Gracielle Closed To Got Late For Prom Night

27 0 0

JOMART BERNARDINO SIDE STORY

Nakatakda na pala ang schedule ng prom night ngayon. Eh kaso, baka mahuhuli nang kaunti ang mag-ama ng girlfriend ko nang dahil daw sa trapik. Matagal nang pinaghahandaan ang pagsanay ng pagsayaw namin pati na ang kasuotan namin para sa ballroom ng programa namin. May tiyaga raw sa pagsunod ng takdang oras ng iba't-ibang makabuluhang gawain sa kabila ng kaunting pag-aalinlangan niya, subalit nakabawi lang nang may saysay na pasensya sa pakikipagkapwa sa kasamahan niya sa eskwela, pati rin ako. Sa palagay ko, maaga raw umalis bago magdapit-hapon dahil malayo ang tinitirhan ng girlfriend ko sa maliblib na lugar.

Tatlopung minutong lumilipas bago ang program, ang tatay kong si Fredoro Bernardino, isang staff ng ahensya ng gobyerno sa larangan ng siyensya at teknolohiya sa Pilipinas, ay patuloy na binabantayan ang ikinikilos at binabalak ko sa pagkikita ng girlfriend ko.

"Jomart," ang tawag ng daddy ko, "kanina ka pang tulala sa labas. Anong tinatanaw mo riyan?"

"Hinihintay ko lang po ang pagdating ng mag-ama ng girlfriend ko," ang sagot ko sa kanya, "kasi natrapik sila na baka darating mamaya ng ilang minuto."

"Matanong ko lang," sabi ng daddy ko, "minsan ka bang nakikisama nang maayos kay Gracielle kahit hinay-hinay lang sa panliligaw mo sa kanya?"

"Opo," ang sagot ko, "pero kahit may puno ng respeto ko sa kanya, minsan lang ako na-bother sa pagkikita ng ama ng girlfriend ko, kasi para nga bang inaalayan ang pagkakatiwala niya sa akin."

"Kung natatandaan natin noon," ang sabi ng daddy ko, "minsan akong nagkatiwala si doctor Tundangan nang bumisita tayo noon sa bahay ng mag-ama ng girlfriend mo sa araw ng Pasko, hindi lamang sa propesyon niya bilang psychologist kundi kung paano inaalagaan ang kanyang buhay pati na ang pakikisama ng kapwa-tao. Sa tingin ko, wala akong nakitang problema sa ugali niya."

"Sa aking palagay ko naman, dad," ang sabi ko, "para nga bang desperado na siyang naging bantay-sarado sa pagtrato nang matino ng girlfriend ko bilang anak niya. Kasi naman, dahil bata pa kami para nga ba siyang magulang na inaalalay pa sa aming pagsasama."

"Oo naman, anak," ang sabi niya, "pero sana naman pagbigyan naman ang ginagabayan ng daddy ng girlfriend mo sa 'yo, at saka isipin mo naman ng kinabukasan mo tulad ng pag-aaral mo at ang pangako mong ambisyon na maging mabuting pinuno ng ahensya ng gobyerno tulad ko sa siyensya at teknolohiya, lamang kung makapasa ka sa math and science subject."

"Sigurado ka po ba ang pagkakatiwala mo si doctor Tundangan na may matinong pagtatapat ninyo?" ang tanong ko.

"Kung sa akala mo, inggit ako sa girlfriend mo at sa daddy niya?" ang sambit niya. "Hindi naman sa totoo lang, pero sa panahon ngayon, bilang ama mo, patuloy ko kitang gagabay sa 'yo, 'di tulad sa ibang kabataan ngayon--karamiha'y mahihirap--maaga silang nagkaroon nagkakaroon ng anak na wala sa wastong gulang at pagpaplano ng pamilya."

"Kalimutan muna pag-usapan ang mga bagay na ito, dad," ang sabi ko, "pero kahit natuto akong maging responsable, gusto ko sanang maging independent ako, 'yung may sarili kong choices at sapat na pag-iisip at judgement ko. Eh kaso, alam mo na po dad, bata pa akong magawa ng ganitong kinikilos ko."

"Huwag kang mag-alala, anak," ang ipinayo ng daddy ko, "magkakampi lang tayo, na sa anumang hamon ng problema na ating haharapin, pwede namang malulutas nito sa tamang lugar. Kaya nirespeto ko na lang ang pagsasama ninyo sa girlfriend mo, pero sa tamang panahon."

Makalipas ng ilang minuto ng pag-uusap naming mag-ama ay dumating na sa wakas ang sasakyan ng mag-amang girlfriend kong si Gracielle, limang minuto na lang bago ang program namin. Nang ang naturang sasakyan nito ay huminto na sa red carpet, nabuksan ang pinto ng sasakyan at namangha ako sa nakakita ko ang magagandang pananamit na gown at magandang pag-make-up sa mukha niya ang girlfriend ko na naglalakad na naka-high-heels sa red carpet. Ang magkaibigang Rachelle at Berielle ay kinukumusta at nag-uusap muna sa girlfriend ko bago ako.

Mahinahon akong nag-hintay na nakatayo habang tinatapos ng munting pag-uusap nila na dapat maisaisip ang takdang oras ng pagpasok ng venue namin. Pagkaraan ng ilang minuto, pasulong ang paglakad niya patungo sa akin.

"Tara na, Gracielle?" ang bilin ko.

"Oo, Jomart," ang sabi ni Gracielle habang lumakad kami papasok sa venue. "Pasensya ka na, muntikan na akong hindi makaabot sa prom night natin ngayon nang dahil sa trapik na sinasakyan ng daddy ko."

"Okey lang 'yun," ang sabi ko, "buti na lang maagap ka nang inagahan ang pinaghandaan mo para makapunta sa venue natin. At saka kampante ka bang nasanay ang pagsasayaw natin mamaya?"

"Oo," ang sagot ni Gracielle, "pero nag-aalala na ako sa pagharap ng daddy mo at daddy ko na kung ano ang gagawin nila sa labas."

"Huwag kang mag-alala," ang tugon ko, "inirerespeto pa rin sila sa pakikisama sa isa't-isa, tulad nang nagkakilala ng magulang ko at sa daddy mo sa atin."

Ngayon ko lang na nadarama ang pangamba niya na baka mauwi sa hidwaan ng pakikitungo sa aming pagkakaibigan at ang pakikisama at tiwala ng magulang ko sa girlfriend ko at ng daddy niya sa akin. Mayroon kayang may pagkukulang sa nakatakda ng mabuting landas sa amin at kailangan din ng pagtitiis at paghihintay bago mapatunayan na matibay ang pagmamahal namin sa isa't-isa sa tamang panahon?

********************

=================

////MEANWHILE////

=================

AUTHOR'S NARRATION POV

Nang pumasok na sa loob na sina Jomart at Gracielle at iba pa nilang kaklase sa venue ng prom night, ang ama ni Jomart ay nagharapan sa ama ni Gracielle sa labas.

"Ah," ang sabi ni Mr. Fredoro Bernardino kay Dr. Bernardo Tundangan, "ilang ulit na nga tayong magkikita sa okasyon na ito."

"Huwag mong sabihin na kailangan na baliin ang ating pagsasama at sa pagrelasyon ng anak mo sa anak ko?" ang tanong ni Dr. Tundangan.

"Hindi naman sa gano'n, Dr. Tundangan," ang puna ni Mr. Bernardino, "pero bagamat mabait ka naman at may malasakit sa kapwa-tao, huwag kang magkampante na pinahalagahan ang sarili mo at sa anak mong babae sa panliligaw umano ng anak kong lalaki. Baka sa bandang huli ay hindi na magtatagal ang pagsasama nila."

"Hindi na bale," ang katwiran ni Dr. Tundangan, "haharapin ko na lang ang responsabilidad ko sa pakikisama sa kanila na huwag pabayaan ang kinabukasan nila."

"O sige," Mr. Bernardino, "patunayan mo na magagawa ka ng mabuti na walang pag-aalinlangan. Bukas man o hindi na maging bahagi ng aming pamilya sa anak mong babae, si Jomart mismo ang magpapasya."

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!