Outside The Movie Theater Mall

10 0 0

GRACIELLE TUNDANGAN POV

Nagsimula pala noong dalawang araw ang isang tig-walong oras ang black-and-white na pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis na hango sa isang visionary ng naudlot na ikatlong nobela ni Dr. Jose Rizal bukod sa nagdaang nobela niya na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Kaso, 'di gaano talaga karami ang pagdagsa ng mga tao na interesadong manood nito sa kabila na karamihan ng ibang katao na manood na lang ng patok na dayuhang pelikula. Kaya nang nakabayad na kami sa pagkuha ng ticket sa sinehan kasabay ng pagdala namin ng baon na pagkain, nagtiya kaming mga kaklase na makapasok sa loob nito para mapanood ang naturang palabas bilang bahagi ng pagsasagawa namin ng report assignment ukol dito.

Pagsapit ng alas-dos ng hapon nagsimula na ang palabas. Sa magdamag kaming mapanood halos pawang hindi kami nagsawang tumutok nito hindi lamang sa sapat ng kalidad ng kwento at eksena kundi dahil sa ginawang halong makaluma at makabago sa pamamagitan ng digital movie sa halip na film movie strip na ginamit noon.

Pagsapit ng ikalawang break ng panonood namin ng sine mga bandang alas-nueve ng gabi, habang bumili ako ng cheese hotdog buns at softdrinks, at bago ako pumasok muli sa sinehan, ay nakita kong sina Jomart at Rochelle na lumabas sa isa pang bahagi ng sinehan na katatapos nang napanood ng isang patok na pelikula na kinagigiliwan nila, at taimtim ang pagtatapat at pag-uusap nila. Marahan akong nilapitan sa kanila at nakita kong nagkatuwaan sila sa isa't-isa.

"Excuse me," ang matipid na pagtawag ko sa kanila.

Sina Jomart at Rochelle, narinig nila at lumingon nila sa akin.

"Girlfriend mo ba si Gracielle?" ang tanong ni Rochelle kay Jomart.

"Oo," ang sagot ni Jomart, "matagal na akong magkaibigan ko sa kanya."

"Talaga?" ang palagay ni Rochelle.

Kaya sinubukan ni Rochelle na lumapit sa akin na walang pag-alinlangan. Sa marahang paghakbang niya patungo sa akin ay tila ibig niyang bumati sa akin.

"So ikaw nga pala ang kasama mong boyfriend, right?" ang palagay na sabi ni Rochelle.

"Tama ang palagay mo, miss," ang sabi ko, "pero minsan lang ako pinagkakatiwalaan sa kanya dahil---minsan din niyang inaalalayan ang kalagayan ng pagkatao ko."

"Huh?" ang pagtaka ni Rochelle. "Sa palagay ko bang minsan ka ring nag-depressed?"

"Hindi naman gaano," ang sabi ko, "pero sa kaiisip ng pangamba ko nang dahil sa kung anu-anong pinapalagay ng daddy ko sa kalagayan ko ngayon, sa totoo lang nag-aalinlangan ako. Ganyan talaga ng daddy ko na tila nga bang binabantayan niya sa akin na ibig niyang malaman na kung hindi daw ako talaga magmamana ang pagka-depressed ng mommy ko noon. Gano'n din si Jomart na kasama mo ngayon bukod sa akin, kahit na mabait man siya sa akin ay minsan man siyang lumikha ng masayang usapan at kaaliwan sa akin sa mabuting pagsasama namin noon."

"Pero sa ikinuwento ni Jomart sa akin na meron ka bang hobby na nagkulay ng coloring book noong bata ka pa?" ang tanong ni Rochelle.

"Oo naman," ang sagot ko, "kasi maaalis daw ng stress pati na ang pagiging malungkutin para ma-relieve ang kalooban ko. Ilang coloring books ko na ang nagawa noon, pero ngayon minsan ko na ring gumawa ng panibagong coloring book ko sa bahay at pati na rin sa e-coloring art sa tablet PC ko."

"Wow," ang hanga ni Rochelle, "para ka ngang ma-replenish ang pagiging masayahin kahit na-miss ka ng mommy mo. Pero pwede ba ako makadalaw sa bahay mo 'yung nakolekta mong coloring book?"

"Oo naman," ang sagot ko, "pero teka, baka naman niligawan ang boyfriend kong si Jomart?"

"Hindi, ah," ang dispensa na sabi ni Rochelle, "nagkatuwaan lang kami nang napanood kami ng sine kanina. Pero bago nito, noong isang araw, si Jomart talagang naka-tutor sa akin ng Math subject na Algebra at Trigonometry, kaya hangang-hanga ko sa kanya. O siya, kailangan ko nang umuwi ngayon, at saka pasensya na sa hindi ko mag-admit ng pinapanood ninyo kanina na naka-boring naman."

"Nirespeto ko na lang ang sarili mong gusto," ang sabi ko kay Rochelle, "pero mag-ingat kang pauwi."

"'Di bale," sabi ni Rochelle, "natawagan ko na sa text ang pagsundo ng family van sa akin pauwi. O sige, mauna na ako, ha, bahala na ang kasama mong si Jomart."

Nang umalis nang mag-isa si Rochelle dahil meron daw siyang sundo na sasakyan, hinila ko sa kanang braso ni Jomart at humakbang ako kasama siya patungo sa sinehan na kinaliligtaan naming mga kaklase.

"Hoy, ba't mo ako hinila?" ang sabi ni Jomart.

Nang nakarating ako sa kinaroroonan para mag-usap, humarap ako sa kanya at sabi ko sa kanya, "Paano mo nakisama kay Rochelle?"

"Siya lang talaga ang nagtungo sa akin para makatutor ko sa kanya ng Math para makapasa siya sa exam," ang sagot ni Jomart.

"Ang inaakala ko talaga na baka manligaw ka ng ibang babae," ang sabi ko, "pero gaano ka ba talaga na katino ang motibo mo sa ngayon na matagal na akong nagkatiwala sa 'yo?"

"Huwag kang mag-alala," ang sabi ni Jomart, "sapat pa naman ang nagawa kong tamang ugali sa naranasan ko ngayon, pero hindi ko kita bibitaw ang pagsasama natin alang-alang sa kalagayan mo ngayon."

"Okey pa rin ako," ang sabi ko, "pero bakit napasyahan ninyo na pumasok kayo sa ibang palabas sa sinehan sa halip na pumasok kayo sa amin dito dahil magsasagawa namin ng report ukol sa pinanood namin?"

"'Yun lang ang gusto niya," ang sagot ni Jomart, "kasi madali talagang magaganahan at mahahagod panoorin."

"So gano'n lang na kusang makasama mo sa libangan niya?" ang sabi ko habang inuusisa ko rin ang ganitong pakikisama ni Jomart kay Rochelle. "O baka meron ka bang nagkakulitan sa kanya?"

"Naku naman," ang sabi ni Jomart, "sa totoo lang na ni hindi ako kinikilos na 'di kanais-nais dahil pinalaki ng magulang ko sa akin na dapat akong matuto ng matino. Pero nalalaman ko na tila nangangamba ka talaga sa naturang sitwasyon ko ngayon, dahil sa palagay ko na parang nagseselos ka na."

Hindi ako makapagsalita nang narinig ko ang sinabi niya na nagseselos daw ako nang dahil sa pagsasama niya kay Rochelle. Sa kabila na paghihingala nito, minsan akong nagdadalawang-isip kung totoo ito o hindi.

"Ahm, pasensya na," ang sabi ko, "ayoko na sanang mahantong na maranasan pa ang 'di pagkaunawaan natin sa isa't-isa, dahil kailangan muna akong maging panatag ang kalooban ko. Ang daddy ko talaga, nag-aalala na talaga sa akin. Kaya ang mas mabuti pa na huwag mo nang bibitaw ang pangako mo sa akin na kailangan mo pang maituwid ang landas mo ngayon."

"O sige," ang sabi ni Jomart, "aasahan ko talaga na hindi kita hahadlangan pa sa nangyari kanina. O siya, kailangan na akong umalis ngayon, pero sa susunod na lang ako makapasok sa palabas na pinanonood ninyo bukas. Kaya pumasok ka na ngayon muli na baka nag-aalala nila sa 'yo."

"Oo sige," ang sabi ko, "meron pa naman akong spare na proof ng ticket namin para makapasok muli kahit na napakarami ang dala kong snacks sa kanila."

At tuluyang umalis si Jomart habang nakikita ko siyang lumalakad papalayo bago akong makapasok muli sa sinehan.

* * * TO BE CONTINUED * * *

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!