On The Cemetery

5 0 0

GRACIELLE TUNDANGAN POINT OF VIEW

Sa paglipas ng panahon, ako, si Jomart at iba pang kaklase namin ay nakapagtapos na kami sa pag-aaral sa high school dahil tuluyan nang nagkaroon ng graduation sa amin. At kahit na mabuti naman ang naturang okasyon sa amin, isang mabuting alaala ang tumatak sa aming mabuting karanasan, pagsisikap, at pag-aalay sa sarili. Mahiwalay man ang pagsasama namin dahil may sarili nilang mapapasukan sa iba't-ibang pangalan ng establishimento ng kolehiyo na kahit anong kurso ang kukuha nila, hindi mawawala talaga ang pag-post ng kani-kanilang pangyayari at mga litrato sa social media sa Internet, na minsan nga akong humahanga sa kanila.

Kumukuha lang ako ng isang kurso sa kolehiyo na ang layunin ko ay maging isang pediatrician, kasi nga ibig ko talagang mag-alaga ng mga batang pasyente. Siyempre naman, sa aking palagay na ito'y maaaring mapapasigla naman ang aking damdamin sa ganitong kurso na pinili ko. Bago ako nagpasyahan nito, ang naaalala ko noon na sa tuwing nagkaroon ng life-sharing event bilang teen guest host ako ay minsan nga akong nagpapasaya sa mga bata na nagtitiwala nila sa akin.

Bagamat nagsisikap akong mag-aral sa loob ng limang araw kada linggo mula sa simula ng campus season, may nabalitaan ng ilang kaklase namin sa propesor na pinapasukan ko na nag-absent daw ako ng isang araw, dahil sa 'di ko ipinaalam sa kanilang pag-alala na may ibang nilalakaran ko, hindi sa pagsasaya sa labas kundi sa isang "family reasons", sa makatuwid baga ay ang mag-isang pagpunta ko sa isang mala-liwasan na sementeryo na may mapatag na damuhan. Sa tuwing pagsapit ng ala-una ng hapon ay nakatayo ako habang tumutok sa isang marmol na lapida na kung saan matatagpuan ang labi ng mommy ko, minsan akong nag-isip na ukol sa kalagayan ko ngayon kung kaya ko pa bang mabuhay at mapahalagahan pa nang matagal sa kabila ng pag-ulila ko nito.

Mommy, kaya ko pa po bang mag-adjust sa sarili ko kahit hindi ko pa rin makita sa 'yo kung buhay ka po sana? Ang daddy ko talaga, tuloy na tuloy pa rin po siyang nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Kung anong kalagayan mo po ngayon na nasa langit ka, nandito lang po ako para umalalay sa pagmamahal ko sa 'yo.

Ilang oras na sandali, si Jomart naman ay tumungo sa aking kinatatayuan, dahil nag-aalala daw siya sa 'di ko raw ipinaalam na kung saan naroon ako nang dahil sa privacy ko. Nang naka-pwesto na siya sa kaliwa na kinatatayuan ko, minsan din niyang pinagmamasdan ang lapida ng labi ng mommy ko.

"Alam mo," ang sabi ni Jomart sa akin, "kahit na tumatag ka raw ang kalooban mo, sana naman na subukan mong maging masaya sa mga mabuting bagay na hindi lamang na matuwa ka nang kaunti kundi na mapasigla naman ang pagiging masayahin at may magandang ngiti sa mukha mo, nang sa gano'n ay maibsan ang kalungkutan mo."

"'Yun na nga," ang sabi ko, "pero hindi ko talaga maisip na kung paano ako mapasaya sa sarili ko, at saka hindi ko talaga iiwan ang pagbisita ko ng labi niya, kasi nga na baka ang kaluluwa niya ay biglang nagparamdam sa akin 'pag iniwanan ko na nito."

"Pinagdasal mo ba kay Lord na bigyan Niya ng guidance ng labi ng mommy mo, kahit na araw-arawin o linggo-linggo nang minsan?" ang tanong niya.

"Oo," ang sagot ko, "pero minsan nga ay para nga bang nag-aalinlangan ang paninindigan ko na maging matatag sa mga hamon na kinakaharap ko ngayon."

Biglang hinawakan ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay ko, at tila nga nakutuban talaga ang nararamdaman ko habang pinagmasdan ko pa sa kanya.

"Gracielle," ang mahinang tinig na sabi ni Jomart habang humarap na kami nang mukhaan (ako ay sa kaliwa ng ulo ko at siya ay sa kanan ng ulo niya na nakatayo kami), "anumang mangyari sa buhay mo, nandito lang ako para umalalay sa kalagayan mo ngayon. 'Yung pinapangarap natin, kailangan din."

Dahil nag-aalinlangan ako sa motibo niya sa akin, nagbitaw na ako sa paghawak niya ng kamay ko.

"Jomart," ang sabi ko sa kanya nang pinapawi ko ang mukhaan sa paningin namin, "sa palagay ko na hindi ako handa na dalas-dalasin pa ang pagkapiling mo sa akin, pero kahit na magkaibigan lang tayo sa ngayon, hindi ko alam na kung papaano akong mahahagilap ang mabuting pag-asa sa akin. Ang iniisip ko ay kailangan lang akong mahagkan ko pa ang pangako na maging matatag pa rin ako kahit na sa panaginip ko na sanang magkasama ng mommy ko."

Nang biglang lumuha ang mata ko, nagbuntong-hininga pa si Jomart nang nalaman niya ang saloobin ko.

"Sa palagay ko nauunawaan ko talaga ang saloobin mo na gusto mo talagang makapiling ang mommy mo," ang sabi ni Jomart, "pero kahit na mananatiling magkaibigan lang tayo, eh kaso hindi pa rin mawawala ang tiwala ng daddy mo sa akin at sa iyo na minsan na palaging nakikisalamuha ang mabuting pagsasama natin, sa kabila ng pangamba ko na tila nga bang mapapaglaruan ang tadhana na ito sa atin."

"Oo nga," ang sabi ko, "pero sa palagay ko na buong ingat ng daddy ko sa pakikisalamuha sa atin dahil ang intensyon niya na ginagabay daw niya 'yung kinikilos o motibo natin sa araw-araw, lamang kung may saysay nga ba ang nalalaman niya na kung ano ang tama o mali. Ang mas mabuti pa na pagbigyan muna ng daddy ko ang isang pagkakakataon na kailangan munang pagnilay-nilayin ang kanyang sarili kahit na hindi tayo magkakasama nang sabay kung sakaling sumama pa ang lalakarin naming mag-ama sa takdang araw."

"Ano?" ang pagtaka ng sabi ni Jomart. "Ang ibig mong sabihin na iniiwasan mo ba ako kasama ang mag-ama n'yo?"

"Pero hindi ibig kong sabihin na hindi na kita mahal," ang pagtanggol na paliwanag ko, "dahil kahit na matuto man ang responsibilidad natin, kailangan lang tayo mag-antay sa takdang panahon, at dahil naniniwala ako na tanging tunay na mabuting pagmamalasakit sa kapwa ang nangingibabaw."

Si Jomart, pinapatong pa ang kaliwang balikat ko sa kanang kamay niya.

"O sige," ang sabi ni Jomart na nagbuntong-hininga pa, "pero nandito lang ako para maaalayan kita. Sana nga, huwag namang maihalintulad ang tindi ng lungkot at pagkamatay ng mommy mo sa kalagayan mo ngayon. Paano kung magkaroon tayo ng pamilya, baka maulila naman ang anak natin sa 'yo?"

Tama ang sabi ni Jomart, subalit hindi ako makasagot nang dahil sa palagay niya na tila nga bang mahahantungan daw ako ng matinding kamalasan sa darating ng napakahabang panahon. Sana naman, hindi dapat mangyari nito.

* * * TO BE CONTINUED * * *

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!