Talk On Teen TV Viewer Habit Supporting Hit Teen Romance

20 0 0

DADDY BERNARDO TUNDANGAN POINT OF VIEW

Sa bagong henerasyon ngayon, pumatok na daw sa kasalukuyan ang teen-oriented na nightly teleserye kumpara sa unti-unting nalalaos na adult-oriented na Pinoy TV drama noong sinaunang panahon. Hindi lamang nakakadepende sa kalidad na nilalaman ng mga makabuluhang kuwento ukol sa bida ng mga teenage relationship na ginampanan ng mga artistang teenagers, kundi maaaring tatangkilikin ng mga kabataang manonoodkaramihan nito ay ang mga kababaihan—na sinasabing "napapakilig at napapahibang" ang charisma at impact nito. Subalit hindi mawawala ang patuloy ng paggabay ng kanilang mga magulang ukol sa naturang nilalaman ng TV show dahil kailangan talagang maghinay-hinay 'yung pinakikilig sa pinanonood ng bawat kabataang kababaihang tinututukan nito na baka mag-fainting sila, katulad noon sa napapanood ng isang concert ng isang sikat na banyagang pop singer. Gayon din ang pinapayo ko si Gracielle na maging hinay-hinay 'yung pinakikilig ang kanyang paboritong lalaking artista tulad nang pinanonood niya kanina at saka huwag na pabayaan ng kanyang pag-aaral dahil nakakasagabal talaga.

Sa ganang akin lamang, bagamat hindi ako mahilig manood ng drama sa TV, kinakailangan na maging kaaya-aya ang paggawa ng kuwento ng teenage relationship. Ipinagbawal talaga ang mga eksena ng konsepto nito na nakakahalintulad sa mga nakatatandang pag-iibigan tulad ng paghahalikan at pagtatalik (na dahilan ng pagkakaroon ng kaso ng teenage pregnancy), base sa rekomendasyon ng isang ahensya na sinasaliksik ang bawat nilalaman ng movie at TV show na binigyan ang age-appropriate TV audience.

Iyon lamang ang nagawa ang iba't-ibang TV network sa Pilipinas sa pamamagitan ng naturang konsepto nito nang dahil sa matinding kumpetisyon sa isa't-isa. Depende kung saang panig na susuportahan ng sikat na kabataang artista sa pinapasukang TV network, ang mas mahalaga na bukod sa maging mapanuri ang nilalaman ng eksena ay magkaroon ng tapat na pagtanggap na tumatangkilik nila na may puno ng pagmamalasakit.

********************

Bandang alas-onse ng gabi, nakauwi na ako sa wakas pagkatapos ng ilang oras ng pagbiyahe ng dala kong sasakyan. Bagamat gising pa ang guwardya namin na may shift na daytime at night-time, halos ang ilang katulong namin ay nakatulog na. Nakatulog na kaya ang anak ko, o gising pa nang dahil sa pag-aalala niya sa akin?

Pag-akyat ko, nakita kong nakaupo pa siya sa mesa sa labas, na ipinatong ang kanyang dalawang palad na kamay sa pisngi ng mukha niya, at kung minsan nakangiti pa sa kanyang labi pati na ang ngipin habang nag-imagine ang iniisip niya na may puno ng kilig. Pinapalakpak pa patungo sa kanyang pisngi, may mahinang pagtili niya. Alam kong may kinalaman ang pinanood niya base sa tinatawagan ko kanina pag-uwi.

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!