para maging busy habang naghihintay ng mission na ibibigay sa amin... Para hindi ko maalala si Lian.

Napabuntong hininga at in-on ang camera na nasa leeg ko. Pinipicturan ko ang mga couple na dumadaan na nagsisitawanan. Hindi naman ako masyadong napapansin dito kaya mas gusto ko dito tsaka konti lang ang dumadaan dito.

Busy akong kumukuha ng pictures ng isang couple na kumakain ng icecream at naglalagayan ng icecream sa mukha. Mukhang masaya sila at masaya ako para sa kanila. Nakailang shots na din ako nang umalis sila sa East Wing.

Naramdaman kong may lalabas mula sa building na katabi ng East Wing kaya hinanda ko agad ang camera ko. Napatigil ako ng makita ko kung sino 'yun. Si Lian.

Mag-isa lang siya at nakatingin sa malayo. Biglang may lumabas na tatlo pang lalaki na tinapik ang balikat niya. Mukhang may mga kaibigan na siya. Masaya ako para sa kaniya. Napangiti ako ng tumawa siya. Nagdesisyon akong picturan silang magkakaibigan habang tumatawa.

Nakapatong ang paa ko sa isang sanga ng biglang naputol at na-out of balance ako. Shiiit!

"AAAAAAAAH!" Sigaw ko. Nakita kong napatingin sila sa akin. Hawak ko lang ang camera ko habang sumisigaw ng maramdaman kong may sumalo sa akin.

"Rank 1 ka sa LOG pero hindi mo magawang iligtas ang sarili mo." Sabi ni Lian na sumalo sa akin. Ibinababa niya ako at inayos ko ang sarili ko. Awkward akong tumingin sa kaniya habang nilalaro ang mga daliri ko.

"S-salamat. Kamusta ka na pala?" Sabi ko.

"OKAY lang naman ako. Hindi ako INIWAN NG WALANG PASABI. Hindi ako SINAKTAN." In-emphasize niya pa ang words na 'okay', 'iniwan ng walang pasabi', at 'sinaktan'.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now