41: Lian

2.8K 55 1
                                    

Pain.

Sacrifice.

Envy.

Suffer.

Sadness.

Sorrow.

What did he do to feel all of these?

Bakit ito nangyayari sa kaniya? Anong ginawa niya para parusahan siya ng ganito?

Lian.

Kawawang Lian.

Bakit kailangan niyang maranasan lahat ng ito? Dahil ba ito ang pinili niya o ito ang itinakda para sa kaniya?

Kailan huling nasilayan ang kaniyang ngiti? Kailan huling nasilayan ang kaniyang tawa? Kailan niya huling naramdaman ang pag-ibig? Kailan niya huling naramdamdaman ang saya?

He was powerful, brave, and strong. He was the master of light and creation, king of the Underneath, disciple of the goddess/god. He was the king, but did he ever felt happy with it?

Hari siya ng kadiliman at ganoon rin ang buhay niya. Puno ng kadiliman at sa kadilimang iyon? Mag-isa lang siya.

"6."

Nakarinig si Lian ng kaluskos mula sa labas habang nakayuko. Tulo ng tulo ang mga malalaking butil ng pawis sa kaniyang mukha at leeg. Hingal na hingal siya kahit nakaupo lang siya sa maduming sahig na maraming tuyong dugo.

"5."

Bumukas ang pinto sa gusali. Lumiwanag sa buong gusali na napakadilim at napakabaho. Hindi pa rin kumibo si Lian at nagpatuloy sa pagbibilang.

"4."

Dahan-dahan. Dahan-dahang naglalakad ang taong nagbukas ng pinto patungo kay Lian. Hindi pa rin gumagalaw si Lian. Sa halip ay pinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata.

"3."

"2."

"1."

Tumingala si Lian sa lalaking nagbukas ng pinto. Ang god. Ang matanda. Nakangiti ito habang nakapuwesto sa likod ni Lian at nagbend ng kaunti para alisin ang pagkakatali kay Lian.

"N-nasaan siya?" Nanghihinang tanong ni Lian sa matanda. Napabuntong hininga ang matanda ng makalas ang tali at inalalayan si Lian upang makatayo.

"Malapit na siya. Kailangan na nating tumakas." Sabi ng matanda at minadali si Lian sa paglalakad. "Dali!" Dagdag pa nito.

Nicole's Point of View

"Daddy, paano na?" Tanong ko habang naka-indian sit sa mesa niyang may mga nakalagay nanamang libro tungkol sa mga kapangyarihan. Pinapanood ko lang siyang naglalakad paikot na para bang may iniisip.

Nako, saan na ako mag-aaral nito? Nasaan na kaya si Lian?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggal ang lungkot at bigat na nararamdaman ko dahil nawawala si Lian, magkakahiwalay na kami nina Dawn at ng LOG, mamimiss ko si Rafa, at pinatay ng dark creatures si Dana. Gustong gusto ko silang sakalin at tanggalan din ng ulo.

"I made up my mind. You'll study in Paris. Magstay ka na doon hangga't wala pang balita sa academy ninyo. Delikado na. Kumakalat na ang mga demon sa bansa natin. Papadalhan kita ng pera para sa school mo at sa iba mo pang pangangailangan. Sa normal na school ko kayo ipapasok."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Daddy. Totoo ba ito? Sa Paris niya ako papag-aralin?! Like OMG, OMG. Matagal ko ng gustong pumunta doon pero I never got the chance to do so.

"And Rafa? That suitor of yours and at the same time your guardian? Isasama ko siya sa'yo. Sagot ko na rin lahat ng pangangailangan niya." Nanlaglag ang panga ko.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now