51: Hindi Ko Rin Alam

2.4K 43 9
                                    

Nicole's Point of View (Cassandraline Whitefox)

Napangiwi ako sa harap ng laptop ko ng buksan ko ang facebook ko. May GC na ginawa si Derek at kasali lahat ng LOG members. Do we necessarily need this?

Sparkle: Guys, may dagdag na bagong LOG members. Si Bruise at Martin nakalaban nila.

May bago? How come hindi ako nainform? Mygahd! Maybe we are just all busy.

Cassandraline: May bago? Bakit hindi ako informed?

Derek: Bakit kasi hindi ka man lang bumibisita sa academy?

Cassandraline: I'm sorry. Pero sino sila?

Sparkle: Si Dawn at Grey.

Cassandraline: Good for them. Pakisabi na lang congrats. I'm leaving the PH soon na kasi.

Sparkle: Really? Take care.

Derek: Ingat.

Sinara ko na ang laptop ko at tumunganga sa TV. Mickey Mouse ang pinapanood ni Andrei sa TV pero wala akong maintindihan sa pinapanood ko. Binabagabag pa rin ako ng sinabi sa akin ni Lian nung isang araw sa party. It's killing my whole system. Hindi ko na pinapansin ang mga text at calls niya. Sinasagot ko lang ito kapag tungkol sa business o kaya kapag email ang message niya.

Nagvibrate ang cellphone ko at nakitang nagtext si Sparkle. Binuksan ko agad ang message at binasa na.

From: Sparkle

Tara, party? We'll pick you up at 8:45.

Hindi na ako nag-alinlangan pang sumagot. I need to get Lian out of my brain. Gusto kong magpakalasing. I want to forget him. So much. Mahal na mahal ko siya and I already let him go pero bakit ganoon? Umaasa pa rin ako. Umaasa sa bagay na hindi ko dapat inaasahan.

To: Sparkle

Sure.

Nagpunta agad ako sa kwarto at binuksan ang maleta ko. Naabutan ko si Rafa doon na may kinakalikot sa cellphone niya. Naghanap ako ng dress na maisusuot para sa party. Nakakagulat nga lang dahil 7:30 na siya nagyaya.

"May pupuntahan akong party kasama sina Sparkle." Sabi ko kay Rafa ng hindi siya binabalingan ng tingin at tuloy pa rin sa paghahanap ng damit. Hindi siya sumagot pero naramdaman kong tiningnan niya ako. Kinuha ko ang isang damit at nagbihis sa loob ng CR.

Lumabas ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Isang red na haven top at black fitted skirt and suot ko. Meron siyang spaghetti strap sa kaliwa kong balikat pero may sleeve na sa bandang underarm hanggang kamay. Sa kanan naman ay long sleeve na talaga. Nilugay ko ang mahaba at kulot kong buhok. Nagpulbo at lipstick ako. Sinuot ko ang 4 inches matte red na stilettos ko. Kinuha ko ang maliit kong pouch at doon nilagay ang pera at cellphone ko. Nakita kong malapit ng mag8:40 kaya lumapit agad ako kay Rafa at hinalikan siya sa pisngi para magpaalam. Pagkalabas ko naman ay nakita ko si Andrei na tulog na sa sofa habang bukas pa rin ang pinanonood niya. Hinalikan ko sa noo si Andrei at umalis na ng hotel.

Saktong pagkarating ko sa parking lot ay nakita ko ang kotse ni Bruise. Well, obviously, it's his car. May sticker sa pintuan na nakalagay 'Bruise'. Binaba ni Dawn ang bintana sa passenger's seat sa harap at ngumisi.

"Get in!" Utos niya. Ngumisi naman ako at binuksan ang pinto ng kotse atsaka umupo sa tabi ni Martin at Sparkle. Nasa likod si Derek kasama si...

"This is Grey. Remember him? He said he used to be your classmate." Sabi ni Derek. Tumango naman ako at ngumisi kay Grey. May suot siyang glasses na bilog ang frame.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now