23: Heart

3.3K 81 2
                                    

(A/N: wala kong maisip na pangalan ng chapter eh hihi)

Third Person's Point of View

"How's the investigation?" Tanong ni Revena. "I'm sorry I wasn't able to help you. The goddess called me." Dagdag nito. Umupo si Warren at Dave sa couch habang iniinom ni Warren ang kape na inihanda para sa kanila.

"The investigation was easy." Sabi ni Dave at humigop ng kape. Sumandal ito sa couch at nagde kwatro.

"Shut up, Dave. Ini-impress mo lang si Revena eh." Sabi ni Warren. Tumawa ng mahina si Revena ng napaayos ng tayo si Dave at nanlaki ang mata.

"Fine. Nakakalito 'yung investigation." Pag-amin ni Dave.

"I see. Tutulong ako bukas, samahan ko kayo." Tumango si Warren at Dave at sabay na nagpaalam.

~~~

Busy ang LOG sa kani-kanilang pag-iisip. Iniisip pa rin nila ang nangyari kahapon. Ang text kay Heart. Ang iba ay iniisip na isa lamang joke iyon at pinagtitripan sila. Ang iba ay sinususpetyahan na ang isa't isa na baka may balak pumatay. Ang iba naman ay iniisip kung anong dahilan nito. Lahat sila gulong gulo.

Si Heart ay nakikinig ng music pero isip niya ang pinakikinggan. Si Bruise ay nakatingin lang sa libro pero isip ng iba ang binabasa. Si Martin ay pinaglalaruan ang mga nakadisplay na miniatures pero nagi-imagine ng mga pwedeng mangyari. Si Derek ay nanonood pero hindi niya maintindihan ang pinapanood dahil sa iba ito nakafocus. Si Sparkle ay nakatingin lang sa bintana at may iniisip. Si Mira ay nakatingin sa salamin at tinatanong ang sarili. Si Rafa ay naglalaro mag-isa ng baraha pero may iniisip. Si Nicole hindi mapakali, hawak lang niya ang camera niya pero hindi alam ang gagawin.

Napatingin ang lahat kay Derek ng tumunog ang cellphone niya.

"From: Unknown Number

Panalo ka, check! Winner ka, check! Ang galing-galing! Thank the old gods! Congratulations on your brand new house! We are the employees of Swak Market! Your honest service! Just register to be a member and get your new house!"

Binasa ng malakas ni Derek ang text message. Ang iba naman ay tingin nila ay isa lamang itong promo. Pero si Rafa, sa tingin niya may ibig sabihin talaga iyon.

Napatingin ang lahat kay Bruise ng tumunog ang phone niya.

"3, 11, 12, 19, 24, 27, 35." Basa ni Bruise sa text niya. Naging interesado ang lahat dahil baka may konek ang text kay Derek at Bruise.

Bruise's Point of View

I finally got it! I think I know what the texts mean! The number who texted us is the same so it must be the same.

It simply means "Check the old house of your member."

Kapag binasa mo ulit ang text, bibilangin mo lang ang mga salita. Kunyari 'yung 3, the 3rd word in the text is 'check'.

"Panalo ka, check! Winner ka, check! Ang galing-galing! Thank the old gods! Congratulations on your brand new house! We are the employees of Swak Market! Your honest service! Just register to be a member and get your new house!"

"Sinong may lumang bahay dito?" Nagtaas ng kamay si Derek at Martin sa tanong ko.

Third Person's Point of View

"Sinong may lumang bahay dito?" Tanong ni Bruise. Nagtaas ng kamay si Derek at Martin. Minsan lamang magtagalog si Bruise kaya nakikinig ang mga ito ng mabuti sa kaniya.

"Magbihis kayo ng simpleng damit. 'Yung komportable." Sumunod naman ang lahat at pumunta sa kaniya-kaniyang kwarto para magbihis. Ng matapos silang magbihis ay dumiretso sila sa office ni Revena pero hindi sila sa school grounds dumaan. Sa isang napakadilim at mahabang hallway sila dumaan. Takot na takot si Mira sa dalim kaya nagcling siya sa braso ni Rafa. Kahit na labag sa loob ni Nicole ay inintindi na lang niya.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now