The Childhood Days of Jomart And Gracielle: Coloring Book (Part 1)

9 0 0

JOMART POINT OF VIEW

Saan kaya patutunguhan sa pagsakay ko sa sasakyan ni doc Tundangan bago siya magpahatid-pauwi sa akin? Anong uri ng lugar kaya makakita ko na tinutukoy niya? Kung balak daw niyang malaman ukol sa aking nakaraan, handa ko kaya mailahad nang totoo? At bakit kaya pinagmasdan niya ako na kinalaman sa pagkakaibigan kong si Gracielle?

Tila hindi ako namamalayan sa napapaligid sa nararamdaman ko o nakakita ko nang dahil sa kaiisip ng aking nakaraan na ukol sa pagkikita ng girlfriend kong si Gracielle noong bata pa kami. Anumang uri ng kaligayahan na aming nadarama sa mabuti noon ay unti-unting tumatatak sa aming mabuting alaala kahit na pinahalagahan ang aming sarili sa mabuting landas na tatahakin. Subalit hindi mawawala ang mabuting pakikitungo sa magulang ko at sa ama ni Gracielle kung may pahintulot at gabay sa amin.

At makaraan ng ilang oras, tila tumigil ang paggalaw ng daigdig na nasandalan ang nararamdaman ko, dahil mapupukaw na ang pinanggalingan namin noon na may mabuting pagbabago na naganap na. Sa ibang salita, ika nga, tumigil na ang galaw ng sasakyan ni doc Tundangan.

"Jomart," ang tawag ni doc Tundangan, "baba na tayo. Nandito na tayo sa playground."

Nang bumaba na kami sa sasakyan niya, at sa unti-unting namulat ko sa naturang lugar ay nagbago na nga, na may bata na nadadagsa kasama ang kanilang magulang o yaya.

At kahit hindi ako mag-enganyong makipaglaro sa mga bata ni sumalang sa iba't-ibang platform sa playground dahil lumaki na ako, si doc Tundangan naman ay marahan kaming maglakad rito.

"Noong maliit pa si Gracielle," ang naglahad ni doc Tundangan, "dito ko tumuntong sa kanya para makapaglaro rito. Minsan, kung walang inasikaso ng kasambahay namin, ako na lang inalalayan at binabantayan. Masayahin daw siya 'pag tinatrato ko nang tama."

"Gaano mo po kaya kabait mo para kay Gracielle?" ang tanong ko.

"Matindi, Jomart," ang sagot niya, "pero nagawa ko lang ito nu'ng bata pa siya, ngayon paglaki niya sinermunan ko nang konti para disiplinahin nang tama."

"Pero mabait ka naman po nu'ng dati?" ang tanong ko pa kay doc Tundangan na tinutukoy ko lang noong kabataan pa siya.

"Wow, ha?" ang mangha na sabi ni doc Tundangan. "Alam ko na hindi ko basta-basta mapakita ng buong tapang at galit ko na wala sa matinong pagtrato ko maloiban na lang kung may hinaharap kong matinding problema na nakakainis talaga sa akin. Pero naranasan ko na ito noong bata at teenager pa ako, na minsan nakonsensya ako sa pagsesermon ng magulang ko 'pag nakita nila ang pagkakamali ko."

"Eh anong mali mo po noon kahit mabait ka po naman?" ang tanong ko.

"Tulad ng nakalimutan akong mag-asikaso ng assignment ko nang dahil sa abala ko, 'yung hindi ako tinutulungan ng magulang ko o kamag-anak ko nang dahil sa inuuna akong makipaglaro, at kung anu-ano pa," ang paliwanag niya. ''At ang masakit pa noong high school pa ako ay ang pakikipag-away ko ng isang kaklase na may kinalaman sa pagdaraya ng resulta ng exams na nadamay hindi lamang ako kundi pati na rin lahat na kaklase namin."

"May pinagdaanan ka po palang kamalasan na nangyari sa 'yo, doc Tundangan," ang sabi ko, "kaya kahit na inosente ka lang po o may pagkukulang ka po, eh ni hindi ka naman nagrerebelde o naglalakwatsa man. Siguro po, swerte naman po na hindi ako nakikisalamuha sa masamang impluwensya nang dahil sa pinaigting na pagbabantay sa komunidad ngayon, maging sa nakatatanda man o mga guro na ginagabayan ng mga kabataan tulad ko. Alam ko po na may madadaanang pagsubok sa buhay na kinakaharap po natin, maging ako man, ikaw, at kay Gracielle."

"Oo nga," ang lungkot na sabi ni doc Tundangan, "pero patuloy akong inaaruga at ginagabayan ko si Gracie para mapaligaya siya sa mabuting landas sa kabila na naulila pa rin sa pagkamatay ng aking asawa na si Rosanna bilang mommy niya. Bilang isang psychologist, nakahanap ako ng paraan para hindi siya mag-depress nang tuluyan."

"Ano po kaya 'yung ginawa mong lunas para kay Gracielle, dahil ikaw lang po nakakaalam kung paano?" ang tanong ko.

"Halimbawa ko lang ay naglagay ko 'yung iba't-ibang coloring book at crayon para kay Gracie," ang naglahad niya, "kasi hindi lamang maalis ang stress kundi nagsisilbing theraphy para mapasigla siya na maging masayahin, kung gumamit lang siya sa nararapat na pangkulay dulad sa nakikita niya sa paligid. Pero sa bansang Amerika, may isa pang paraan para malunasan ng depresyon at iba pang sakit sa pag-iisip nila ay ang pagguhit nila ng isang bilog na may tuldok sa gitna depende sa laki, at pagkatapos mangguhit nito ng dalawa ay maaaring mangguhit ng mukha ng tao o hayop depende sa creativity nila. Ayun, gumaling na sila pagkatapos ng ilang linggong theraphy sa pamamagitan nito."

"Gano'n po ba?" ang pagkamangha ko sa paliwanag niya. "Pero meron pa po bang iba bukod po riyan?"

"Meron din," ang sagot niya, "tulad ng pagsali ng iba't-ibang physical activities bilang ehersisyo tulad ng iba't-ibang sports hobbies, 'yung pagsali sa stage play, o kung anu-ano pa."

"'Yun lang?" ang hinayang ko. "Eh 'di kaya nakaka-stress nito?"

"Alam mo, Jomart," ang paliwanag ni doc Tundangan, "natural na ang mga psychologists at psychiatrists tulad ko ang tanging nakakaalam kung paano makontrol ang proseso ng theraphy para maging pangmatagalan ang bisa kaysa basta-basta uminom ng gamot-pampakalma ng pag-iisip na 'di tiyak ang bisa nito. Sa kaso naman ng anak kong si Gracie, may responsibilidad din akong mapangalagaan ang kalagayan niya: physically, mentally, and emotionally."

"Teka," ang habol na paliwanag ko, "'yung tungkol sa paggamit ng coloring book, may naaalala ko noong grade school ako na may isang batang babae na kaklase ko noon na madalas daw siyang gumamit nito na napakaganda ang pagkagawa niya. Ang pangalan na nakilala ko sa ginagawa niya ay walang iba kundi si Gracielle."

Matutuklasan kaya ng daddy ni Gracielle na ukol sa pagbubunyag ko ng aking nakaraan na si Gracielle ay magaling pala gumamit ng coloring book kung kaya nasadya akong nakipagkaibigan ko sa kanya?

* * * TO BE CONTINUED * * *

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!