After Prom Night, What Happened To My Dad and Jomart's Dad?

26 0 0

GRACIELLE TUNDANGAN SIDE STORY

Pagpasok sa loob ng  venue sa clubhouse na may puno ng mga mesa, upuan, palamuti, at ilawan, lahat ng kaklase naming 3rd at 4th year—na nakasuot na gown sa mga babae at pumopormang polo at pants sa mga lalaki—ay unti-unting dumadagsa, minsan nga ay nag-uusap sila sa isa't-isa habang naghihintay ang simula ng program na pinag-aabala pa ang mga faculty members ng school namin. Sa kabila nito, nag-alala na ako kung anong nangyari sa paghaharap ng daddy ko at ang daddy ni Jomart.

"Okey ka lang ba, Gracie?" ang bulong na sabi ni Jomart habang nag-akbay kami palakad patungo sa kinauupuan namin.

"Ah?" ang pagkabigla ko. "Hindi kaya pinagdududahan ng daddy mo sa nagawang hakbang ng daddy ko sa pamamasyal tayo noon sa liwasan? Ang pangamba ko ay baka mapaaway sila sa labas."

"Huwag kang mag-alala," ang mahinahong bulong na sabi niya sa akin, "sa palagay ko magagawa ng paraan ng daddy mo para mag-usap nang maayos."

"Oy Gracie!" ang bulong na sigaw ni Rachelle kasama pa ang escort niya at pati na ang escort ni Berielle na kasama rin siya. "Siguro ka bang marunong sumayaw ng waltz mamaya sa ball?"

"Oo, huwag kang mag-alala," ang sabi ko kina Rachelle at Berielle, "alam ko ang gagawin ko."

"Eh kaso," ang palagay na sabi ni Berielle na binusisi pa ang pangamba ko, "may nararamdaman ka ng kaba mo. May kinalaman ba sa nangyari sa 'yo?"

"Uhm, medyo konti lang ang problema ko," ang palagay na sabi ko, "pero hindi lamang kinalaman ko sa pangambang magkamali sa dance steps ko, kundi dahil sa iniisip ko sa pinagdaang pagsasama namin ng boyfriend ko, pati na ang paghaharap ng daddy ko sa daddy ni Jomart."

"May nag-aaway  ba sila?" ang pabirong palagay ni Berielle.

"Ano ka naman, hindi nga!" ang sagot ko. "Huwag naman sana, pero ang totoo, magagawa ng paraan dahil marunong man daw siyang magpasensya."

"Seryoso nga ba?" ang sabi ni Berielle.

"Oo," ang sagot ko, "kaya alam niya ang sitwasyon namin. Kung sa magulang ng ibang pamilya, alan nila ang concern nila sa kinikilos ng anak nila, gayundin ang sarili nilang sitwasyon sa isa't-isa. Gayundin naman ang aming mag-aama, pareho rin ang concern namin sa isa't-isa."

"O siya, siya," ang marapang na sabi ni Rachelle, "alam namin ang concern mo, pero huwag munang isipin ang anumang  mangyari sa 'yo, basta i-concentrate mo na lang ang pagsasayaw ninyo. Tara na, mag-start na ang program."

Agad kaming nakaupo sa mesa nang lumabas na ang host ng prom night namin. Habang nagsalita ang host sa entablado, minsan akong nasulyapan ng ilang kaklase namin na pawang nililigawan sila sa isa't-isa—lalaki sa babae—na nakatitig ang kanilang paningin. Gano'n din kaya sa nangyari noon sa liwasan na ako at si Jomart ay naka-eye contact kami sa isa't-isa kasama ang daddy ko?

"Gracie?" ang bulong na sabi ni Jomart.

Bigla akong nakatitig sa pagkindat ng paningin ko sa mukha ni Jomart nang ibinulong niya sa akin. Concern na rin nga ba sa akin?

"Bakit," ang tanong ni Jomart, "nag-aalinlangan ka sa akin?"

Sa kabila ng aking pag-aalinlangan at kaba, pansamantala akong maibsan sa pamamagitan ng paggalak sa nadarama ko nang ang host ay tinawagan na kami para makapagsayaw ng waltz sa ball.

Nakapuwesto na kami sa harapan ng ibang kaklase namin bilang audience. Bawat lalaki at babae, pati na ako at ang boyfriend kong si Jomart, ay nakahawak kami ng kamay namin paitaas at napaluhod  na kaming mag-bow. Nagpalakpakan sila. Nagsimula nang tumugtog na ang music na waltz para makapagsayaw kami.

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!