42: Unexpected Date

2.8K 55 3
                                    

Nicole's Point of View

Natapos kumain sina Daddy at Rafa. Nagkwentuhan pa sila saglit tungkol sa family ni Rafa. Nalaman kong pamilya pala talaga sila ng guardians. Lahat sila ay light creatures, ang kuya lang niya ang humiwalay at piniling maging dark creature.

"Maraming salamat po sa pag-imbita sa akin sa hapunan, Sir." Pormal na sabi ni Rafa habang nasa tapat na sila ni Daddy ng pinto. Nakatayo lang ako sa gilid at pinanonood sila.

"Wala iyon, Rafa. Oh siya, mag-ingat ka sa daan." Tumango si Rafa at tumalikod. Pinihit nya ang door knob at hinila atsaka siya lumabas. Bumalik naman si Daddy sa library.

Tumakbo ako palabas ng bahay at nakita si Rafa na prenteng naglalakad papunta sa sasakyan niya. Lalo kong binilisan ang takbo at hinawakan ang braso niya ng maabutan ko siya. Napatingin naman siya sa akin pero hinila ko lang siya papunta sa backyard namin kung nasaan may swmming pool.

"Rafa, may sasabihin ako." Seryoso kong sabi. Bumuntong hininga naman ako ng makita ang mukha niyang nakakunot ang noo. Magharap na kami ngayon. Kahit madilim na ay kitang kita ko pa rin ang mapupungay niyang mata, matangos niyang ilong, makinis niyang mukha, maputi niyang kutis, at medyo pulang labi.

"Bakit, Nicole?" Tanong niya.

Should I really say this? Paano kung hindi ko sabihin? Aasa lang siya ng aasa hanggang sa dumating 'yung panahong maghiwalayin kami nig tadhana. Pero it really makes me so damn nervous. How do I turn down Rafa without hurting him? It's too fucking hard but I need to do it.

"N-nagsinungaling ako. I lied. I lied about everything. I even lied about what I f-feel." Matapos kong sabihin 'yung ay lumuwag ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko para sabihin sa kaniya iyon. His lips curved into a sincere smile. Fuck. This is making me nervous.

"I know, Nicole. Alam ko." Sabi niya. Nanlaki naman ang mata kong napatingin sa kaniya. Alam niya? Paano niya nalaman? Masyado ba akong halata? I did everything para matutunan siyang mahalin tulad ng pagmamahal niya sa akin pero hanggang kaibigan lang ang pagmamahal na mabibigay ko sa kaniya. I did everything, I tried, but I failed.

"And I chose to stay blind dahil mahal kita. Naniwala ako sa bagay na hindi ko dapat paniwalaan." Sabi niya.

Ngayon, naguiguilty na ako sa ginawa ko. Love is blind nga daw. Kahit na harap-harapan ka pang lokohin ng isang taong mahal mo, mamahalin mo pa rin siya. Hindi mo papansinin lahat ng masama o pangit na bagay na nasa kaniya dahil mahal mo siya. Tatanggapin mo lahat dahil mahal mo siya.

"I'm sorry, Rafa. I'm sorry for hurting you." Sabi ko. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"It's okay." Sabi niya. Niyakap ko siya pabalik. This makes me want to savour every second we spend right now. "Kung saan ka masaya, doon ako masaya. Well, this is life." Dagdag niya.

Unti-unti siyang kumalas sa pagkakayakap at nginitian ulit ako. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan ang kanang kamay ko. He slowly let go of my hand while he slowly walks away.

He went inside his car. Hindi niya ako nilingon. Tumalikod na ako. Lumuwag ang pakiramdam ko. I just can't resist the feeling na niloloko ko lang si Rafa. Yes, I never said before what I really felt about him pero kasi, pakiramdam ko naiipit ako.

I know I'm stupid. I'm a fool. I'm an asshole. I'm a jerk. A fucking heartbreaker.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama ko. Nakatunganga lang ako sa kisame habang pilit na inaalis si Lian sa utak ko.

Alexna's Point of View

"Nasaan na si Nicole?" Paulit-ulit na sambit ni Lian. This is making me irritated. This is annoying.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now