17: Apoy

3.9K 94 3
                                    

Nicole's Point of View

Do you know the feeling of being weak? The feeling of being hopeless? The feeling of being insulted?

Kahit na nanalo ako, I feel too weak. I don't deserve to be a member of LOG. Kung tutuusin ay napakadaming attack ang ginawa sa akin ni Heart. Kahit na binagyo ko ang buong coliseum ay parang wala pa ring akong sapat na kakayahan. She is strong and I am weak. Wala akong laban sa kaniya. It's too ironic to think that I won the battle even if I'm sitting in a hospital bed right now. Napakahina ko para manalo. Nasaan na ang dating ako? 'Yung ako na halos umapaw na ang confidence.

Let's just face it. Let's just move on. Maybe it was coincidence. Maybe chamba lang na nanalo ako. I really feel weak. Kanina pa masakit ang tenga ko namamanhid ang katawan ko.

"Unnie, huwag mo nang isipin na mahina ka. You're the queen and mistress, you are the strongest in the academy. You can't be weak." I just smiled to them as Elanie tapped my back. Nilalaro ko lang ang mga daliri ko habang tinitingnan si Rafa. He still looks mad at me kaya parang ang bigat ng atmosphere. Nandoon din si Lian at Bruise. Si Bruise ay natutulog habang nakatitig lang sa akin si Lian.

"Oo nga, Nicole. Magiging okay na rin pakiramdam mo." Sabi ni Dawn. Ngumiti na lang ako.

~~~

"GREEEEY!" Lumingon sa akin si Grey na nagsusulat ng concept notes namin. Tinaas niya ang mga kilay niya at ngumiti. Shet, fafabol.

"Have you seen Lian?" Oh ha! English 'yun! Nabalitaan ko kasing magkalapit sila ng dorm. 4th subject na kasi pero wala pa rin si Lian.

"Nope." Biglang bumusangot ang mukha ko at ipinagpatuloy ang pagsusulat ng concept notes sa Algebra. Grabe, may algebra ditey? Sakit sa bangs, besh.

Monday na ngayon at gumaling na rin ang mga galos ko sa battle namin ni Heart. Oo nga 'no? Monday na monday tapos absent siya. Hmp!

*criiiiing criiiiing*

"Okay, class. Class is dismissed. You may take your lunch." Nag-unahan ang mga classmates kong lumabas. Nag-paiwan na ako kayla Dawn, Rafa, at Elanie dahil kailangan ko pang puntahan si Lian sa dorm niya. Baka may sakit siya.

Prente lang akong naglalakad papunta sa dorm niya at ng makarating na ako sa dorm niya, napansin ko agad na hindi ito nakalock.

Pumasok ako at hinanap siya pati sa kwarto at sa banyo. Naiwan ring bukas ang aircon. 'Yung gamit niya parang dinaanan ng tsunami sa sobrang gulo. Nagdesisyon akong magluto ng sinigang na baboy. Favorite niya eh. Aayusin at lilinisin ko na rin ang dorm niya habang naghihintay.

~~~

Narinig kong bumukas ang pinto kaya nagmadali akong pumunta sa sala. Si Lian.

"B-babe, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Shet, ang pogi. Tapos ang gulo pa ng buhok niya. He's wearing a white V-neck at faded pants.

"Nag-absent ka kasi kaya nag-alala ako. Kaya ito, absent na ako sa fifth subject! Ikaw kasi eh, pinag-aalala mo ako." Bumalik ako sa kusina para ilagay ang seasoning sa niluluto. Naramdaman kong lumapit siya at umupo sa tabi ng sink.

"Anong ginawa niyo kanina?" Hindi ako sumagot at tinakpan ang niluluto ko. Pumunta ulit ako sa kwarto niya para tupiin ng maayos ang mga damit niya.

"Uy..." Hindi ko pa rin siya pinansin ng tabihan niya ako sa kama.

"Hays." Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya tinitigan ko siya sa mata.

"Saan ka ba kasi pumunta? Nag-alala ako sa'yo." Sabi ko at tumayo. Pumameywang ako habang nakataas ang isang kilay ko. Hindi niya ako sinagot at umiwas sa titig ko. Napairap na lang ako at bumuntong hininga.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now