52: Rank 2

2.4K 39 2
                                    

(A/N: I will often use Nicole than Cassandraline or Brex from now on. So please don't get confused when the names are compared to each other. Iba si Cassandraline kay Nicole. Cassandraline is the matured version of Nicole. Iisa pa rin sila. Oki? Oki!)

Nicole's Point of View (Cassandraline Whitefox)

"I'm taking you to a hotel. I'll leave but I'll come back in the morning." Sabi ni Lian habang nagdridrive.

Hindi ko mapigilang mag-isip ng puwedeng mangyari sa hotel. Kanina pa ako pulang pula, buti na lang nakatuon ako pansin niya sa daan kaya hindi niya napapansin. Oh, my God! Hindi ko dapat iniisip 'yung mga ganoong bagay! I'm getting completely insane.

Ang tanging gusto ko lang naman sa party na iyon ay maglasing at mag-enjoy. Hindi 'yung puntahan ako ni Lian at sabihing nagseselos siya at pakainin ako at icheck-in ako sa hotel. Masaya ako. Masaya ako dahil kasama ko ang taong mahal ko at walang hadlang sa gabing ito. Ayaw ko na siyang pakawalan. Kapag pinakawalan ko ulit siya, magsisisi ulit ako.

Hindi nagtagal ay pinark niya ang sasakyan niya sa parking lot ng Chivana Hotels. Pinagbuksan ulit niya ako ng pinto. Kita ko sa mata niya ang pagod at saya ng makita ko ulit ang mukha niya. Mapupungay ang kaniyang mga mata at may makapal na pilik-mata. Sobrang perfect tingnan ng mukha niya. Chineck-in niya ako sa isa sa mga exclusive na kwarto.

"Paki-private na lang ng details. Salamat." Sabi ni Lian at umalis na para pumunta sa hotel room.

"Wait, do you want me to... bring you comfortable clothes?" Tanong niya. Umiling ako.

Buti na lang may toiletry ako palagi sa pouch tulad ng toothbrush at toothpaste. Nag punta ako sa CR para mag-toothbrush. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko, kanina pa naghuhuromentado ang sistema ko. Kanina pa tibok ng tibok ng mabilis ang puso ko. As if may mangyari sa amin. Wala atang lust sa katawan 'yun eh.

Pagkatapos kong magtoothbrush ay binalik ko ito sa pouch ko. Nakita ko si Lian sa kama na topless at nagce-cellphone. Bigla akong namutla. Ano ba, Lord? Huwag mo naman akong itempt. Dahil pa rin ba ito sa alak o ako lang talaga ito?

Hinubad ko ang high heels ko at naka-paang naglakad papunta sa kama. Jusko. Bakit siya topless?! Akala ko ba aalis din siya agad?!

"Aalis ka pa?" Tanong ko. Nag-angat agad siya ng tingin sa akin.

"Baka hindi na. Gusto ko sulitin 'yung oras na kasama ka eh." Honest niyang sagot atsaka binaba ang cellphone. Bigla naman akong namula.

Nahihiya akong umupo sa kama at dahan-dahang tinaas ang paa ko atsaka humiga. Halaaaa. Kinakabahan talaga ako. Biglang tumunog ang cellphone ni Lian kaya binaling niya muna ang tingin doon habang nakaharap sa akin.

"Sino?" Tanong ko. Pinatay niya ang cellphone at tiningnan ulit ako.

"Si Alexna." Sagot niya.

Bakit naman magtetext si Alexna gayong dapat alam niyang matutulog na si Lian? Bakit naan siya magtetext? Emergency ba? Dammit. I can't avoid this abusive jealousy everytime I see them together.

"Bakit daw?" Tanong ko. Naglaro ang mga ngisi sa labi ni Lian. What's with him?

"Asking what's better, floral or aztec." Sabi niya. Jusko, hating gabi na, magtetext lang para doon. Gusto ko siyang putulan ng paa. Akin si Lian, akin! "You jealous?" Tanong niya.

Nagulat naman ako sa tanong niya. Nanlaki ang mata ko at agad akong namula. Umiling ako as a sign of 'no'. Hindi ko namalayan sa sobrang kaba na kanina ko pa nararamdaman ay kagat ko na ang lower lip ko.

"I think you are." He said and leaned forward to me. Halos mahiga na ako dahil sa kaniya. He kissed my lips. Marahan niya itong hinahalikan habang hinahalikan ko siya pabalik. Mas hinalikan niya pa ako ng malalim. Ganoon lang kami ng ilang minuto ng tumigil siya. Nakangiti siya sa akin habang lutang pa rin ako. Tiningnan niya ang mga braso ko.

Good Meets BadDonde viven las historias. Descúbrelo ahora