27: Human Horse and Pegasus

3.1K 71 2
                                    

Nicole's Point of View

  Natapunan kasi ng frappe ang dress ni Slivermist na mukhang mamahalin pa naman. 

 "I'm sorry!" Sabi ni Alohna. 

 "You cheap slut! You don't know how expensive my dress is!" Nagform ng letter O ang bibig ni Alohna sarcastically. 

 "It's not my fault that you were not looking. Duh?!" Sabi ni Alohna. 

 "Guys tama na." Sabi ko but they weren't listening. Nag-aaway pa rin sila. 

 "Silvermist, stop." Sabi ni Lian. Napatigil si Silvermist at ang matapang niyang mukha naging mala-anghel. 

 "Lian..." Silvermist went closer to Lian. "I missed you." Silvermist hugged Lian as tears started streaming down my face. 

 "Don't mind them." Bulong ni Rafa. Tumalikod ako at tumakbo sa restroom. Mag-isa lang ako noon kaya inilabas ko na lahat ng luhang pinipigilan ko kanina.Why does it hurt so bad? It's just a fucking hug and I'm crying because of that .

~~~

I went to the Qimsun's dorm. I tried ignoring what happened yesterday but I still don't know kung kaano-ano ni Lian si Silvermist. Ilang minuto na rin pala akong nandito sa labas pero parang ayaw nila magpapasok. Walang sumasagot sa tuwing sumisigaw ako and parang ang ingay sa loob. Nakalock pa 'yung dorm nila kaya hindi ko mabuksan.

Naisipan kong silipin 'yung bintana nila-- Oo nga 'no? Bakit hindi ko 'yun naisip kanina? Hayyy. Ng sumilip ako, nakita ko lang naman na naglalaban sila using their powers but wala si Silvermist. 

Sunshine is throwing hot balls to Wayne. While Jiro is holding his spear made up by his sub-power na thunder. Ang cool nga ng spear niya kasi may dalawang matulis sa dulo tapos may mga gems na kulay red at gold. Mahaba ito at may mga feathers pa. 'Yung kay Wayne naman, may hawak siyang shield na may puso sa gitna pero kulay gold ito. 

"Tama naaaa! Huhuhu." Pumunta ako sa harap ng pinto ng dorm nila at ginamit ang sub-power ko na strength para masipa ang pinto. With just one kick, nasira ito. Tumigil sila sa ginagawa nila and the whole place is a mess. Ganito sila kakulit?

"Anong ginagawa ninyo? Para kayong bata. And don't worry because pagkauwi na pagkauwi niyo from your classes, napaayos ko na 'yan. Now, why are you having a battle inside a dorm? Where's Silvermist?" Napayuko sila. Tinuro nila ang kwarto ni Silvermist na tahimik lang.

"Eh kasi si Wayne eh!" Sabi ni Sunshine tsaka nagpout. Kumunot naman ang noo ko.

"Muntik na niya kaming saksakin nung weapon niya. Eh kapag nasaksak ka nuon, maiinlove ka sa unang taong makikita mo after mong masaksak! At paniguradong si Sunshine 'yun! Kadiri! Ew!" Natawa na lang ako kay Jiro. Nagbangayan sila ni Sunshine na para bang nasa magkaibang bundok sila. Nako. Bagay nga.

"Oh sige na, sige na, pumunta na tayo ng school at hinihintay na tayo ni Dawn at Rafa sa school grounds." Sabi ko kaya tumigil naman sila at lumabas na kasama si Silvermist. 

~~~

  "Hindi niyo man lang ako ininform na nag-upgrade na ang academy." Sabi ko kay Dawn at Rafa. Ngumisi lang silang dalawa. Naka-cling ako kay Rafa at Dawn habang nasa likod namin ang Qimsun.

Nandito na kami sa loob ng school. And I can that in a very short time that I was gone, maraming nag-improve. Pati mga kaklase ko nag-improve. Kung dati, kapag pasok mo ng classroom, makikita mo puro mga nagli-lip tint, nagmo-mobile legends, at nagyayabangan ng abilities and power, ngayon hindi na. Lahat sila nagbabasa ng libro o kaya naman nag-uusap ng mahina.

"Si Nicole!"

"'Yung queen!"

"Si crush!"

Pumasok kaming anim sa loob ng classroom at nakita ang mga upuan na nakareserve sa likod. Doon kami uupo ng Qimsun. Leche, katabi ko si Rafa at Jiro.

I saw Lian writing on his black notebook quietly. Parang ang lalim ng iniisip niya. Sonubukan kong basahin ang isip niya pero may parang barrier ito para walang makabasa. Oo nga pala, he is the king. Lahat ng kaya ko ay kaya rin niya.

"Good morning." Tumayo kaming lahat ng igreet ng adviser namin dati. Nakalimutan ko na pangalan. Hehehe.

"Look who's here! Welcome back, Nicole!" I stoop up and bowed.

"Thanks." Then umupo ako.

"Meet the Qimsun. They are sons and daughters of gods and goddesses." Sabi nung adviser. Napa-woah naman silang lahat.

"Ang pogi nung katabi ni Nicole!"

"Crush ko na 'yung nakaorange!"

"Bakit parang galit sa tao 'yung nakablue?"

Umalis na ang adviser dahil tapos na ang homeroom. May pumasok na.... puta.... bakit may tikbalang?

"Bakit may half-horse, half-human?" Bulong ko kay Rafa.

"New teacher. Marami nang tikbalang dito na teacher." Nanlaki ang mata kom Shet. May teacher kaming tikbalang?!

"He's our alchemy teacher." Dagdag ni Rafa. Tumango na lang ako.

"Okay, students. You know the routine." Sinundan lang namin ng Qimsun si Rafa at Dawn. Marami na talagang nagbago.

We went to the lockers para kunin ang cloak namin. Sinuot na namin ang cloak namin. Iba pakiramdam ko. Nag-iba siya simula ng isuot ko ang cloak. I feel... protected and safe.

"Bakit nga kailangan magcloak?"Tanong ko kay Dawn. Kitams, reyna ako pero naive ako.

"Para maprotektahan tayo. Kasi malapit ang alchemy room sa mga monsters at demons. Our powers can attract them and the cloaks protect us. Parang may barrier sa buong katawan natin para hindi maattract ang demons or monsters sa aura natin." Sabi ni Dawn. Kaya palaaaa. Ngayon ko lang nalaman, bakit ba?

~

Pumunta ako sa office ni Auntie pagkatapos ko ihatid ang Qimsun sa dorm nila. Wala lang, I'm bored. Hindi na ako kumatok at diretsong pumasok. Laking gulat ko na lang ng walang tao. Tahimik ang paligid.

"Auntie?!" Sigaw ko pero walang sumasagot. Pumunta ako sa pinto na shortcut papuntang human world. 'Yung police station nila Sir Dave at Sir Warren.

Pero pagbukas ko, wala rin si Sir Fave at Sir Warren kaya bumalik na lang ako ng dorm. Ngayon, gets ko na kung bakit kating kati ang LOG magkaroon ng mission. Ang boring kaya. Hindi na rin ako sasama bukas sa Qimsun. Si Rafa at Dawn na lang ang makakasama nila.

Ng makabalik ako sa dorm ay wala kaming ginawa kundi manood ng movies. Maghahating gabi na pero wala pa rin inaantok sa amin. Nasa lapag kami ni Rafa at nakahiga ako sa lap niya habang nakasandal si Rafa sa leg ni Dawn. Si Dawn naka-cling kay Bruise. Wait...

SI DAWN NAKA-CLING KAY BRUISE?! TANGINA, KINIKILIG AKO! BOTO AKO SA KANILANG DALAWA!

So ayun, si Sparkle naman ay nilalaro ang kamay ni Martin. Si Derek naman ay kumakain ng sandwich. Must Be Love ang pinapanood namin ngayon. Pangatlong movie na namin ito. 'Yung dalawa kanina is Crazy Beautiful You at She's Dating The Gangster. Kapag hindi pa kami inantok after nito, Can't Help Falling In Love naman.

Hindi halatang fan kami ng KathNiel, 'no? Hindi halata eh.

Napatingin kami sa pinto ng may kumatok. Sinong baliw ang kakatok sa pinto ng dorm ng LOG ng 11:26 ng gabi?!

Ako na ang tumayo at bumukas ng pinto si Auntie pala. Okay, binabawi ko na sinabi ko kanina. Heheheheh. Peaaace.

"Bakit gising pa kayo?" Tanong ni Auntie. Kasama niya rin si Sir Dave.  

"Hindi pa kami inaantok eh. Wala ba kayong ibibigay na mission? Ang boring ditoooooooooooo!" Sagot ko. Ngumisi naman si Sir Dave. Pumunta na silang lahat sa likod kom

"Ganyan na ganyan din ang mga dating LOG." Sabi ni Sir Dave. Umiling na lang ako.

"What brings you here, love birds?" Namula naman si Sir Dave at nanlaki ang mata ni Auntie.

"Nicole!" Tumawa lang kaming lahat.

"Okay, seryoso na. Bakit kayo napapunta dito?" Tanong ko.

"Para dalahin dito ang mga pegasus ninyo." Biglang nagtatalon ang LOG. Si Dawn at Rafa naman bumalik sa sala.

"Pegasus?! Seryoso?! May gano'n ba?!" Gulat na tanong ko. Sa Barbie na movie pa lang kasi ako nakakita ng pegasus. I still cannot believe that those kind of creature are true. Una ay ang mga tikbalang na teachers. Ngayon naman ay pegasus. Seriously?

"Yeah. Because with God, anything is possible." Sabi ni Derek. Biglang bumaba ang mga bibig ko na parang nagmemake face.

Lumabas kami ng dorm at nakitang may anim na pegasus.

"Woaaah." Sabay-sabay na sabi naming anim.

"Pili na kayo." Sabi ni Sir Dave. Pumunta ako sa pegasus na kulay white. She's white as snow. She has this adorable drawing on her neck at malapit sa buntot. Her hair is purple, pink, and blue. Tapos ang laki din ng wings niya na white din.

"I'm gonna name 'you Neana!" Sabi ko sa pegasus ko. Hinug ko pa siya.

Si Bruise naman ay nasa pegasus na kulay pula at may black na buhok. May highlights na red din ang buhok nung pegasus. Kay Sparkle naman ay white na pegasus na may blue na buhok. Kay Heart is 'yung kukay purple at may red and black na buhok. Kay Martin 'yung kulay yellow at may red na buhok with yellow highlights. Kay Derek 'yung kulay blue na may white na buhok.

"Thank you!" Sabi namin kay Sir Dave at Auntie. Ngumiti lang sila at nagpaalam na.

~

Natapos na namin ang Must Be Love kaya nagdesisyon na kaming matulog na. Baka pumunta nanaman sila eh. Akmang pupunta na ako sa kwarto namin ni Dawn ng may humila sa kamay ko. Nilingon ko siya.

"Sumama ka muna sa akin." Sabi ni Rafa. Kumunot naman ang noo ko. Saan ako gustong dalahin nito? Eh hating gabi na kaya. Duh?

"Bakit?" Tanong ko. Pero sa halip na sagutin niya ako, hinila niya ako papunta sa dorm niya. Hindi kaya... stop thinking dirty thoughts, Nicole!

Nagpahila lang ako sa kaniya habang tumitingin sa paligid. Malay mo kasi may nanonood pala sa amin di'ba? I really feel na may nagmamasid sa aming dalawa.

Tumigil kami ng makarating sa dorm niya. Maayos pa rin dito. Walang pinagbago. Wala pa rin siyang kasama dito. Bago niya ako kausapin ay may spell siyang ginawa para maging sound proof ang dorm niya.

"It hurts." Sabi ni Rafa. Kumunot naman ang noo ko. May sugat ba siya? May nangyari kaya?  

***

{END of CHAPTER 27]

(A/N: Thank you for reading. Hope you like it and please leave some vomments! <3)


Good Meets BadWhere stories live. Discover now