Arguing The Teen Relationship of Jomart And Gracielle?

10 0 0

BERNARDO TUNDANGAN POINT OF VIEW

Unting-unting tumatatak ang alaala ko nang nagkita ang matalik na kabarkada kong si Fredoro na nakikimusta at nag-uusap kami noong isang gabi kung saan naganap ang prom night sa loob ng venue kasama sina Jomart at Gracielle at ang ibang kaklase nila. At bunga naman ng pagtanggap ni Fredoro nang dahil sa nagawa kong kakaibang "eye contact relationship test" para kina Jomart at Gracielle, halos natuwa daw siya sa akin sa kabila ng ilang pananaw ng marami na pawang walang kabuluhan sa matagalan dahil mapapairal daw ng malayang saloobin na maipakita ng makataong pagtrato sa sarili. Kung may ipinagtanggol ang isang katiwala sa akin o wala, ang mas mahalaga ay mapangalagaan ang kinabukasan ng anak kong si Gracielle pati na rin si Jomart.

Sa sumunod ng ilang araw habang nag-day-off ang duty ko sa ospital, nanood pa ako sa aming HD widescreen LED TV ang isang banyagang TV family drama, na may eksena na isang teenage na binata na nag-holding hand ang kanyang teenage girlfriend ay muntik na siyang nagkataong humipo--na sa halip ay nakapatong sa kamay nila--sa mini-skirt ng kanyang girlfriend niya nang dumating ang ama ng dalaga. Hmm, ganito rin kaya sa totoong buhay na ang mga binata ay mapusok talaga sa pagtatapat ng dalaga? Huwag sanang mangyari, subalit ang paggabay ng magulang sa mga anak na lalaki ang tanging sandata para tumino naman nang kaunti.

"Dad?" ang tawag ni Gracielle nang narinig ko siya sa malayo habang bumaba na siya sa hagdan. Kaagad akong pinatay ang LED widescreen TV namin.

"Bakit?" ang tanong ko kay Gracie nang nakaupo na sa sofa na inuupuan ko. "May kailangan ka ba sa akin, o lalayas ka naman nang walang paalam sa akin?"

"Walang anuman po," ang sagot niya, "pero hindi po ako lalayas ngayon kasi may gagawin pa ako ng review sa exam."

"Eh 'di ba't 'di mo gawin ngayon?" ang usisa ko. "O nag-iisip ka pa ang pag-miss mo ng boyfriend mo? 'Di mo ba alam na may kasabihan na 'aral muna bago ligaw'?"

"Kanina na po akong kapupuyat na mag-review kagabi, dad," ang sagot ni Gracielle, "pero kung minsan, iniisip ko rin sa kanya. Kaso, ang hirap po talaga maitanim 'yung nararapat na pinag-aralan ko."

"Natural lang talaga na pagtiyagaan mo nang ganito, anak," ang payo ko kay Gracielle, "kasi maaaaring mag-reflect 'yung mabuting kalooban mo para tumahak nito sa 'yo sa taman landas kaysa unahin na anumang uri ng layaw na mapapahamak mo. Noong nag-aaral pa ako, dahil mabait lang ako, minsan namulat ako ang mga bagay na ukol sa tama at mali, at sa kabila ng naturang lipunan ngayon, napasyahan ko na sumunod lang ako sa tama na ginabayan ng magulang ko, kasi natatahak talagang mag-aral ako nang maigi."

"Gaano po kaya katalino sa 'yo?" ang tanong niya.

"Sa palagay ko," ang sabi ko na nag-isip pa ako ng ilang segundo, "mataas naman nang konti ng grades ko. Ikaw naman, gaano naman ang grades mo? Magsabi ka ng totoo."

Nang dahil sa pangamba niya sa akin na pagagalitan pa ako sa kanya kung sakaling bumagsak ang grades niya, ipinapakita pa ang dala niyang report card. Nang binuklat ko nito  at binasa ko sa grades niya, halos 85 to 90 points ang lahat ng subjects niya.

"Okey lang pala, eh," ang sabi ko, "huwag lang makikita ko ng burado na baka madadaya ka."

"Hindi naman po," ang katwiran niya, "pinaghirapan ko talaga makapag-aral nang tapat para mapasaya ka po sa akin. Huwag ka po mag-alala, may laman pa ang memorya ko."

"'Sus naman," ang sabi ko, "ewan ko lang kung kumain ka nga ba ng masustansyang pagkain sa canteen tulad ng tuna sisig o kung ano-ano pa, kasi bawal na talaga magtinda ng junk foods. O 'di kaya uminom din ng brain food supplement na mabibili na ngayon sa botika na gamot din sa autism. Haay, ang mahihirap na Pinoy ngayon, 'di lamang mapurol na memorya nila na nahihirapan daw mag-aral maigi, kundi dahil daw sa 'pasarap sa buhay' 'nung kabataan sila."

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!