Introduction

270 0 0

'Di ba ang magulang natin hinigpitan nila tayo na iwasan muna tayong manligaw sa isa't-isa bilang kapwa teenager dahil ang priority natin ay mag-aral? Generation after generation dito sa Pilipinas, gano'n talaga noong sinaunang panahon ng Kastila hanggang sa pag-usbong ng pop culture na bandang '70s, '80s, '90s, year 2000s hanggang sa uso ang Facebook, Twitter, Instagram, at iba pang social media sa Internet sa kasalukuyan dahil malapit na raw ang Futuristic Age. Hmm, ang bilis ang panahon, 'di ba? Alam mo ba kung bakit? Ang pangamba nila, baka magkakaroon ng maagang pagbubuntis ang mga teenage girls ngayon nang dahil sa mga manunuksong teenage boys, dahil hindi nila nalalaman ang ukol sa responsableng pamilya. Tama ba ako? Huwag sanang mangyari, lalong lumobo nang lumobo—at lalong lumalala pa—na talaga ang populasyon sa 'Pinas, baka ang pangamba natin na kakapos talaga ang suplay ng pagkain, isipin mo 'yon?

Sa kabila nito, ang mas mahalaga ay dapat kailangang makapiling at igalang ang magulang natin dahil ginagabay talaga tayo sa tamang landas na tatahakin. Ang hirap talaga mabuhay kung mag-isa lang tayo, pero sino ba talaga mag-aaruga sa atin?

Paano kung ang ating mga magulang na bukas na manligaw tayo nang tama—sa makatuwid baga na dapat friends muna—ay tila nakikisalamuha sa atin? Ewan ko lang kung magabay nila tayo sa balak nating manligaw sa isa't-isa bilang teenager o 'di kaya para nga bang tila pinakikilig o pinag-aaliw nila tayo? Bilang teenage girl ako na inyong tagapagsalaysay, ganito talaga ang karanasan ng daddy ko nang minsan nakikisalamuha ng boyfriend ko na para nga bang ginawang magkumpare man o mag-ama-amahan lang?

Ako pala si Gracielle Tundangan, 16 years old, kakabirthday ko lang noong Mayo. Very slim at matangkad ako. Bukod sa nagsisikap kong mag-aral ng lahat ng subject na pumasok ako sa high school para makapasa ako nang husto, ang favorite subject ko lang ay Values Education, kasi mapupulot ko talaga ng aral kung paano maitutuwid ng aking sarili bilang disente at mapagkumbaba. Kung matatapos ako ng high school, ang papasukin ko lang ng kurso sa kolehiyo ay ang Bachelor of Psychology, at kung matapos ito ay mapapasukan ako bilang isang psychology doctor.

Ang tatay ko naman ay si Bernardo Tundangan, isang tanyag na psychologist. Minsan talaga nagmahal at nakilig sa akin nang dahil sa kagandahan at kakyutan ko. Noong bata pa ako, minsan inaalagaan niya ako at nagpasaya sa akin; namamasyal lang kami minsan buong araw at buong taon. Walang pagpalo sa akin ni ang anumang uri ng pagmamaltrato dahil bad 'yun, 'di ba? Masuwerte naman ako at nagabayan kaming mag-ama sa pagmamagitan ng dasal ng Poong Maykapal para maituwid ang aming landas. Hmmm, ano kaya ang pinagdaanan ng tatay ko? Noong binata pa siya minsan nililigawan ang iba't-ibang dalaga, subalit bagamat nirerespeto sa kanila minsan pinagagalitan ang magulang niya dahil masama daw manligaw dahil bata pa sila. Pero ngayon bukas na talaga niya ako na makapanligaw nang kaunti ng mga responsableng binata kahit kaibigan lang muna.

Nami-miss kaming mag-ama nang pumanaw ang aking nanay na si Rosanna Tundangan na isa rin siyang psychologist. Noong dalaga siya naging top-notcher siya sa high school at runner-up lang siya na nakapasa sa kolehiyo. Nang nagsilang pa ako nang buhay biglang namatay na nang dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis. Taon-taon nagkasama kaming bumisita sa libing ng aking ina kahit nagsakripisyo kaming bumili ng bulaklak at kandila bilang pag-aalay at pagdarasal namin sa katahimikan ng kaluluwa niya.

Ang boyfriend ko naman ay si Jomart Bernardino, isang matangkad na binata at basketbolista. Kakabirthday pa noong Marso na mas matanda kaysa sa akin, pareho kaming sweet sixteen, yay! Pawang nagsikap siyang mag-aral na kung sakaling nakapasa siya sa high school ay makakapasok bilang Bachelor of Business sa kolehiyo. Pramis lang ha, darling ko?

Sa tuwing namamasyal kaming mag-ama, minsan akong nakipagkita ang boyfriend ko si Jomart. Buti na lang mabait ang tatay ko, puwera na lang kung kaming masusunod ang pag-guide ng tatay ko. Kahit ang tatay ko na makapiling man ng boyfriend ko bilang responsable siya na nakapagkakatiwalaan talaga, ewan ko lang kung ano ba talaga pinag-uusapan lang o kung anu-anong gimik man lang. Hindi kaya mag-aalala ang magulang ni Jomart? Ako rin, nag-aalala sa pakikisalamuha ng tatay ko kay Jomart. Paano ang balak kong magkasama nang matino ng boyfriend ko kahit wala ang tatay ko? Nakakaistorbo talaga.

Saan kaya hahantong ang tagpo naming tatlo? May pag-asa ba akong makataglay ng sarili kong kalayaan nang tama na walang sagabal? Mahaba talaga ang maisaysay ang kwento ko ang takbo ng aming karanasan na sana naman ay dapat malagay naman nang tama.

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!