9: RAFAxNICOLExLIAN

5.4K 127 3
                                    

Third Person's Point of View

Kinain ni Lian ang baon niyang sandwich sa classroom. Mag-isa lang siya doon dahil lunch na. Kahit na gustuhin niyang bumaba, samahan si Nicole, iorder siya ng makakain, at makipagtawanan sa kaniya ay hindi pwede. Tumingin siya sa labas ng bintana ng biglang sumulpot si Leroy, ang kaniyang aso na demon din katulad niya. Hinaplos niya ang ulo nito at nilaro.

"Leroy, ano na kayang ginagawa namin ngayon ni Nicole kung hindi ako ang naging master of darkness and destruction at naging king of all demons?" Tanong ni Lian kay Leroy.

"Hindi ako sigurado, Master. Pero paniguradong masaya kayo ngayon kung magkasama kayo." Sabi ni Leroy. Napangiti si Lian.

"Sige na, Master. Baka hanapin ako ni Tanda sa Underneath." Tumawa silang pareho.

"Ingat, Master!"

"Ingat, Leroy!"

Matapos nun ay napagdesisyonan ni Lian na pumunta ng library. Lumabas siya at nagsitilian at sigawan nanaman ang kababaihan.

"Sino pupuntahan ni mylabs? Ngayon ko lang siya nakitang bumaba ah?"

"Pahinging numbeeeeeer!"

"Inlab na akoooo inlab na sa'yoooo sana'y malaman moooo~"

"Mahal kita, Lian pero mahal ko rin si Rafa!"

"I-versace mo ako, Lian!!!! Emeged huehue!"

He snapped his finger and tumigil ang lahat, literal na tumigil pati ang oras. Parang tinigil ni Lian ang oras. Lahat ng tao sa buong school ay parang estatwa na pwede mong paglaruan. Naiirita kasi si Lian sa sobrang ingay. Bumaba siya habang sumisipol at pumunta ng library.

He snapped his finger again when he got inside the library. He wrote his name down the notebook and scanned his ID. He does not even know why they need it. Pumunta si Lian sa pinakadulong bahagi ng library. Malaki ang library at malalaki ang bintana nito. Konti lang ang tao dito at karamihan ay mga nerd na walang pake sa mundo. May mga magjowa pa ngang naglalandian sa book shelves at sa table.

Ng makarating si Lian sa pinakadulong bahagi ng library at nagmasid muna ito. Wala naman talaga siyang balak magbasa kaya tumambay na lang siya sa book shelves. Tahimik kasi dito at tiyak na iingay nanaman sa classroom nila pagbalik ng ibang estudyante. Makaluma ang style nito pero maganda.

"Ah! Nahanap ko na! Hay nako! Pinahirapan pa ako ng library na ito maghanap ng libro!" Sa sobrang inis ni Lian na nabasag ang kanyang katahimiman ay tumayo siya sabay sabing, "Bakit kasi hindi ka nagtanong sa librarian?" Hindi humaharap ang babae at hindi nila kita ang isa't isa.

"Nahihiya po kasi ako," sabi ng babae "New student lang po kasi ak-" Hindi na naituloy ng babae ang kaniyang sasabihin ng magkaharap sila ni Lian.

"Nicole." Prenteng nakapamulsa si Lian habang nakasandal sa book shelves. Hawak-hawak ng babae na si Nicole pala ang mga librong kinuha niya. Mukhang mga luma pa ito at maalikabok.

"L-lian... Umm... Kamusta ka naman na?" Nahihiyang tanong ni Nicole. Naiilang pa kasi siya dito dahil hindi niya alam kung galit ang binata sa kaniya.

"Ayos lang." Matipid na sagot ni Lian.

"Hindi ako okay, miss na miss na kita."  Hindi alam ni Nicole kung si Lian ang narinig niya sa kaniyang utak kasi wala namang sinabi si Lian na kaya niyang makipag-communicate sa utak nung History time nila.

"S-sige, alis na 'ko." Kinuha ni Lian ang mga librong hawak ni Nicole. Nagulat si Nicole sa ikinilos ni Lian sapagkat akala niya ay galit ito sa kaniya. Niyakap ni Lian si Nicole na para bang walang nangyari kanina.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now