My Poem Interpretation To My Lolo't Lola

64 0 0

GRACIELLE'S POINT OF VIEW 

Abalang-abala ang pag-uwi ko pagsakay ng sasakyan na van. At habang hinahayaan ko na ang nakapagkakatiwalaang driver namin ay nakamamaneho mula eskwelahan papuntang mala-mansyon na bahay ko, sinusuot ko ang earphone sa tainga ko at nang naisaksak sa smartphone ko na may music player nakikinig ko muna ang favorite song ko in MP3 format galing legal download o original CD copy na nai-rip ko galing laptop, tulad ng Mahal Kita Pero by Janella Salvador, Shake It Off at Blank Space by Taylor Swift, Kilometro by Sarah Geronimo, Break Free by Arianna Grande, at kung ano-ano pa, basta 'yung para sa mga babae tulad ko. Minsan lang ako sound trip, 'di ba? Pero 'di pa rin mawawala ang pag-aaral ko. ('Di ba uso na rin ngayon ang music streaming app na Spotify o Apple Music kapalit ng MP3 music para mabawasan ang pamimirata?)

"Ah miss," sabi ng driver, "didiretso ka ba pauwi? Mag-aalala ang daddy mo." 

Buti pa nga hindi pa nag-play ang susunod na song file nang narinig ko ang sabi ng driver. 

"Ah opo," sagot ko. "Meron po daw darating ang lolo't lola ko galing sa venue ng meeting ng daddy ko." 

"Ah gano'n?" sabi ng driver. "Saan galing ang bilin dito?" 

"Sa text message galing ang daddy ko," sagot ko. "Hindi ko alam kung nasaan na ang venue doon ng daddy ko kasama pa ang bisita niya. Nakakaistorbo talaga kung pupunta ako doon dahil restricted ang admission. Pero mas mabuti na dumiretso na lang tayo sa bahay ko." 

Biglang nag-ring ang smartphone na hawak ko sa kanang kamay. Nang tinignan ko sa LED display nito, si daddy nga! Dahil touchscreen ang display nito, nag-swipe ang kanang hinlalaki ko para makasagot. 

"Hello daddy!" ang sabi ko na hawak ko ang smartphone. 

"O anak!" sabi ng daddy ko na tumunog sa smartphone ko. "Kumusta naman ang pag-aaral mo?" 

"Mabuti naman," sabi ko. "O siya nga pala, darating nga po ba ang lolo't lola ko?" 

"Oo naman, anak," sabi ng daddy ko. "Nanimiss na ang lolo't lola mo galing abroad na hindi pa naabot para dumalo sa sixteenth birthday mo." 

"'Di bale na lang, dad," sabi ko. "Buti na lang, kung maalaala natin, nakontak lang natin sila sa video Internet call sa nagdaang birthday ko gamit ang webcam tablet PC na may mobile broadband Internet." 

"Oo nga no?" sabi ng daddy ko. "Buti na nga nakaisip mo. Natatandaan nila kaya ang hitsura ng mukha mo na may taglay na ganda na para nga bang bata ka pa rin?" 

"Ikaw naman, dad!" ang natuwa ko na sinabi. "Ang akala mo po naman mauulyanin ang lolo't lola ko? Siyempre naman po! O sige po, pauwi na po ako ngayon mga ilang sandali na lang." 

"O sige," sabi ng daddy ko. "Mag-ingat ka palagi at huwag ka lang pumunta sa ibang lugar na walang pahintulot sa akin." 

"O sige po, bye!" ang sagot ko. At pinindot ko ang End sa touchscreen ng smartphone ko. 

******************** 

Bandang ala-singko ng hapon na. Naku, wala pa ang daddy ko pati na ang lolo't lola ko dahil nasa meeting venue pa. Baka mamayang gabi pa sila uuwi. At habang wala pa sila, gagawa pa ako ng maraming assignment na kailangang matapos, tapos mag-practice pa ako ng sarili kong original na poem na Ingles. Walang manood ng TV ni makinig sa music o iba pang libangan dahil sagabal talaga. Wala pa bang makontak ng kaibigan ko sa text? Mabuti naman, sagabal din naman. 

Bandang alas-otso na. Kakakain ko lang ng veggie tuna salad bilang dinner ko na mag-isa dahil nag-maintain ang pagka-slim ko. Ilang minuto pa lang dumating na ang sasakyan na nandito na ang daddy ko, ang lolo ko, at lola ko. Kaya sa tuwa ko lumabas pa ako para makipagbati, este, magma-manong pala! 

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!