56: Competition

2.2K 42 10
                                    

Lian's Point of View

"Hindi na kita mahal." Para bang nabasag ang buong kaluluwa at puso ko ng marinig ang nga katagang iyon mula sa labi ng mahal ko. Minahal, minamahal, at mamahalin pa. Alam kong siya na ang para sa akin. Kaya ko siyang ipaglaban. Titiisin ko ang kirot sa puso ko. Titiisin ko lahat.

"Huwag ka namang ganyan, Nicole. Kaya kong tanggapin lahat. Lahat ng parusa ay tatanggapin ko. Lahat ng panghuhusga ay tatanggapin ko. Ganoon kita kamahal. Ano bang nangyari, Nicole? Please, just tell me." Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat pero hindi siya tumitingin sa akin. Nakatingin siya sa kanan niya sa sahig. Kumikinang ang magaganda niyang mata dahil sa luhang pinipigilan nito. Marahan kong hinawakan ang  braso niya.

"Eh paano naman ako? Matatanggap ko ba? Sa tingin mo ba kakayanin ko lahat? Hindi na nga kita mahal! Don't you get it? I fucking hate you, Lian! I hate you! I don't want you!" Iniwas niya ang sarili niya sa akin kaya nabitawan ko ang braso niya.

"Fine then. If that's what you want. I will set you free. This is the last time." Sambit ko.

Lumabas ako ng kwarto ni Nicole at nadatnan ang LOG na nakikinig. Nakasandal pa sila sa pintuan kaya nadapa sila. Umirap ako. Si Grey lang ang hindi nadapa dahil hindi naman siya nakinig. Nakasandal lang siya sa railing ng hagdan. Naglakad ako papunta sa guestroom.

Alam kong mahal ako ni Nicole. Alam na alam ko kapag nagsisinungaling siya at nagsasabi ng totoo. Mahal niya ako. There must have been a reason why she said those things. Akala ko magiging maayos na ang lahat pero hindi pa pala. Lahat ng akala ko ay hanggang akala na lang. At lahat ng sana ko ay hanggang sana na lang.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa. Agad kong sinagot ang tawag.

[Sir, nasaan na po kayo? Ready na po ang designs niyo ni Ms. Whitefox for your collaboration with her. Inischedule po ang fashion show next week. Sir, we need you now. Madaming problema sa kumpanya. Pinagkakaguluhan po araw-araw abg building dahil sa inyo.]

"Ha? Ano?"

[Sabi-sabi pong tumakas kayo ni Ms. Whitefox sa issue.]

"What? Tumakas? We're... I'm... May ginagawa lang akong importante. Hindi ko alam kung nasaan si Ms. Whitefox."

[Okay, sir. Please come right now at the office. May gusto pong makipag-usap sa inyo.]

"Sino?"

[It's Autumn clothing line's CEO, Ms. Reena Will.]

Autumn? Reena Will? I never heard if that before.

"Okay."

I ended the phone call at nagpunta sa labas. Sa kasam-bahay na lang ako nagpaalam na aalis ako saglit. Nagmamadali akong nagjog palabas ng bahay nila at may pinindot sa relo ko para dumating ang Chevy ko. Agad akong sumakay ng mabilis ng tumakbo ito sa harap ko. Nag-enter ako ng location sa relo ko para hindi ko na kailangang magdrive. Kinuha ko sa likod ang suit ko at nagbihis ng mabilis. Nagspray na rin ako ng perfume. Ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng White building. Nagpark ako at lalong nagkagulo ang mga reporters at camera man.

Nagmamadali akong sinundo ng mga gwardya atsaka ako lumabas ng sasakyan at pumasok sa White.

"Sir, bakit po nawala kayo?"

"I needed a rest."

"Saan po kayo nagpunta?"

"That's a secret."

"Kasama niyo po ba si Ms. Whitefox, CEO of Fashion Science?"

"No."

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa elevator. Ng bumukas ito at nakapasok ako ay medyo gumaan ang loob ko. Ng magsara ang elevator ay huminga ako ng maluwag. Buti na lang at naharangan ng mga guard ang mga tao sa labas. Ng makarating ako sa office ko ay sinalubong ako ni Wilma ng mga meetings na namiss ko.

Good Meets BadOnde histórias criam vida. Descubra agora