40: Bye

2.6K 51 5
                                    

Third Person's Point of View

"Lyn-- Niana--, argh! Tapatin mo nga ako," sabi ni Nicole habang nakasakay sa pegasus niya sa ere. "Anong meron? May hindi ba ako alam?" Tanong ni Nicole.

Para siyang galing sa isang marathon at uhaw na uhaw sa sagot. Bakit ba kasi ang daming nangyayari ngayon? Hindi siya mapakali sa mga nangyayari sa paligid niya. She's so naive.

"Hindi mo ba talaga maalala ang pangalang Zeus? Kahit man lang ang pangalang Lyn?" Tanong ng pegasus habang tumakabo sa ere.

Kumunot ang noo ni Nicole. Sinubukan niyang alalahanin kung saan nga ba niya narinig or nabasa ang pangalang Zeus at Lyn. Binalikan niya lahat ng ala-ala niya pero hindi niya talaga maalala kung saan niya nalman ang mga pangalang iyon.

Biglang binilisan ng pegasus ang pagtakbo pababa. Tumindig ang balahibo ni Nicole ng may biglang magflashback sa isip niya.

"Zeus Joseph Aveldera- I mean Alvedera. Ang lapit kasi ng apelyido. He was the Master of Light and Creation, King of all angels. And obviously, rank 1."

"Si Lyn ang alagang pusa ng pinakaunang Legion of Gods. Hindi lang ito basta pusa, she can also transform to a human, pegasus, unicorn, and more."

"Zeus Joseph Aveldera and Kurtney Wizteria Whitefox got married on year 062. There were rumors that Ms. Whitefox already had a daughter before marrying Mr. Aveldera. But now, no one knows where they are."

Nabalik sa realidad si Nicole ng makarating sila sa evacuation area. Bumaba siya mula sa pagkakasakay sa pegasus. Wala pa namang demons dito. Tago kasi ang evacuation area.

Muli, naalala ni Nicole ang lahat. Ang mga nabasa niya sa libro, ang sinabi ng history teacher niya. Naaalala na niya ang lahat.

Anak siya ng dating master of light and creation. Anak siya ng isang myembro ng pinakaunang LOG. Isa siyang Alvedera at hindi Aveldera. Isa siyang Whitefox. Pero nasaan na nga ba ang nanay niya? Bakit wala man lang siyang balita tungkol dito? Patay na nga ba talaga ito? Iniwan na ba sila nito? Pang-undercover lang ba 'yung Aveldera para hindi maalala ng peculiars? Pero anong meron sa Alvedera?

"A-anak ako ng dating master of light and creation..." Bulong ni Nicole. Nilingon naman siya ni Lyn at ngumiti atsaka humalinghing.

"Nicole!" Napalingon si Nicole mula sa mga boses na tinatawag siya. Doon niya nakita si Jiro, Sunshine, Wayne, at Silvermist.

"We'll help! Tutulong kami!" Sabi ni Sunshine. Napangiwi si Nicole at medyo nag-alanganin pa.

"Sunshine, hindi pwede. Baka mapahamak pa kayo." Sabi ni Nicole na puno ng pag-aalala.

"Aww, okay." Malungkot na tugon ni Sunshine ng biglang may isang demon ang nakakita sa evacuation area. Akmang susugod ito sa mga peculiars ng sunugin ni Sunshine ang demon sa pamamagitang lamang ng paghawak dito. Napatingin ang lahat kay Sunshine. Iba-ibang ekspresyon ang nakatingin sa kaniya. Para bang sasabog na si Nicole. Kinabahan siya doon dahil kapag nagkataong napahamak ang isa sa kanila ay lagot siya sa mga parents nito.

Nakatingin lang si Martin kay Sunshine na chinecheck ang nails niya. Parang nilulusaw nito si Sunshine sa sobrang titig.

"Sunshine, di'ba sabi ko sa inyo, huwag na kayong tumulong dahil baka mapahamak kayo?" Sabi ni Nicole.

"Tutulong ako dahil baka ikaw ang mapahamak." Walang emosyong sabi ni Jiro kay Nicole. Inirapan naman ni Sunshine si Jiro atsaka humarap kay Nicole.

"Sorry! Gusto ko lang talagang tumulong!" Sabi ni Sunshine. Napabuntong-hininga si Nicole.

"Fine, basta mag-iingat kayo lagi ha?" Sabi ni Nicole.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now