38: Buhay na Puno ng Problema

3.2K 57 0
                                    

Third Person's Point of View

Lian transformed into a demon. Nasira ang tux at glasses na suot niya. Pants na lang ang suot niya ngayon. Leaving him topless with his 6-pack abs. Unti-unti siyang nagiging pula at tumutubo ang malalaki niyang sungay. Nag-iba ang kulay ng mata niya. Humaba ang mga kuko niya. He was surrounded by purple and blue flames.

Hindi kinaya ng lahat ang atmosphere sa buong lugar kaya nagsitakbuhan sila paalis bago pa sila mamatay. Kahit anong kapangyarihan na galing sa isang dark creature o demon ay puwedeng magpahina sa light creatures o angels and vice versa. Kahit nga ay presensya lamang ng isa't isa.

Nanghihina si Nicole kaya naman gumawa ng invisible shield si Lian para kay Nicole at Rafa na light creatures.

"Umalis na kayo." Sabi ni Lian.

"A-ayoko..." Sabi ni Nicole.

Tumingin silang tatlo sa babae. Nakapokerface lamang ito at nakatingin sa kanila.

"Sumama ka na sa akin, Lian. Matagal na kitang hinahanap." Sabi ng babae.

"Sino ka ba?!" Sigaw ni Lian. Umalingawngaw ang boses niya sa buong auditorium. Umakyat ang babae sa stage kung nasaan si Lian, Rafa, at Nicole.

"Siya si... Blizzard." Sabi ni Nicole. Napatingin ang babae kay Nicole at napangiti ito ng malaki.

"Hi Nicole! Long time no see. Missed me?" Nanlaki ang mata ni Nicole at napaatras sa nakita niya. Isang babaeng may pulang buhok at itim ng bestida na napapaligiran ng itim na usok.

"Oh, who's that hot guy beside you? Pwedeng akin na lang siya? Bigay mo na siya sa akin. Tutal, noon pa lang naman, wala ka ng itinira sa akin." Tiningnan ni Nicole ang katabi niyang si Rafa na masama ang tingin sa babae.

"D-Dana, p-paanong..."

"Paano ano?" Sabi ng babae.

"Paano ka nabuhay ulit?" Lumapit si Nicole sa kaniya. "Miss na miss na kita." Dagdag ni Nicole. Ngumiti naman si Dana at niyakap siya.

"Namiss din kita. Pero paghihiganti ang ipinunta ko dito."

Lian's Point of View

The ground was suddenly sliced into two. I didn't know what to do. Naghiwalay ang nahating sahig. And it revealed hell. Kung saan maraming umiiyak at sumisigaw ng mga taong pinarusahan at unti-unting nagiging demonyo. Kung saan may sunog na gustong gusto ko 'yung amoy at init.

Parang kanina lang, the whole place was cheering and shouting, pero ngayon, apat na lang kami. Me, Rafa, Nicole, and Dana Blizzard. I don't know her but I am pretty sure she's a demon.

"Bakit mo ako hinahanap?" Mahinahon kong tanong kay Dana Blizzard.

"So I could kill you!" Sabi nito. I wasn't shocked. I know everyone wants to kill me.

Lumutang siya sa ere at sinugod ako. Ang buong akala ko ay sasakalin niya ako o papatayin pero nagkakamai ako. She stopped nung isang inch na lang ang pagitan namin. She looked at my eyes ng biglang sumakit ulo ko.

So this is her ability?

Nagcast ako ng spell para may invisible barrier ang humarang sa aming dalawa pero she still managed to destroy it. Shit, I can feel her strength. Tiningnan niya si Nicole sa mata ng biglang napahiga ito sa sakit. Lalapitan ko na sana siya ng mapansing nandoon si Rafa.

Bakit ba kasi niya ako gustong patayin? Alam kong maraming galit sa akin na demonyo pero bakit? Gusto kong malaman ang dahilan bakit niya ako gustong patayin.

Hindi kaya, wala lang siyanh masabi at may nag-utos lang sa kaniya? Sinabi lang niya para matakot ako?

Sinugod ko si Dana. Magcacast na sana ako ng spell sa kaniya pero naunahan niya ako.

Good Meets BadWhere stories live. Discover now