Jomart's And Gracielle's Question About Eye To Eye Contact Affair Task

84 0 0

JOMART BERNARDINO SIDE STORY

Tila biglang tumatak ang pag-alaala ko nang nagkita ako ng mag-aamang si Dr. Bernardo Tundangan at ang girlfriend kong si Gracielle sa Luneta Park mga bandang Sabado ng hapon noon. Sa halip na mag-bonding na kaming dalawa sa naturang liwasan, isang pambihirang task na galing mismo ng tatay ni Gracielle ang sumunod ang bilin niya sa amin. Ang layunin niya sa amin ay sa pamamagitan ng pagtingin namin sa isa't-isa at mag-isip na sarili naming sabi bilang pagpuna ang aming saloobin habang nakaupo kami sa isang bench. Minsan may konting inis ang iniisip at nararamdaman namin na hindi ko matiyak kung may saysay nga ba o pawang kalokohan talaga. Bagamat hindi pa rin mabibitiw ang aming pagkakaibigan nang kami'y nagkakilala noong first year high school, at patuloy pa rin ang pagtitiyaga naming mag-aral, hindi pa rin mawawala ang pagmamahal at respeto ng aking mga magulang at ang tatay ng girlfriend ko.

Nang sumunod ng ilang gabi pagkatapos ng takdang class hours, umupo ako sa mataas na upuan at mesa na malapit sa food serving counter sa isang fastfood chain stall. Nang hinawakan ko ang isang boteng plastik na softdrink habang lumalalim ang isip ko sa nagdaang araw nang nagkita kami ng mag-aama, at uminom pa ako nito nang konti, biglang dumating ang kaklase naming mga lalake.

"Oy Jomart!" ang sabi ni Darren.

"Oy, parang natulala ka yata, ah," ang sabi ni Mario.

"Baka may selos ka sa pagsasama ng girlfriend mo," ang sabi ni Kenneth.

"Wala nga akong selos sa kanya," ang bulalas na sabi ko sa kanila, "pero na-badtrip lang ako sa pagkikita ng pagsasama ng mag-aama ng girlfriend ko."

"Eh ano nga ba nangyari sa pagkikita ninyo?" ang sabi ni Kenneth.

"Nang nakaupo kami sa isang bench sa Luneta," ang sabi ko sa kanila, "'yung tatay ng girlfriend ko, ipinagbilin niya sa amin na gawing mata-sa-mata ang pagtutok na dumidistansya sa young love affair namin."

"Eh ano kaya 'yung namamalayan ninyo nang gano'n?" ang sabi ni Mario.

"Minsan nainis kami nang konti," ang sagot ko, "para nga bang naiwasan kami dahil sa palagay ko hindi pa handa magmahal nang seryoso, pero sa totoo lang magkaibigan kami."

"At (pagka)tapos natuloy na kayo mamasyal nang gano'n?" ang sabi ni Kenneth.

"Oo naman," ang sagot ko sa kanila, "kaya tiniis ko na lang makisama ng tatay ng girlfriend ko na para nga bang mahilig makisalamuha sa amin. Mabait naman daw siya, eh kaso strikto siya."

"Pambihira talaga 'yung diskarte ng tatay ng girlfriend mo," ang sabi ni Darren habang inubos ko ang iniinom kong plastic bottle na softdrink, "kung ang parents natin masyado talaga strikto sa totoo lang, 'yung daddy ng girlfriend mo naman para nga bang ini-analyze 'yung kinikilos mo bago siya mahusgahan kung gusto niya talaga sa 'yo o hindi para matuloy makisama ng girlfriend mo."

"Tama ka Darren," ang sabi ko, "psychologist talaga ang trabaho ng daddy niya. At kahit nirespeto ko sa kanya, kailangan lang ako maging maingat sa pagsasama ko sa kanya. Mahirap talagang pumayag na makaligaw ng girlfriend ko nang wala sa lugar."

At habang ang kasamahan kong lalaki ay nag-order ng hamburger at softdrinks, ipinagpatuloy ang bilin ko sa kanila dahil malapit na ang first quarter exams. 

"Hindi ba kailangan na lang natin ngayon na maitupag na mag-review sa exams sa Math at ibang subjects sa susunod na dalawang araw?" ang sabi ko.

"Oo nga no?" ang sambit ni Mario. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanilang kasama, "Ba't 'di tayo naalala na kailangan tayo mag-review? 'Di kasi ipinaalam niya sa atin nang maaga, kaya nahuhuli na tayo. Sayang talaga ang gimik natin."

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!