55: Parusa na naman ba?

2.5K 40 2
                                    

Nicole's Point of View

Umahon si Grey at umalis ng pool. Dahan-dahan akong lumangoy. Takot na takot ako sa bawat kilos na ginagawa ko dahil pinapanood ako ni Lian. Dahan-dahan akong umakyat para makaalis na sa swimming pool.

"You don't have the right to touch my girl." Sambit ni Lian ng pumunta ako sa likod ni Grey.

"She's not yours." In a short span of time, nakalabit si Lian, causing him to be triggered, at sinuntok si Grey sa mukha.

Nag-angat ng tingin si Grey habang hinihimas ang panga niya. Hinawakan ko ang balikat at braso ni Grey. Tiningnan ko siya ng puno ng pag-aalala. Binalingan ko ng masamang tingin si Lian.

"Ano bang problema mo? You already got your Alexna at naging rank 2 ka! Isn't that enough? Bakit ka ba nanggugulo pa?" Sigaw ko kay Lian.

"You! You are the problem! You make me so damn jealous, baby! And yes, it isn't enough until I get you back so please, baby, don't be mad."

Lahat ng galit sa aking katawan ay biglang nawala. Gusto ko na siyang patawarin agad at sabihin sa kaniya na kaniyang kaniya lang ako. Kaniyang kaniya lang ako. Gusto ko siyang yakapin at umiyak sa balikat niya. Gusto kong sabihin sa kaniyang mahal na mahal ko siya despite all the things he have done to me. Gusto ko siyang suyuin para hindi na siya magselos. I want him. I really want him. But this isn't right. Mali kung mamahalin ko pa siya. Mas mali kung ipapaalam ko pa. Maling mali kung hanggang ngayon ay umaasa pa rin kami sa bawal.

I want to scream, cry, and jump all the way down from the rooftop of the highest building. I want to be free. Gusto kong maging malaya. Malayang magmahal ng kung sinong mahal ko. Malaya mula sa mga kadenang nakatali sa akin.

Sabi nila, it's only you who can set yourself free. The question is, how do I set myself free?

"Hindi kita mahal, Lian. I love Rafa." Natulala si Lian matapos kong sabihin 'yun. He was speechless. Kumikislap ang mga mata niya marahil sa mga luhang pinipigilan niya. Pinigilan kong umiyak. I have to stay strong. Stay strong not to us, but to me.

Naglakad ako palayo sa pool. This is making me damn sick. Ang daming pangyayari ngayon. Hapon pa lang, I should expect more. May mga mangyayari pa.

Sa totoo lang, hindi naman talaga si Rafa ang mahal ko. I have feelings for him, I guess, pero hindi siya ang mahal ko.

Lian's Point of View

Gusto kong maging malaya.

Gusto kong maging malaya mula sa sakit na nararamdaman ko.

Magmula pa nung nagkasala ako ay habang buhay na akong kinulong. Kinulong sa katawan ko. Hindi ako makawala. Gusto kong kumawala. Patuloy kong hinanap ang kalayaan. Gusto kong bumawi sa mga kasalanan ko. Gusto kong maging malaya. At ang kalayaang iyon ay nahanap ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang kalayaan ko sa pag-ibig. Minahal ko siya at naramdaman ko rin ang pagmamahal niya. Naging masaya ako ng ilang sandali. Naging maligaya. Naging malaya. Ngunit hindi pa sapat. Hindi siya para sa akin dahil magkabaliktad kami.

Kung ako ang kadiliman, siya ang liwanag. Ako ang kadiliman na binigyan niya ng liwanag.

Kung ako ang pagkasira, siya ang paggawa. Siya ang bumuo sa akin at tumulong na hanapin ang mga nawawala sa akin.

Kung ako ang demonyo, siya ang anghel. Siya ang anghel na gumamot sa mga sugat ko.

Ngunit hindi pupuwede. Dahil magkaiba kami.

Gusto kong maging malaya.

Malaya mula sa sakit na aking nadarama. Gusto kong maging malaya mula sa mga problema. Gusto kong maging malaya mula sa katotohanan. Gusto kong maging malaya mula sa kadiliman. Ngunit anong magagawa ko? Ito ang itinakdang mangyari para sa akin ng Panginoon. Wala akong magagawa kundi tiisin ang sakit. Wala akong magagawa kundi panoorin ang mahal kong magmahal ng iba.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now