59: Magiging Okay Din Ako

2.2K 53 3
                                    

Kurtney's Point of View

After so many years, nandito na siya sa harap ko ngayon. Ang lalaking walang ginawa kundi mahalin ako pero itinaboy ko lang. The pain is spreading over my body. Is it really pain? Or is it guilt?

I'm glad my daughter is being guided and protected by Rafa. Rafa is a good guardian. He knows his limits. Ginagawa niya ang trabaho niya at loyal siya. Isa lang naman ang masama sa pagiging guardian niya. Iyon ay mabilis siyang mainlove.

At ngayong nasa harapan ko na siya, ano nga ba ang dapat kong gawin? Hihingi ba ako ng tulong sa pag-alalay kay Nicole? Magpapasalamat ba ako sa kaniya dahil sa nakaraan? Magpapasalamat ba ako sa kaniya dahil sa pagproprotekta at paggabay kay Nicole? Kakamustahin ko ba siya? Manahimik na lang kaya ako?

Naglakad si Rafa ng kaunting hakbang gamit ang kaniyang malalaking paa papunta kay Nicole. Binuhat nito si Nicole ng pabridal style. Ililipad niya sa Nicole. Pinigilan ko si Rafa at hinawakan sa braso.

I took off my laronian shield at isinuot ito sa leeg ni Nicole. "Please take care of my daughter, Rafa." Sambit ko. Tumango siya. Nilagay ko ang aking palad sa kaniyang ulo at pinagkalooban siya ng enerhiyang kinakailangan niya upang iligtas si Nicole.

Nasaan na ba kasi iyong walang hiyang Zeus na iyon?! Pinapabayaan niya si Nicole! Kung ideath stare ko kaya iyong mokong na iyon?! Argh! Ginigigil ako ng lalaking 'yun ah!

Ngayon naman ay ako ang nanghihina. Dali-dali akong lumabas ng restaurant at nakita si Reena na nakajumpsuit. What is she doing here? Nakasandal siya sa isang poste sa kabilang kalye habang pinapanood ang restaurant na nasusunog habang pinagkakaguluhan ng mga tao.

Binilisan ko ang paglalakad para malapitan siya pero bigla siyang umalis. Bigla siyang nawala. Saan naman kaya pupunta 'yun at bakit siya nandito sa human world? Dapat siya ay nasa Up Above.

Inalis ko sa isip ko ang mga tanong na nasa isip ko.

Lian's Point of View

[Hello? Hello, sir?!] Kumunot ang akin noo. Pamilyar sa akin ang boses ngunit hindi ko maalala kung sino. Unknown number rin ito.

"Sino 'to?"

[Si Demi po, secretary ni Ms. Whitefox! Nandito po kami ngayon sa UST Hospital! Sorry to keep you waiting, sir, pero ngayon ko lang rin po kasi nalaman na sinugod siya sa hospita-]

"Sige, salamat."

Agad akong humakbang palabas ng studio at nagmadaling bumaba. Nilagpasan ko ang mga taong nakasalubong ko at tumakbo papunta sa chevy ko atsaka pumasok. Nagdrive ako ng mabilis papunta sa UST Hospital. Paano naman kaya sila napunta doon? Hindi naman ganoon kalayo ang UST Hospital sa studio pero bakit naman sila nandoon?

Ano kayang nangyari kay Nicole... o Cassandraline? Naaksidente kaya siya? Inatake kaya siya? May sakit kaya siya na hindi lang niya sinasabi? Nag-aalala ako. Ano bang puwedeng mangyari sa kaniya? Sa palagay ko naman ay palagi niyang kasama si Demi pero bakit parang ngayon ay hindi? Anong nangyari? Ayokong mag-alala ng husto pero hindi ko maiwasan. Bumibilis lalo ang pintig ng puso ko sa bawat segundo. Namamawis ako marahil sa kaba. Pasmado na ang mga kamay ko at tarantang taranta na ako.

Binilisan ko lalo ang pagdridrive. Nakailang turn right at turn left na ako. Halos mabangga na ang chevy ko pero wala akong pake. Basta ang importante ay mapuntahan ko siya agad, di'ba? Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin at sabihin ko pagpunta ko sa hospital.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating agad ako sa UST Hospital. Maraming nagkakagulong reporters at camera man kaya tumakbo agad ako papasok para hindi nila ako mapansin.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now