The Photobook Of Gracielle's Parents' Young Relationship Years

4 0 0

GRACIELLE TUNDANGAN POV

Araw na ngayon ng final exam. Halos napakabisado na nang marahan ang pag-review ng napag-aralan ko sa loob ng ilang araw. Gano'n din ang ibang kaklase ko at si Jomart na hiwalay ang puwesto namin, nang kami'y abalang-abala sa pagpasok ng silid namin para sumabak sa pagsagot ng iba't-ibang quizzes sa test paper. Oras-oras talaga ang pamimigay at pagpasa nito sa iba't-ibang subjects na maaring nakasasalay na pagsagot nito nang tama. Mataas man o katamtaman man lang ang iskor ng grades ko sa exam, kinakailangan kong mapaghandaan ang anumang kahahantungan sa akin.

Pagkaraan ng mahigit walong oras ng final exam, halos nagsiuwian ang kaklase namin. Subalit habang ako'y namamalagi sa loob ng eskwelahan para makaantay ako sa pagsasama namin mamaya kina Rachelle at Berielle dahil may mahalagang bagay na gagawin nila, si Jomart naman ay nakita niya akong nakatayo at tinutunguhan niya ako.

"Ba't ka nandito, Gracie?" ang sabi niya.

"Ah, hinihintay ko lang kina Racielle at Berielle para makapamasyal kami sa mall," ang paliwanag ko.

"Pero saan kayo mamasyal doon kahit na natapos na ang final exam?" ang tanong ni Jomart.

"Titignan lang kami kung anong oras ang umpisa ng palabas ng mahigit walong oras na pelikulang 'Hele Sa Hiwagang Hapis'," ang paliwanag ko, "kasi may gagawin naming special assignment sa pag-report ng papanoorin naming bukas."

"Makakaya ba kayong panoorin 'yan na napakahaba, na para nga bang nanood ng marathon na teleserye kahit na puro black and white na eksena na nakakasakit sa mata panoorin?" ang puna niya.

"Oo naman," ang sagot ko, "pero meron naman kaming mapaghandaan ng pabaon na pagkain habang manonood kami rito, kasi nga dahil Philippine history ang tema nito na inspired sa hindi pa natatapos ang paggawa ng pangatlong nobela ni Rizal, napakaganda talaga any daloy na kwento na hindi raw nakakasawa."

"O sige," sabi niya, "susubukan Kong panoorin bukas. Ang akala ko lang na meron pa kayong inaatupag na pumunta lang ng arcade games pagkatapos ng exam. Sa palagay ba natin na mataas nga ang grades natin sa pagsagot ng quizzes sa exam para tayo mag-graduate?"

"Malay ko," ang sagot ko, "pero depende lang sa responsabilidad natin na kailangan tayong mag-aral maigi."

"O siya," ang sabi ni Jomart, "sa halip na pumunta pa kayo sa mall ngayon dahil manonood pa kayo ng sine bukas ng tanghali, pwede ba akong pumunta sa bahay mo para malaman ko ng mommy mo?"

"Huh?" ang pagtaka ko. "Gusto mo bang malaman pa tungkol sa mommy ko nang nabubuhay siya noon?"

"Oo," ang sagot niya, "nagpaalam ko na ang daddy mo para makadalaw man lang sa tahanan mo, dahil mabait pa rin siya sa pagtitiwala sa akin."

"O sige," ang sabi ko, "eh paano naman ang kasamahan kong sina Rachelle at Berielle?"

"Itawag mo lang sa text o phone para magpaalam ka sa kanila," ang payo niya sa akin, "kasi tanggap nila na sabay tayo lalakarin."

************************

Nagtataka lang ako kung bakit nga ba siya sinasadyang nagkasabay kaming nag-commute mula sa eskwelahan papunta sa mala-mansyon ng bahay namin. Sa palagay ko, nang dahil sa malasakit daw ng daddy ko, ibig daw niya na mag-usap kami ukol sa mahalagang paggabay ng aming pagsasama, tulad ng kailangan lang kami ng nakatakdang wastong gulang ng responsableng pag-iibigan. Kung posibleng mangyari ito mamaya, sana ang daddy ko dapat na mabigyan kami ng kaunting pag-iintindi at hinahon na walang magkasakitan.

Nang nakarating kami sa bahay ko, si Jomart naman na kasama ko ay unti-unti na siyang nasisiyahan dahil napahintulutan na ng daddy ko na makadalaw siya nang tuluyan sa tinitirhan naming mag-ama. At bago ako pumindot ng doorbell sa harap ng maikling gate para makapasok na kami, minsan lang ako pinagmasdan sa kanya na parang kinabahan nang kaunti.

"Okey ka lang ba, Jomart?" ang sabi ko.

"Okey lang ako," ang sagot ni Jomart, "dito pala pagkakataon ko nang makadalaw ng daddy mo at pati na sa silid ng tinitirhan mo."

"O sige," ang sabi ko, "pero magbigay-galang ka sa daddy ko, dahil hindi tayo sigurado ang ibang klaseng mentalidad ng daddy ko kahit tinatrato niya tayo nang matino."

Nang nakapasok na kami sa loob pagkapos binuksan ng yaya namin ang maiksing gate, natuloy kaming magkaharap ng daddy ko na nakaupo siya sa sofa.

"Kumusta naman ang kinakasama mo si Jomart, Gracie?" ang sabi ng daddy ko.

Hindi ako makadiretso ang sagot na sasabihin sa daddy ko na mabuti naman and pakikisama ni Jomart sa akin. Nang dahil sa pangamba ko ay nilingon ko muna kay Jomart para sa pagkilatis ko sa kalagayan niya. Ganoo'n din ni Jomart sa akin, dahil pareho kaming malungkot sa mukha namin.

"'Di bale na," ang hirit na sabi ng daddy ko, "nirerespeto ko na lang sa mabuting pakikisama ninyo mula ngayon. O sige, maupo muna kayo."

Nang nakaupo na kami sa sofa, ipinakita ng daddy ko any hawak niyang lumang photo album.

"Ito ang mga litrato ng pagsasama ng nabubuhay pa noon ng mommy ni Gracielle," ang sabi ng daddy ko kay Jomart. "Tanging mga kaibigan ko ang nagawa noon sa pagkunan ng litrato sa aming dalawa at pagkatapos ay ipinahiram ko ang nakunan na at inilagay ko sa photo album kong ito. Inilihim ko nang iningatan ito pagkatapos ng pag-graduate ko sa kolehiyo bago kaming tuluyang maghiwalay dahil sa prayoridad kong magtrabaho sa abroad bilang psychologist."

Si Jomart, inisa-isa binuklat ang bawat pahina ng photo album ng daddy ko habang nakikita niya ang iba't-ibang litrato ng pagsasama noon ang nakababatang mommy at daddy ko noong nasa kolehiyo pa sila.

"Aba," ang paghanga na sabi ni Jomart, "magmukha po pala si ma'am Rosanna kay Gracielle."

"Oo, siguro nga," ang palagay na sabi ng daddy ko, "pero ang pinangangambahan ko lang na baka magmamana rin ang kalagayan noon ng aking asawa na puno ng lungkot niya sa kasalukuyang kalagayan ng anak kong si Gracielle."

"Dad," ang hirit na sabi ko, "ba't mo ako ikukumpara sa kalagayan ng mommy ko noon sa kalagayan ko ngayon? Oo nga po, tanggap ko na namatay na ang nanay ko kahit na hindi ko pa nakikita ng mukha niya noong ipinanganak ako. Sa totoo lang po, matatag pa rin ang kalooban ko kahit na pinagtiisan ko lang na malayo lang sa dusa."

"Pasensya na, anak ko," ang mahinang tinig na sabi ng daddy ko, "pero kailangan mo pang pahalagahan ang sarili mo kahit na may mabubuting pagsasama ninyo kay Jomart, lamang na kailangan n'yo pang mag-antay ng mahabang panahon kung unahin na lang muna ang mahahalagang tungkulin ninyo."

"Alam ko po 'yun, dad," ang sabi ko, "pero kahit na nirerespeto ko lang na sa anumang ipinagbilin mo nang matino sa akin, kakayanin ko na lang na maka-adjust ang sarili ko."

"Tama po si Gracielle, doc Tundangan," ang sabi ni Jomart. "Pero sa palagay ko na kusa ka pong maluwag ang pagtanggap mo sa pagkakaibigan ko sa kanya, dahil kusa ko na rin pong bumait para tumaas pa ang pagtitiwala niya sa akin."

"Sigurado nga ba ang pagtanggol ninyo sa sarili?" ang tanong ng daddy ko. "Huwag basta kayong magkampante pa, subalit kailangan n'yo pa ring matuto ang mabuting responsibilidad ninyo. Isipin n'yo rin kung anong paraan para maging pangmatagalan ang pagtatapat ninyo sa isa't-isa."

"Naiintindihan ko po," ang sabi ni Jomart sa daddy ko, "pero ayon sa nakita ko ng photo album mo, halos maayos lang po ang pagsasama mo kay ma'am Rosanna noon. Sa palagay mo po ba maihalintulad po kaya ang mabuting pagkakaibigan ko kay Gracielle na kagaya n'yo rin noon?"

"Oo," ang mahinang tinig na sagot ng daddy ko habang tumango siya, "pero hindi ako makapagsabi sa inyo sa pagkumpara sa pinagdaanan ko at sa pagsasama ninyo ngayon. Sa tagal na pag-iibigan ko kay Rosanna, unti-unting nagbago ang buhay ko nang dahil sa pag-alala ko sa kanya na kadalasan ay inalalayan ko siya na may mabuting pagtatapat para mabuhay, na ang layunin ko lang ay para mabuo ang pamilya ko."

Unti-unting namahimik ang pag-uusap namin pagkatapos nang naipakita ang hawak ng photo album ng daddy ko. Kung naaminin na ang daddy ko tungkol sa nagdaang pag-iibigan ng mommy ko, may mga pagsubok pa na haharapin sa kalagayan ng buhay ko, sa buhay ng boyfriend ko, at sa buhay ng daddy ko na ukol naman sa tiwala sa sarili.

Marahan na tuluyan na kaming nagkasiyahan muna sa loob ng bahay ng mag-ama bago tuluyang umalis na ang boyfriend kong si Jomart kahit na kalimutan muna ang naturang pag-alinlangan namin. Subalit ang pinapangarap ng daddy ko na maging mabuti ang kinabukasan namin at tuloy pa rin na pinahalagahan hanggang ngayon.

* * * TO BE CONTINUED * * *

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!