36: Pageant Night

3K 55 6
                                    

Nicole's Point of View

Kila Dawn ako natulog kagabi. Si Dawn at Sparkle at make-up artist at hair stylist ko mamaya. Halos hindi ako makapagsalita sa sobrang kabado. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman bago sa akin ang mga pageant at pagharap sa maraming tao pero kinakabahan pa rin ako.

Ayokong mapahiya kay Lian. Nakakahiya kapag nagkamali ako. I'm too afraid. I don't want to be judged.

Lumingon ako kay Dawn at nakitang gising na rin siya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang hinuhulaan kung ano ang iniisip ko. Kumunot naman ang noo ko.

"Anong iniisip mo?" Sabi na eh. Alam niyang may iniisip ako.

"Kinakabahan ako." Sagot ko.

Nginitian ako ni Dawn at bumangon. Hinila rin niya ang kamay ko para bumangon din ako. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko at nakatingin siya sa akin at nakangiti pa rin.

"Hayy, alam mo, huwag kang kabahan. Chillax ka lang. Mananalo ka dun. Hindi dahil member ka ng LOG, 'yun ay dahil beauty queen material ka naman talaga. Huwag kang kabahan, okay? Kasama mo ako pati si Sparkle." Sabi ni Dawn.

Ngumiti rin ako at niyakap ko siya. Niyakan niya ako pabalik. Ang higpit ng pagkakayakap namin sa isa't isa. Namiss ko talaga itong bruha na ito. Miss ko na rin si Elanie kaso... yeah.

"Namiss talaga kita, Nicoooole!" Sabi niya.

"Ako din." Tugon ko. Kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Baba na tayo, maligo ka na, ako naman ang magluluto. You need a beauty rest para lalo kang gumanda!" Yaya ni Dawn.

Nakangiti naman akong tumango at bumaba sa kama ng hawak ang kamay ni Dawn. Sumunod siya at bumaba na kami. Hay nakooo, mga late pa rin talaga magising! Si Dawn na ata nagiging chef nila dito eh.

~~~

"Bagay!" Sabi ni Sparkle. Napangiwi ako ng itaas ko ang damit na ibinigay sa akin ng event organizer na kailangang suotin para sa unang segment. Hindi naman siguro Binibining Pilipinas ito, 'no?

"Do I really need to wear this?" Tanong ko. Ayaw kong magsuot ng sando at high waist na shorts! Anak ng sando! Ayoko nitooo! Spaghetti style siya tapos kulay white. 'Yung high waist shorts ko, blue.

"Oo, kailangan. Baka sermonan ka nanaman nun." Sabi ni Dawn. Napabuntong hininga ako.

"Eh di'ba, sabi niya pwede daw lagyan ng kung anu-anong design?" Tanong ko. Tumango naman sila.

"Good, edi lagyan niyo ng sleeves." Sabi ko. Napabuntong-hininga sila.

"Nicole, hindi pwede. Lalagyan lang ng design pero hindi pwedeng baguhin ang style." Sabi ni Sparkle.

"Hayy, sige na nga." Sabi ko. Hinanger nila ang mga susuotin ko mamaya sa closet ko. Bali apat ang outfits ko tapos tatlong beses akong magpapalit. Una 'yung sando, pangalawa, irarampa namin 'yung school uniform namin. Pangatlo ang susuotin para sa talent portion. Pang-apat, 'yung evening gown.

"Kaya sit back and relax. Aayusan ka na namin!" Sabi ni Dawn.

"This is going to be fun!" Sabi ni Sparkle.

[Play the song: Fashionista by Jimmy James at the multimedia]

Nakatingin lang ako sa mga make-up na inilapag ni Sparkle at Dawn sa harap ng tukador ko. Iba't ibang products. Merong Careline, Maybelline, Nudes, Colour Pop, Nichido, Anastasia, at marami pang iba. Sinimulan na rin nilang lagyan ng something na kulay pink sa mukha ko bago ako make-upan.

Tinalikod pa nila ako sa salamin para hindi ko makita ang itsura ko. Nakangiti sila habang inaayusan ako kaya alam kong nag-eenjoy sila. Inayos na ni Dawn ang buhok ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dahil pinapapikit ako ni Sparkle.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now