Her Hurtful Feeling To Her Father

2 0 0

GRACIELLE TUNDANGAN POINT OF VIEW

Buwan ng Oktubre 2017. Dalawang buwan na lang pala bago sumapit ang Pasko. Bagamat maligaya naman ako sa nagdaang pagdiriwang nito na nakapiling sa aming mag-aama at sa mga kamag-anak at kaibigan ko, may magagawa kaya ako na maging malaya para makapiling ko nang minsan si Jomart sa sariling tamang landas namin kahit na hindi na makisalamuha pa ng daddy ko sa amin? Ito ang malaking pagsubok na kailangan kong harapin ang anumang pagkakaiba ng sarili naming pananaw at pagnanais na matagal nang kami'y nakapiling at nagtitiwala sa isa't-isa. Alam ko naman na hindi talaga ako nagrebelde sa kanya, pasalamat na lang na tapat talaga ang pag-aaruga ng daddy ko sa akin dahil duktor siya. Ngunit sapat nga ba na maipakita ang pagkakatotoo at paninindigan namin sa isa't-isa?

Pagsapit ng alas-kwatro ng maulan na hapon, nakaupo ako sa isang mesa sa labas ng upper roof floor ng isang club house sa Antipolo, Rizal habang nakikita ko ang katamtamang buhos ng patak ng ulan na nagtatagal lang ng isang oras. Halos natulala ako minsan hindi lamang sa nakikita ko sa paligid nito kundi dahil lamang sa kusang nakunsensya na sa sarili ko na ukol sa nagdaang panahon nang ang daddy ko ay nakikisalamuha sa akin at sa pagkakaibigan ko Kay Jomart. At nang malapit nang tumila ang ulan kasabay sa pag-inom ko ng isang tasa ng mainit na tea, si daddy naman na galing sa pag-aabala naman ang pag-uusap sa kasamahan niyang kapwa duktor sa katatapos na mental health seminar ay kusang umupo na rin sa kinauupuan ko.

Tila pareho na kaming natahimik dito at hindi naiimik kami sa isa't-isa habang ang daddy ko ay nagbabasa lamang ng logbook. Nagtatampuhan nga kaya kami?

"Kung sana naman po," ang mahinahon na sabi ko, "kahit hinayaan mo lang ako at hindi mo ako sundan sa pagkikita ko kay Jomart, gusto ko na po sana na mapalaya sa sarili ko kahit na mapairal ko talaga ang kung ano tamang landas na tatahakin. Alam kong napalaking hadlang talaga kung patuloy mo pang—"

"Huwag mo nang sabihin pa, anak," ang sabi niya, "ang sa akin lang na ginagabayan kita nang tama dahil ayoko talagang mag-alala kung ano ang ginagalawan mo ngayon. Sana naman ay intindihin mo ako sa saloobin ko ngayon, gayundin ang mga magulang na handang ipaglaban ang pagtatapat ng kanilang anak—"

"Alam ko na po 'yon," ang pagtanggol ko nang nagsimula ang pagsiklab ng galit sa pagkasabi ko, "pero dad naman, ba't palagi mo naman na nagmamanman sa kinikilos namin? Sa palagay mo ba na nagpaligaw ko sa kanya na napakalabis nang ganito, na sa totoo lang na nagpipigil kami nang minsan dahil nalalaman lang namin ang nararapat sa tamang landas? Ba't 'di mo tanungin sa sarili mo po kung naranasan ka pong manligaw ng mommy ko nu'ng kabataan pa kayo?"

Hindi mapakali ang nadarama niya nang nalaman niya and matinding saloobin ko ngayon, kaya nang dahil sa tindi ng kanyang kaba at panginginig ay umupo siya muli upang mapahinga ang nararamdaman niya.

"Anak," ang sabi niya, "h'wag mo nang maihambing sa pakikisama ko noon ng mommy mo sa pakikisama n'yo ngayon. Sa tagal na natuto kong maging isang huwarang ama nang nabuhay ka noon bilang isang bata upang mapagabayan at mapaalagan kita, alam kong mananatili pa rin ang pakikitungo natin sa isa't-isa sa kabila ng pagkakaiba ng ating pananaw ngayon. Oo, inaamin ko talaga ang pagkakamali at pagkukulang ko noon, subalit kusang nagbago ang itinadhana ko nang minsan na sinusunod ang payo at gabay ng magulang ko na tinitiis ko pang kumapit sa tamang landas na hindi ko kaya sanang naisin. Ibig ko na sanang maging malaya sa sarili ko, subalit tila nadarama ang pangamba ko kung mag-iisa lang akong ginagalawan. Sa Awa ng Diyos na nabigyan Niya ako ng pagkakataon na mabuhay ako na may dangal sa sarili ko, lalung-lalo na sa mabuting pakikisama ko sa sinuman."

Kung totoo ngang nagpapakatotoo talaga ang pagkatao ng daddy ko sa kabila ng kanyang pinagdaanan, minsan akong huminahon nang kaunti sa paliwanag niya, subalit tila nadudahan talaga sa iniisip ko.

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!