"Fine!" Narinig ko siyang may minamaktol pero hindi ko masyadong marinig ang kabilang linya. Pagkatapos noon ay bigla na lang namatay ang tawag.


Hindi ko mapigilang mapamura sa tuwing naaalala ko ang ganitong pangyayari. Ganoon naman talaga, e. Pagdating sa kanya, madali akong maapektuhan kahit sa simpleng bagay lang. Sa simple niyang pagpapaalam, pakiramdam ko asawa na ang turing niya sa akin. Damn! Nababakla na ako sa sobrang kilig.

Lumipas ang ilang buwan, mas naging malapit kami sa isa't-isa. Bawat buwan, nagpupunta kami sa isang resort sa Sto. Domingo. Tuwing may klase naman, nagkikita kami sa cafeteria o sa garden. Hatid-sundo ko rin siya sa kanilang bahay. That's when I met her mother and father. Her mother was a beautiful housewife and her father was an engineer and a businessman. Natakot ako noong una pero nilakasan ko ang loob ko at nagpakilalang manliligaw ni Chandria.


"Minsan ka nang nabanggit ni Chandria sa akin." Tumikhim ito. "Your course is Engineering, tama ba?"

"Yes po."

"We have the same interest. I must admit...pasado ka na sa akin," sagot niya at nagawa pang ngumisi. "Alagaan mo ang anak ko, future Engr. Ford."

That was one of the best days ever. Gusto ko na lang noong magsisigaw sa tuwa. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa leeg. Hindi ko inakalang matatanggap ako ng kanyang mga magulang agad. They even allowed me to call them 'Tita' and 'Tito'. That was a actually a sign of progress for me.

Ilang araw matapos ang pagkikita namin ni Tito George, nagkaroon ng family gathering sa bahay. Isinama ko si Chandria at ipinakilala sa buong pamilya. Tanda ko pa, pulang-pula siya noon habang ipinupulupot ko ang aking braso sa kanyang beywang.

They were all amused, especially my Lolo. She was the first woman I introduced to them. That night, everyone's attention was directed to her. We were all seated in a long table. Mom and Dad asked several questions about her family background and Chandria was obliged to answer it all with a bit of pride in her voice. Despite Chandria's sarcasm and attitude, they seemed to like her, too.

Pagkatapos ng gabing iyon, naging madalas na ang pagbisita ni Chandria sa bahay. Nagpapaturo siya kay Mama ng pagbe-bake. Minsan nama'y nakikipagkuwentuhan siya kay Papa. Masaya naman akong makita siya na nakikipaghalubilo sa mga magulang ko, pero may pagkakataon talagang nagseselos ako. Kapag nasa bahay kasi siya, hindi niya na ako napapansin. Nawawalan siya ng oras para sa 'kin. Hindi naman sa demanding akong pagkalalaki. Nakakainis lang kasi talagang isipin.

Nagdaan ang ilang buwan, patuloy pa rin ako sa panliligaw at dumadalas na talaga ang pagpunta niya sa bahay namin. Lalo silang nagkalapit ng mga magulang ko't itinuturing na siyang anak.

Nagbago lamang iyon nang mangyari ang aksidenteng hindi namin inaasahan. Kasabay ng libing ng Mama ni Chandria, nabalitaan ko ring nasangkot sa disgrasya si Papa at si Chandria. Hindi ako nakapunta agad sa pinangyarihan sapagkat iyong araw ding iyon ay ang Licensure Examination ko. Huli na nang dumating ako. Todo ang pag-iyak ni Mama habang sinasabing wala na si Papa. Awang-awa ako sa aking ina noon. Hindi na muling makukumpleto ang aming pamilya.


Hindi ko na nagawang kumustahin si Chandria. Ang alam ko lang ay na-comatose siya. Nangibabaw ang galit ko noon sa kanya nang sumagi sa aking isip na siya ang dahilan ng pagkamatay ni Papa. Dala ng sama ng loob, sinisi ko siya at tinatak sa aking sariling isipan na si Chandria ay kabit ng aking Papa.

Doon ako nagkamali. Humusga ako agad. Hindi ko inalam kung ano talaga ang nangyari. Nabulag ako sa galit. Nasaktan ko siya. Hinusgahan. Pinahiya. I needed to hurt her so she could pay the price of ruining my family.

The Bitchesa's Downfallजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें