49: Shouldn't Be and Will Not Be

2.3K 43 4
                                    

Lian's Point of View

Nabalik ako sa realidad ng marinig ang foot steps ni Wilma at paglagay ng isang folder sa table ko. Tiningnan ko siya.

"Papers of your business proposal to Fashion Science, sir." Sabi niya. Umalis naman siya kaagad pagkatapos.

Kanina pa ako nagtataka kung bakit wala pa si Alexna. Pati sa condo ko, hindi siya pumunta. Actually, I'm so damn worried. I'm not used to this, na hindi niya ako pinapuntahan sa condo ko para pakainin ako, ligpitin ang mga kalat ko sa condo, at para sabay kaming pumunta sa White.

Binuksan ko ang folder at halos mapatalon ako sa saya ng makita ang pirma ni Nicole este ni Cassandraline! I have to tell this to Alexna, too bad she's not here.

Naisip kong magschedule ng party sa building dahil dito. Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Ms. Whitefox. Kinuha ko kasi sa kaniya nung isang araw ang number niya.

Well, I can't deny na hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa nangyari. She changed so much. But she's better now. Nagbalik siya and I didn't know what to do. I was damn stupid for offering her my friendship. Mukha naman nakamove on na siya sa akin, matagal na. Ako na lang yata ang hindi kaya gagawin ko ang lahat para lang makalimot. If that's what will make her happy.

To: Ms. Whitefox

We should celebrate tomorrow at my building. :)

Agad itong nagread at nagreply.

From: Ms. Whitefox

Sure.

Kumalabog ang puso ko sa saya nung sumang-ayon siya. Why did I even invite her kung dapat ang White lang ang magcecelebrate? What a stupid move, Lian. You're just making it harder for you to move on.

I decided to be more matured with my thoughts. I don't want to cry because of overthinking again. Ang nakatatak lang sa isip ko ay forgive and forget. Hindi mo mapapatawad ang isang tao kung hindi mo muna kalilimutan ang mga nagawa niya. At hindi ka makakalimot kung hindi ka magpapatawad.

Nakarinig ako ng foot steps at pagbukas ng pinto ng office ko kaya inangat ko ang tingin ko mula sa pagkakatingin ko sa cellphone ko. Tumikhim ako ng makitang si Alexna pala iyon. Iba ang itsura niya ngayon. Naka-matte red halter top siya at high waist na pants na loose sa baba. May maliit na bun sa ulo niya sa gitna at ang ibang buhok niya ay nakalugay at kulot.

"I'm sorry I'm late." Sabi niya. Tumikhim ulit ako at humilig sa upuan ko habang minamasahe ang sentido ko. May kinukuha siya mula sa bag niya at hindi ko alam kung ano iyon. Nakalagay ang bag niya sa sofa sa office ko at doon niya ito kinakalkal.

"You made me so damn worried, Alexna." Natigilan siya sa ginagawa niya ng sabihin ko iyon. Tinitigan ko lang siya ng tingnan niya rin ako. Nag-iwas rin siya agad ng tingin.

"Ah, eh, kasi ano, umuwi na si Ate galing London, hindi niya ako pinaalis agad dahil gusto niya akong ayusan. Hindi ko naman siya natanggihan dahil namiss ko siya." Pagpapaliwanag niya. Tumango na lang ako. Lumapit siya sa akin dala ang isang tupperware.

"I baked cookies for you." Sabi niya at nilapag ang tupperware sa table ko. Ngumisi siya sa akin at nginitian ko rin siya ng matipid. "Go on, try it!" Dagdag niya.

Binuksan ko ang tupperware at kumuha ng isa atsaka kumagat. She really is a good chef or a baker. She's good at both. I really like her carbonara, beef steak, and cookies. Nanlaki ang mata ko ng matikman ito. This is tastier than the last time.

"What do you think?" Excited niyang tanong. Sinubo kong buo ang isang cookie at napatawa naman siya pero nginisian ko lang siya.

"Damn good." Sabi ko. Binatukan niya naman ako habang tumatawa.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now