"Nandito rin si Kuya mo." Itinuro niya si Daniel kahit na alam niyang nakita na ito ni Aliyah.

"Alam ko po..." Humalukipkip ito at lumabi. "Pero ayoko sa kanya, ate. One week na niya akong palaging pinapagalitan. Wala naman akong kasalanan sa kanya."

"Dan..." Chandria uttered with warning. "It's not right to just scold your sister when you're not in the mood."

"Fine. Hindi ko na uulitin." Nag-iwas ito ng tingin. "Aawayin mo din ba ako kapag pinagalitan ko ang mga anak natin?"

Napaawang ang labi ni Chandria at mabilis na umakyat ang dugo sa kanyang pisngi. Hearing that question from Daniel made her shiver in heat. It was unexpected and... sexy.

"W-what kind of question is that?" Her cheeks still flushed.

Tumikhim si Daniel. "Wala. Don't mind it." Inirapan siya nito bago bumaling kay Aliyah. "Come here, baby. Pupunta na tayo sa hospital para mapatingnan ka sa doktor."

"Ayoko..." Marahang umiling ang kapatid. "Ayokong sumama sayo, Kuya. Papagalitan mo lang naman ako palagi."

Napakamot si Daniel sa sarili nitong batok. Mukha itong nagpipigil. "Huwag ng matigas ang ulo, please."

Napangiti si Chandria nang marinig ang lambing sa boses ni Daniel. Hindi na siya sumabat at pinagmasdan na lamang ang dalawa. Sorry at ayoko ang paulit-ulit niyang naririnig. Matagal bago nito nakumbinsi si Aliyah ngunit sa huli ay sumama na rin si ito sa hospital.

Napag-alaman nilang may flu si Aliyah. Kunot ang noo ni Daniel sa buong durasyon ng check-up at pag-uusap nito kasama ang doktor. The expression on his face made him look so concern. He looked real sexy as he focused on to every word the physician has uttered.

"Kuya... Ayokong mag-stay sa hospital." Sumiksik si Aliyah  sa braso ni Daniel habang umiiwas ng tingin sa doktor. Namumutla pa rin ito. "Pwede naman akong magpagaling sa room ko, diba?"

Napa-iling ang doktor sa narinig. "Iha, mas matututukan ka dito. Maraming mababait na nurses ang magbabantay sa'yo."

Lumabi si Aliyah at sinabing, "Ate Chandria can take care of me naman po." Namungay ang mata ng bata nang tumingin ito sa gawi niya. "Diba, ate?"

Naiintindihan niya ang kagustuhan ni Aliyah kaya marahan siyang tumango. Lumandas ang disgusto sa mukha ni Daniel ngunit agad iyong nawala nang ngitian niya ito. Hindi naman namilit ang doktor na ipa-admit si Aliyah kaya nakaalis rin sila agad sa hospital.

Sumama si Aliyah  kay Daniel sa kotse. Si Chandria naman ang bumili ng mga gamot na nireseta ng doktor sa isang pharmacy. Umuwi muna siya sa kanyang bahay upang kumuha ng sarili niyang damit. Hindi siya nagtagal doon at mabilis ring pumanhik sa bahay ng magkapatid. Mabilis ang pagmaneho niya sa sariling kotse kaya ilang minuto lang ay narating na niya ito.

Tahimik ang sala nang pumasok si Chandria sa bahay ng binata. Bitbit ang bag na naglalaman ng kanyang damit at gamot, lakad-takbo niyang tinungo ang kwarto ni Aliyah sa ikalawang palapag.

Nakabukas ang pinto nito kaya mabilis siyang pumasok. Nabungaran niya si Aliyah na nakahiga sa kama. Nakapikit ito habang paulit-ulit na nagbibilang ng one, two, three. Dumilat ang mata ng bata nang tumunog ang heels ni Chandria sa bawat hakbang niya palapit sa kama.

Nagliwanag ang mukha ni Aliyah. "Ate Chandria, you're here! Akala ko, you lied to me kanina. Hindi ka agad sumunod, e."

"May kinuha lang ako sa bahay." Pinakita niya ang kanyang bag at inilapag ito sa bedside table. "Magbihis ka muna ng uniform mo. Pinagpapawisan ka na, e."

Dahan-dahang tumango si Aliyah. Nagpumilit itong bumangon ngunit pinagbawalan ni Chandria ang bata. Siya na mismo ang kumuha ng pajamas sa closet. Habang inaalalayang magbihis si Aliyah, panay naman ang pagtatanong nito.

"Ate, bakit ka magaling mag-alaga ng bata na may fever?"

A laugh escaped on Chandria's mouth as she uttered, "Am I?" It's actually her first time to take care of someone sick.

Tumango si Aliyah habang binubutones niya ang upper pajama nito. "I want to be like you talaga po. Kasi minsan mataray ka at minsan mabait naman. And bagay na bagay po sa iyo ang white."

She flipped her hair sideways and grinned. "Mas gumanda talaga ako ngayon." Mapakla siyang tumawa, "Pero seryoso, Aliyah, huwag mo akong gayahin. Bad akong tao."

Sumimangot si Aliyah at umiling-iling. "Kung bad ka po, bakit sabi ni Kuya, gusto ka daw niyang kasama palagi?"

Namuo ang bukol sa kanyang lalamunan habang inaalalayan niya ang bata sa paghiga. "Y-your brother might be joking when he said that."

"I am not."

Chandria's knees seemed to melt when she heard Daniel's voice from behind. She slowly turned around with her lips half-parted. She heard Aliyah's soft giggle on her back. A lump suddenly formed on her throat. He was leaning against the door frame with his arms crossed and his hypnotizing coal black eyes were buried on her.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya bago umiwas ng tingin. "Bantayan mo na muna si Aliyah. Ipagtitimpla ko lang siya ng gatas."

Tumango lamang si Daniel at lumapit na kay Aliyah. Si Chandria naman ay mabilis na umalis sa silid at bumaba na sa unang palapag. Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ni Chandria nang pumasok siya sa malinis at organisadong kusina ni Daniel.

Napasinghap si Chandria sa gulat nang biglang sumulpot ang binata sa kanyang tabi habang nagtitimpla siya ng gatas. Seryoso ang mukha nito.

"Patikim," simpleng wika nito at mabilis na lumagok sa baso.

Napairap si Chandria nang makitang nangalahati na lamang ang kanyang tinimpla para kay Aliyah. Hindi niya mapigilang sapakin ang braso ni Daniel.

"Stupid! Bakit ka uminom? Para sa kapatid mo iyong gatas!"

"I just want a taste of your..." Bumaba ang tingin ni Daniel sa laylayan ng kanyang dress, "...milk."

Pinamulahan si Chandria sa naging galaw ni Daniel. Iba ang dating nito sa kanya. It sent dark thoughts in her mind. And she can't help but reminisce the first night that he had a taste of her.

"Don't give me that look, Chandria. I know what you're thinking," seryosong sambit ni Daniel at pinitik ang kanyang noo.

Sinamaan niya ito ng tingin ngunit nagkibit-balikat lamang ang binata. Napasinghap si Chandria nang bigla siyang kinulong ni Daniel sa isang yakap. Bahagya niyang tinulak ang binata upang makawala ngunit lalo lamang humigpit ang yapos nito. Wala siyang nagawa kundi ang manatili sa bisig ni Daniel. Pinakiramdaman niya ang malakas na tibok ng puso nito na sumasabay sa kanya.

Lalong nagkagulo ang mga paru-paro sa kanyang tiyan nang siniksik ni Daniel ang noo nito sa kanyang leeg. Narinig niya itong tumikhim at bumulong, "I love you so bad, my Chandria, and I'm sorry for all the wrong things I've thought of you. I really am."













The Bitchesa's DownfallWhere stories live. Discover now