57: Cheated on who?

2.6K 44 7
                                    

Sparkle's Point of View

[Let's just see each other at the plaza, okay?]

"Okay!"

Inend na ni Heart ang phone call. Inubos ko na ang nachos na nasa harap ko habang pinapanood ang paborito kong palabas. The Walking Dead. Sinubo ko ang mga daliri ko pagkaubos ko ng nachos atsaka pinatay ang TV. Ako lang mag-isa dito sa dorm namin. Si Heart, namimili ng pagkain sa 2nd wall.

Simula kasi ng atakihin ng mga demon ang Heavenly Academy ay naging overprotective na lalo sina Sir Warren at Sir Dave. Binubuo na ng limang matataas na pader ang academy pero guess what? Parang hologram lang siya dahil makikita ng nasa labas ang kung anong nasa loob pero ang totoo niyan, may napakataas na pader ang nasa pagitan ng labas ng academy at loob ng academy.

Sa 1st wall, nandoon ang police station, mga kotse, at mga soldier sa Heavenly Academy. Nandoon din ang mga pinakamagaling na peculiars. Hindi nga lang kami nilagay doon. Hindi ko alam kung bakit.

Sa 2nd wall, nandoon ang bilihan. Bilihan ng pagkain. May supermarket doon at palengke. Doon naman ang mga pinakamagaling na peculiars na may elemental powers dahil nandito rin ang iba't ibang forest. Nandito rin ang mga dati naming fairies.

Sa 3rd wall, nandoon ang plaza. Doon kami madalas gumagala ng LOG. May perya dito at marami pang iba. Maraming naidagdag sa academy kaya nakakaenjoy ikutin. Ni hindi pa nga namin napupuntahan lahat ng bagong gawa dito eh.

Sa 4th wall, nandito ang mga teacher at iba pang school staffs. Dito ang dorm nila. Dito rin nilagay ang mga unicorn namin at iba pang magical creatures na pagmamay-ari ng teachers at namin.

Sa 5th wall naman kaming mga students. Akala mo maliliit lang ang space ng bawat wall, mali ka. Sobrang laki nito. Halos matatalo na nito ang laki ng Circus Maximus sa Rome. Tumatanggap pa nga kami ng new students eh.

Pagkatapos kong magsuot ng pang-alis at magsapatos ay lumabas na ako ng dorm. Hinayaan kong dumapo sa balat ko ang malamig at sariwang hangin. Malapit nang magpasko kaya may mga hologram na snow dito. May hologram din ni Santa Claus na nasa langit tuwing gabi. May mga hologram din ng mga animals sa paligid.

Pumara ako ng kalesa. Yup, may kalesa na dito sa Heavenly Academy. Ito ang ginagawa naming transportation kapag may pupuntahang ibang wall. Especially sa mga peculiars na walang teleportation.

"Plaza po." Sabi ko sa lalaki. Nagsimula ng gumalaw ang kalasea palabas ng 5th wall. Siguradong matatagalan si Heart sa 2nd walk kaya titingin muna ako ng mabibili doon.

Mabilis ang takbo ng kabayo kaya nakarating agad kami sa 3rd wall. Nagbayad ako sa lalaki at pumasok na ng plaza. Nagpunta ako sa isang shop kung saan nagtitinda sila ng musical instruments. Nanlaki ang mata ko ng marinig ang music na pinapatugtog nila. I know this song!

"When you go, would you even turn to say," I said as I sing along to the song ng may marinig na pamilyar na boses na sumasabay.

"I don't love you, like I did yesterday." He continued. Lumingon ako sa lalaki at nakita siyang nakapamulsa habang tinitingnan ang mga electric guitars na nakasabit sa pader.

"Grey?" Saad ko. Tiningnan niya ako habang sumisipol pero hindi niya niliko ang ulo niya sa akin.

"Oh, Sparkle. Why are you here?" Aniya. Sungit naman nito. Humakbang ako ng ilang hakbang para maging malapit kami sa isa't isa.

"Bakit, ikaw na lang ba ang puwedeng pumunta dito?" Pilosopo ko ng tanong. Doon lang niya iniliko sa akin ang ulo niya at humarap sa akin. Namula naman ako at kinabahan ng seryoso niya akong tiningnan. Alam kong mas matagal na akong myembro ng LOG kaysa sa kaniya but I can't help get nervous when he stares at me.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon