1: That New Girl

18K 259 20
                                    

Lian's Point of View



Tumakbo ako papunta ng sala at kinuha ang bag ko. Inayos ko ang hoodie ko. Hinawi ko pa ang buhok ko at inilagay ang ID sa bulsa ko, that makes the ID lace hanging from my pocket.



"Ma, alis na 'ko! Bye!" Sigaw ko.


"Wait lang, Lian! Kumain ka muna kahit tinapay man lang!" Sigaw ni Mama. Napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng isang peanut butter sandwich at hinalikan si Mama sa pisngi para makaalis na.




Tumingin ako sa orasan ko. Ma-lalate na ako! Damn! Tumakbo ako papuntang school. Life is ironic, walking distance ang school ko pero tinatakbo ko. Corny, alam ko. It's better late than never, iyan ang motto ko sa buhay since I'm a lazy ass and my lazy ass prefers to be late all the time. Kahit marami nang nagtitinginan sa aking mga estudyante na kapareha ko ng school ay wala na kong pake. Late na nga ako, magpapalate pa ba ako lalo? 



Bago ako tuluyang pumasok sa gate ay sinuot ko muna yung hood ng hoodie ko at nilagay ang mga kamay sa bulsa. Tiyak na magtitilian nanaman ang mga babae. Ang gwapo ko kasi. Hahaha. Ayoko sa tili nila. Ayoko sa boses nila. Nakakabingi. Nakakairita. Buti na lang talaga walang nakapansin sa akin kasi grey 'yung hoodie ko. Nakapunta ako ng classroom at tama ako, late na nga ako.



Nagsitinginan sa akin ang mga kaklase ko [ati ang adviser ko but I acted like everything is normal. Maninibago pa ba sila sa aking araw-araw na-lalate? Sumisipol pa ako habang naglalakad papunta sa upuan ko. My favorite spot, dito ako lagi since I was in gradeschool. Sa tabi ng bintana.



Hindi ko napansin ang babaeng pinapakilala sa harapan ni Miss. She has a perfect shape of body, tama lang rin sa kaniya iyong height niya. Morena siya at mapungay ang mga mata. Palangiti at mukhang palakaibigan.



I admit, she's very beautiful.



She was waving to each one of us and when she looked at me she waved and said 'hi' and flashed a smile. Damn, she's cute. Hindi ko siya binati pabalik, I want to keep my 'suplado' image. I just raised my right eyebrow and rolled my eyes. She slightly pouted but she's still smiling.



"Ms. Aveldera, please find an empty seat and doon ka umupo." Tumingin ako sa tabi ko. It's empty. I stared at her and she caught me. Wala lang 'yun sa'kin. I continued to stare at her and she just smiled but I know she is starting to feel uncomfortable.



Parang sumikip ang dibdib ko nung sa tabi ko siya pumunta. Ngayon ko lang ito naramdaman. This is not normal. Hindi kaya, magkaparehas kami? Nah, ako lang ang halimaw buong school na ito, ako lang, pero walang nakakaalam. I'm a creature of the dark, at matagal ko ng tanggap iyon. I have powers that I can't control.



Nung tumabi siya sa akin, mas naappreciate ko 'yung ganda niya. Short wavy hair. Matangos na ilong. Sexy na katawan. Basta ang ganda niya. She's wearing a white above-the-knee dress, flats, and necklace na mukhang mamahalin dahil sa pendant nito. Bagay sa kaniya.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now