Another Chance To Bond

0 0 0

GRACIELLE TUNDANGAN POV

Buwan ng Pebrero 2018. Sumapit na naman ang araw ng mga puso, sumakatuwid ay ang araw ng pag-iibigan ng lalaki at babae. Sa isang kalsada na malapit sa campus ay may dumadagsa ang mga kababaihan na bumili ng mga rosas sa isang babae na nagtitinda ng iba't-ibang uri ng bulaklak na dinadala niya nito sa timba. Ang layunin ng nabili nilang rosas ay ireregalo lamang ang napagkatiwalaan nilang propesor dahil hindi lamang na mabait siya kundi sa kagalingan ng pagtuturo at mabuting katapatan sa mga mag-aaral.

Sa aking palagay naman na habang minsan lang akong nakikita roon habang abalang-abala akong naglalakad patungo sa susunod na pagpasok ko ng iba't-ibang subjects sa iba't-ibang classrooms ay tila wala akong ganang makipagkumusta ng ilang kalalakihan para umibig nang minsan, lalung-lalo na si Jomart. Ang kasabihan noon, mahirap talaga imibig nang tapat kung hindi nila nalalaman ang nararapat na pagmamalasakit at paggalang sa isa't-isa.

Dalawang buwan na lumipas nang si Jomart ay sinusuway sa daddy ko habang sumapit ang Noche-buena. Matagal ko nang hindi pa makapagbigay-alam ang pangyayari ng buhay ngayon si Jomart hindi lamang sa sariling abala niya kundi sa mapag-ibsan lang ang pangingimi at pag-aalangan. Subalit mananatiling matatag ang kalooban namin kahit na ganito lang ang kinahihinatnan ang pananaw at gawi ng daddy ko.

*************************

Pagsapit ng alas-dos ng hapon, nang umuwi na ako sa mala-mansyon na bahay namin dahil nag-half day lamang ang campus class ngayon, nag-enter ako ng mobile contact number ng daddy ko sa smartphone ko para tumawag sa kanya, subalit sa ilang ulit nang maipadala ang tawag ko ay hindi pa ring sumasagot.

Kaya nagpasya akong pumunta sa sementeryo para makadalaw ang labi ng mommy ko. Bandang ala-singko ng hapon, nang nakarating na ako roon ay nakita kong dumadalaw din ng daddy ko sa kinaroonan nito.

Kaya nilapitan ko siya nang kaunti at nang sabay na kaming makita sa lapida nito na napaligiran ang mga damuhan, ay sinabi ng daddy ko sa akin, "Inaamin ko na para nga bang pinipigil kita sa madalas na pagkikita mo kay Jomart na baka magligawan kayo na wala sa wastong landas ninyo. Bagamat hindi kita pagbabawalan sa tapat na pagkakaibigan ninyo sa isa't-isa, inaamin ko rin na noong kabataan pa ako ay kusa akong natutong gumabay sa sinuman na maituwid ang pag-uugali nila, kagaya nang ginagabayan ng magulang ko sa akin sa panahon na nililigawan ko ang mommy mo."

"Tanggap ko na po 'yon, dad," ang sabi ko, "kasi bukas talaga ako para malaman kung gaano mo po talaga katotoo ang pagmamalasakit sa akin. Sana naman ay patawarin mo po si Jomart, kasi kung minsan mo pong kinukunsinti sa kanya, maiinis talaga siya sa 'yo."

"Huwag kang mag-alala, anak," ang sabi niya, "lulunasin ko muna sa sarili ko nang dahil sa pagkakamali ko nito, na baka mag-aalala ng mommy mo sa akin. Alam mo naman na miss na miss talaga siya sa 'yo at sa akin." At biglang lumuluha ang kanyang mga mata.

*************************

Ilang linggo nang lumipas, nang muli akong makahanap at magkita si Jomart sa isang liwasan kung saan kami nagkita rito para magkita ang daddy ko sa isang bench, pumayag naman siya na gano'n din ang mangyayari nito para mapatawad nang tuluyan. 'Di niya matiyak kung ano ang pagbabago na gagawin ng daddy ko sa kanya, at ako rin ay nagugulumihanan.

Sa kabila na para nga bang nahihinaan ang aming loob ay naghihinay lamang kaming maglakad patungo sa kinaroonan ng isang bench na kung saan umupo ang daddy ko. Nang nakarating na kami roon ay marahan na kaming umupo sa kanang bahagi samantalang siya ay nasa kaliwa.

"Unang-una," ang pasimulang sabi ng daddy ko, "nais ko lang na patawarin na lang sa palaging nakikisalamuha sa pag-iibigan ninyo na wala pa sa wastong gulang ninyo. Tao lamang ako, dahil sa tagal na nakasanayan ko bilang isang tanyag na psychologist, ang layunin ko lang ay maging tapat na paggabay sa inyo, kaya h'wag ninyong pagbabalewala sa akin, lalung-lalo na sa ibang mabuting paalala sa inyo."

"Naiintindihan ko talaga sa ganitong bagay, doc Tundangan," ang sabi no Jomart, "pero paano po talaga na maituwid ang pakikisama natin?"

"Sa palagay ko," ang sagot ni Dr. Tundangan, "isipin lang natin na sumunod na lang ang tama, ako, ikaw, at sa lahat-lahat. Tayo ay may responsibilidad, at hindi pwedeng pairalin ang anumang pagkakamali at pagkukulang kung wala ang mabuting paggabay sa atin. At ako naman ay pinagtuunan ko na lang ang anumang hamon na maituwid ang landas ko ngayon na kagaya ng nasimulan ko ang pangakong maging matapat sa pagsunod ng tama na ginagabayan ng magulang ko at sa mga ilang mabubuting payo ng mga nakatatanda. Siguro, wala na akong maidagdag pang sasabihin ko sa 'yo kundi kailangang na harapin ang pakikisama natin sa isa't-isa, dahil maituturin kong parang mabuting anak ko sa inyo."

"Pero bakit sinabi mo nang ganito sa akin, kahit na hindi talaga ako kadugo sa 'yo?" ang usisa ni Jomart.

"Hindi mahalaga sa akin kung may sapat na pagkakatiwala sa pagkatao ninyo," ang sagot ni Dr. Tundangan. "Pero h'wag kayong mabalewala ang mahalagang pangangailangan sa inyo, dahil batang-bata pa kayo kung may balak kayong mapangaasawa nang maaga. O siya, subukan n'yo muli na ipinagawa ko ang 'eye-to-eye contact' na pakikipagrelasyon n'yo."

"Na naman?!" ako at si Jomart ay sabay kaming masabi sa daddy ko.

"Sige na naman," ang sabi ng daddy ko sa amin, "ang layunin ko lang ay kailangan ninyong ituwid ang pakikisama ninyo kahit na hintayin n'yo pa sa takdang gulang ng pagliligawan sa isa't-isa."

"Sige na nga po," ang sabi ko, "basta masusunod ang pakay mo sa amin."

Kaya lumipat na ako sa kanan na kinauupuan namin sa bench habang si Jomart ay nasa kabila na at ang daddy ko ay nananatili sa gitna.

"Kagaya ng dati," ang sabi ng daddy ko sa amin, "habang magharapan kayo ay isipin n'yo lang na parang nag-uusap kayo na hindi ibinuka ang bibig n'yo. Nasa sa inyo ang sariling saloobin ngayon, dahil sa palagay ko ay pansamantala muna kayong lumayo sa pagkikita ninyo nang dahil sa mas-importanteng obligasyon sa araw-araw."

At nagsimula kaming mag-eye-to-eye contact sa ikalawang pagkakataon:

**START QUOTE ON THINKING CONVERSATION**

AKO (nag-iisip): Sa palagay ko, kahit mahal pa rin kita, gusto natin sanang pansamantalang 'di tayo magkikita araw-araw, kasi marami pang obligasyon ang tatahakin natin.

JOMART (nag-iisip): Kahit mahal pa rin kita hanggang ngayon, sa palagay ko pansamantala muna tayong 'di magkikita, kasi naiintindihan ko talaga ang saloobin ng daddy mo.

AKO (nag-iisip): Kaya ba natin na magtiis at maghintay sa takdang panahon? Baka madudurog nang tuluyan ang puso ko 'pag iniwan mo na ako.

JOMART (nag-iisip): Sana kayanin mong magtiis at maghintay, basta kailangan mo ring pahalagahan ang pangarap mo, nang sa gano'n ay matutuwa ang daddy mo.

AKO (nag-iisip): Pero ikaw, matatag ka pa rin. Sana maging totoo ang katapatan mo sa akin.

JOMART (nag-iisip): Kahit kailan, hindi kita malilimutan. At sana malalagpasan ang pagsubok na haharapin natin.

** END QUOTE ON THINKING CONVERSATION **

Wala na kaming maisipan pang masabi sa isip namin habang ilang minuto pa kaming tumitig sa isa't-isa, dahil sapat na ang pagmamalasakit namin.

"O siya," ang sabi ng daddy ko nang ang kanyang dalawang braso ay nagkayakap sa balikat namin, "dahil nalalaman ko talaga ang saloobin ninyo simula sa araw na ito ay tuloy pa rin ang pagsasama ninyo sa araw-araw."

"Talaga po?" ang sabi ko.

"Oo anak," ang sagot ng daddy ko, "payag na akong makasama mo siya kahit wala ako sa inyo. Pero huwag kayong kalimutan ang priorities ninyo bago kayo mag-asawa sa takdang panahon."

"Promise po, doc Tundangan," ang sabi ni Jomart, "maging matino ako talaga sa pagkakaibigan sa kanya."

At tuluyang nagkatuwaan kami sa mabuting pakikisama sa pagitan ng boyfriend ko at ang mag-ama namin dahil nalalaman namin ang ukol sa pagkakatotoo ng pagkatao namin. Bago kaming nagpaalam sa isa't-isa ay nakikipagsayaw pa kaming mag-ama at sa boyfriend ko habang pinatugtog ko pa sa cellphone ko ang Sugar ng bandang Maroon 5, dahil paborito pa rin ang daddy ko hanggang ngayon.

Mahaba pa ang paglakbay ng tamang landas na tatahakin sa mga kabataan na tulad ko at sa boyfriend ko kung masusunod pa rin ang payo at gabay ng magulang nila, dahil sila ang pangunahing bahagi ng mabuting pakikisama at pagmamahal sa kanila alang-alang sa kinabukasan nila.

* * * * E N D * * * *

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!